Mystery Alvarez
Nakayuko akong naglalakad papuntang library habang hindi alintana ang mga mapanghusgang matang nakatingin sa akin at ang mga bulungang aking naririnig sa paligid.
Tapos na ang class hours ngayong araw kaya nama'y doon na naman ang punta ko dahil doon na talaga ang tambayan ko simula pa man noon dahil doon, walang ibang tao sa kadahilanang bibihira na ang mga kabataang mahilig magbasa dahil mayroon nang internet.
Nang makarating ako doo'y nadatnan ko ang librarian na nakataas ang dalawang paa habang ngingiti-ngiti pang nakatitig sa kanyang ipad at nagpipipindot dito ng kung ano-ano.
Dumiretso ako sa mgabookshelves nang walang binibitawang kahit na anong salita dahil wala din naman akong sasabihin at wala din namang pakielam ang librarian sa akin.
Nang makapili ako ng libro'y nagpunta ako sa pinakadulong mesa na siyang pwesto ko dito at nagsimula nang magbasa.
Makalipas siguro ang dalawang oras ay nagsalita na ang librarian na sinasabing magsasara na ang library kaya nama'y wala akong nagawa kung hindi ang ibalik sa shelves ang mga binasa kong libro. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at nakatungo na namang tinahak ang daan palabas dito.
Habang naglalakad sa madilim na eskinita ay naririnig ko ang tinig ng mga kalalakihan na siguradong madadaanan ko maya-maya.
"Ang kinis mo naman, Miss!" Ani ng isa sa mga lalaki.
"Bitiwan niyo ako! Pakawalan niyo ako!" Malamang, ito ang babaeng sinasabihan ng lalaki kanina.
"Iyan ang gusto namin! Palaban!" Sinundan pa ito ng halakhak.
Hindi ko pinansin ang mga ito at nakatungo pa ding naglalakad hanggang sa matapat ako sa kanila at may isang kamay ang humawak sa braso ko upang pigilan ako.
"Miss, baka gusto mong sumama sa amin at mag-enjoy?" Kahit na hindi ko nakikita'y batid kong nakangisi ang lalaking ito ngunit imbes na bigyan ko siya ng reaksyo'y nanatili akong nakatungo at hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan.
"Miss! Tulungan mo ako, Miss! Maawa ka na!" Sigaw ng babaeng hawak pala ng dalawang mga lalaki habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga ito sa kanya at iyak nang iyak.
"Miss, halika na," nakakapangilabot nitong imbeta sa akin ngunit katulad kanina, hindi ako nagbigay ng reaksyon.
Nainis ata itong lalaking ito dahil tinangka niya akong hilahin ngunit bago pa man iyon mangyari ay agad kong sinipa ang kanyang tuhid dahilan upang siya'y mapaluhod at mapasigaw sa sakit.
"Magbabayad ka!" Ani pa nito at sinubukang tumayo bago mahigpit na hinawakan ang aking braso.
"Get off." Ani ko habang nakatingin sa braso kong hawak niya na kahit madilim ay kita ko na ang pamumula.
Isang napakalakas na halakhak ang isinagot niya sa akin at hinawakan ang aking panga bago itinaas ito para makita niya ang mukha ko.
"Alam mo bang masakit ang sipa mo?" Anito na batid ko ang galit sa kanyang boses.
Sinuklian ko lamang siya ng malamig na tingin.
"At dahil doon, magbabayad kang babae ka!" Sigaw niya at mas hinigpitan pa ang hawak sa panga ko.
Rinig ko ang sigawan ng iba pa niyang kasama na sayang-saya sa nangyayari sa akin ngayon.