Words of Wisdom (1)

1.1K 11 3
                                    

Noong nasa elementary pa ako, madalas akong president ng klase. Syempre, mg batang munti pa kaya hindi ko alam na mabigat na responsibilidad din pala yun. Akalain niyo un? Noon kase, taga-lista  lang ako ng NOISY at STANDING or yung mga labas ng labas ng classroom, yun lang naman ang inuutos ng teacher noon eh. Pero nung tumuntong ako sa highschool, nalaman ko na hindi biro maging presidente though hindi ko siya dinanas. Yung friend ko lang un. Lagi kasi siyang president, mapa-class or sa dalwang section. Dalwang section lang kase samin ang isang year, yung combination of both, we call it "barangay" so siya ay class at barangay president kaya mas pasakit.

Naisip ko, dalwang section pa lang un ahh. Paano pa kaya kung isang buong bansa ang sakop mo? Diba hindi madali? Kaya hindi din natin masisisi ang presidente natin, kung kakarampot ang improvement sa bansa natin. Lalo na at hindi lahat ng mamamayan ay nakikicooperate.

Okay? Hindi talaga 'to tungkol sa political issues kaya maiba tayo :P

Everyone aspire for a world change. Kaso ang malaking tanong..

PAANO?

Noon, tamad na tamad ako pumasok ( hanggang ngayon naman eh. haha ) Pero tama yung english teacher ko. Bakit pa nga ba tayo nag-eenroll kung ayaw naman natin mag-aral? Pag holiday, tuwang tuwa ang mga estudyante,

Yey, walang klase!

Ganyan ang laging sinasabi ng mga estudyante. Syempre, ganan din ako. Likas naman sa mga estudyante yan eh diba?

Yung teacher ko nga nung 2nd year highschool sa Filipino NAPAKA bihira pumasok eh. Kaya ayan, isang buong taon nakatali si Florante kasi hindi kami nakaisod ng chapter. Pero kami naman 'tong si mga tuwang-tuwa dahil walang klase.

Mas mabuti naman mag-aral kaysa tumambay, gumimik habang nakaasa sa parents. Ang ag-aaral at paghihirap natin, para din yan sa magandang kinabukasan natin.

Tandaan:

Hindi natin kasalanan na pinanganak tayong mahirap. Ang kasalanan natin ay kung mamatay tayong mahirap pa din.

Bakit?

Simple lang. Kase kung mamamatay tayong mahirap, ibig sabihin wala tayong pinagsikapan nung nabubuhay tayo.

Sabi nila, tamad na daw ang henerasyon ngayon. Oo tama naman diba? Asa sa technology. Nakahilata, nag lalaptop. Pagkagising, kakain na lang.

Eh dati? Isang kayod isang tuka. Bago ka makapasok, kailangan mo munang magtrabaho para may baon ka. At kailangan mo yung tipirin. Kung kaya lakarin papasok ng school, dapat lakarin para makatipid. 

Mahirap ang buhay noon. Gayunpaman, masipag naman ang mga tao noon.

Eh ngayon? Ang mga kabataan ay asa sa mga magulang. Walang pakialam kung wala nang perang maibibigay ang magulang.

Inconsiderate.

Mapag-walang-bahala.

Ganyan naman eh. Dba?

 Dapat magbago tayo, Para umunlad naman tayo.

Unawa.

Sipag.

Tiyaga.

Disiplina.

Magbago.

"Nothing is permanent in the world except change."

~~~

_samantha.louise ♥

Words of Wisdom =)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon