HM: Two

3 0 0
                                    

Mystery Alvarez

Napakuyom ang kamao ko nang mabasa kung sino ang nagpadala ng sulat na ito.

Sa loob ng tatlong taon, hindi na nakapagtatakang natunton na niya ako. Tatlong taon din akong nagtago at ngayon nga, natunton na niya.

Hell. Ang tao sa likod ng pagkamatay ng mga magulang ko.

Bakit nga ba nagtatago ito? Bakit hindi niya ako harapin?

Nagpalinga-linga ako upang tignan kung may nakapanghihinalang bagay at tama nga ako. May nakita akong lalaking may hawak ng palaso na nasa puno medyo malayo sa kinaroroonan ko.

Akma ko siyang pupuntahan ngunit naunahan na niya ako.

Mabilis siyang nakaalis kaya heto pa din ako, nakatayo sa harapan ng pintuan ng bahay ko habang hawak anng mga pinamili ko.

Pinulot ko ang arrow na ginawang instrumento ni Hell upang maipadala ang walang kakwenta-kwentang sulat na iyon at walang pagdadalawang isip na pinutol ko ito bago itinapon kung saan.

Pabalang kong isinara ang aking pinto nang makapasok na ako.

Inilagay ko na lamang sa maliit na mesa sa aking kusina ang mga pinamili ko at dire-diretsong nagtungo sa aking kwarto.

Humarap kaagad ako sa laptop ko at muling nag-reasearch patungol sa organisasyong hinahawakan ni Hell ngunit katulad nang mga nakaraan, basic informations lang ang nakuha ko.

T-in-ry ko pang i-hack ang ibang systems dahil nagbabakasakaling may makuha akong impormasyon pero wala pa din.

I frustratingly messed my hair. Dammit! Ilang taon na akong naghahanap ng impormasyon tungkol sa kanya at sa oraganisasyon niya ngunit wala pa din!

Tatlong taon na. Tatlong taon na akong kumakapa ng hustisya at paghihiganti ngunit wala pa din.

Mahigpit kong hinawakan ang bedsheets ko habang nakatingin sa kawalan.

Darating din ang araw. Ang araw kung saan pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mga magulang ko at sa araw na 'yon, sisiguraduhin kong hihilingin mo na lamang ang mamatay kaysa patuloy mong maramdaman ang sakit na ipinaramdam mo sa akin noong mga panahong naghihingalo ang mga magulang ko.


Hindi katulad kahapon, medyo tinanghali ako ng gising ngayon. Treinta minutos na lamang ay magsisimula na ang klase ngunit hindi katulad ng ibang estudyante na kapag nali-late ay nagkukumahog na, iba ang ginawa ko dahil kung nagpa-panic ka, mas lalo ka pang matatagalan kaya naman ay gumalaw ako na parang napakaaga kong nagising.

Nang makarating ako sa Mariland, kakaunti na lamang ang estudyante sa hallway. Malamang ay nasa kanya-kanya nang mga silid.

At dahil 40 minutes naman na din akong late, hindi ko na inabala ang sarili kong puntahan pa ang unang asignatura ko ngayong umaga.

Nagpunta na lamang ako ulit sa garden at hinintay ang susunod na schedule.

Nakayuko akong naglalakad papunta sa susunod kong klase nang maramdaman kong may nagmamasid sa akin.

Napalinga-linga ako at hindi nga ako nagkamali, may lalaking nakaitim sa taas ng abandonadong building na alam kong sa akin nakatingin.

Kahit na nasa malayo'y alam kong nakapaskil sa kanya ang isang ngisi.

Unti-unti niyang inalabas ang baril niya't ipinutok ang gatilyo nito at ganoon na lamang ang sigawan ng mga estudyante nang marinig ang putok ng baril at isa pa, ang dugong dumadaloy mula sa braso ko dahil sa daplis na gawa ng bala.

His MysteryWhere stories live. Discover now