HM: Prologue

17 0 0
                                    

Her

"B-baby, l-leave," nahihirapang ani ng aking ina na ngayo'y naliligo na sa kanyang sariling dugo habang nakahandusay sa aking harapan.

Hindi ko maiwasang hindi mapahagulgol sa sinapit ng mga magulamg ko ngayon. Ang aking ama, nasa tabi din ng aking ina ngunit ngayo'y wala na siyang buhay at makikita sa kanyang mukha ang paghihirap na dinanas niya.

"N-no, M-mommy! I'll n-never leave y-you!" Panay pa din ang iyak ko.

Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ng aking ina ngunit hindi na ito umabot sa kanyang mata na katulad ng mga ngiti niya noon.

Itinaas niya ang kanyang palad na may bahid na din ng napakaraming dugo. Batid kong gusto niya akong hawakan ngunit hinang-hina na siya kaya ako na mismo ang lumuhod at inabot ang kanyang kamay bago ito inilapat sa aking pisngi na basang-basa na ng mgaluhang walang humpay sa pagtulo.

"A-always r-r-remember...that w-we lov-e y-you...so much, o-our b-baby." Ani ng aking ina.

Hagulgol lamang ang aking isinagot sa kanya dahil walang gustong lumabas sa aking mga labi sa halo-halong nararamdaman ko ngayon na nakikita ko ang aking mga magulang sa ganitong senaryo na ni minsan sa aking buhay ay hindi sumagi sa isipan kong ganito ang kahihinatnan ng dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

"M-mom, please tell me, you'll live." Hindi ko alam kung naintindihan pa ba ng ina ko ang sinabi ko sa sobrang hina at isali pa ang hagulgol ko.

"L-leave, b-baby. W-we sacrificed...ourselves f-for you to l-live.. Leave 'til their b-back-up i-isn't h-here y-y-et." Tinitigan ko ang aking ina sa pagkakataong ito.

Nagsakripisyo sila para mabuhay ako.

Tinignan ko ang paligid.

Nasa mansyon pa din ako pero nagmistula itong battlefield dahil sa kahit saan ka tumingin, sira na lahat at ang iba pa'y tinutupok ng apoy.

Sa malapit, nakita ko ang isang lalaki, nakahilata at walang buhay ngunit ang tatoo sa kanyang braso ang nakaagaw ng pansin ko.

Isang apoy na tatoo at sa baba niyo'y may nakasulat na Hell Org.

Binalikan ko ng tingin ang aking ina nang marinig ko siyang umubo at kasabay niyon ay ang paglabas din ng dugo sa kanyang bibig.

"W-we love y-you, o-our d-daughter.." Aniya na may nakapaskil na maliit na ngiti sa kanyang labi bago unti-unting pumikit ang kanyang mata na siya namang ikinalakas pa ng hagulgol ko.

"No! Mommy!" Niyugyog-yugyog ko siya ngunit ni kaunting galawa niya lamang ay wala.

Pasalampak akong naupo dahil hinang-hina na ako.

Ang mga magulang ko. Mommy, Daddy. Silang dalawa, wala na sila. Iniwan na nila ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasalampak doon nang marinig ko ang papalapit na tunog ng sasakyan.

Dali-dali kong tinungo ang bintana upang masilip kung sino iyon. Napakaraming sasakyan lulan ang mga armadaong lalaking may mga hawak ng malalaking armas at ang mga suot nila'y kapareho ng mga suot ng mga lalaking wala nang mga buhay dito.

Nilapitan ko ang aking mga magulang at binigyan ng halik sa kanilang noo at dali-daling tumayo upang lumayo dito.

Sa huling pagkakataon, bago ako makalayo nang tuluyan ay sinulyapan ko muna ang aking mga magulang at patakbong lumayo doon.

Hindi ko alam kung saan ako patungo pero patuloy pa din ako sa pagtakbo hanggang sa marinig ko ang isang malakas na pagsabog kaya napatigil ako tsaka ko nilingon kung saan iyon nanggaling at gano'n na lamang ang paglala ng galit na aking nararamdaman nang nanggaling ang pagsabog na iyon sa aming mansyon na ngayo'y tinupok na ng apoy.

Kinuyom ko ang aking mga kamao at marahas na pinunasan ang aking mga luha bago tinignan ang mga kalalakihang kahit nasa malayo'y alam kong nagsasaya na ngayon.

"Balang-araw, balang-araw ay matitikman niyo ang sakit na ibinigay niyo sa akin. Kulang ang kamatayan para sa buhay ng mga magulang ko. Kulang." At pinagpatuloy ko na ang aking pagtakbo.

His MysteryWhere stories live. Discover now