Lovelife
Yan ang karaniwang problema ng mga kabataan ngayon.Hindi kasi minamadali yan. Bata pa naman tayo. Madami pang oportunities. Kailangang ang priority muna natin ay studies.
Ang lovelife, sagabal lang yan sa pag-aaral natin sa ngayon. Lalo na kung mga nsa highschool pa lang. Sabi nga nung T.H.E teacher ko,Ang relasyon pag highschool pa lang ay hindi tumatagal.
Siguro nga. Pero hindi natin masasabi. Pero isa ako sa mga naniniwala sa sinabi niyang yan. Ewan ko. Minsan kasi nagiging hadlang yan eh. Imbis na nag-aaral, yan ang inaatupag.Isa pa, nakakastress din yan.
Sa una, masaya. Pero habang tumatagal, nawawala na yung spark.
Madalas na kayong naiinis sa isa't-isa.
Nagsasawa na sa isa't-isa.
Hindi kasi minamadali yan eh.
Hindi hinahanap.
Kasi,
Kusa yang nararamdaman.
Kusang dumadating.
May kaklase nga ako na laging naghahanap ng lovelife. Ewan ko ba dun sa taong yun. Hindi ata mabubuhay ng walang ganun, though wala naman siyang mahanap. haha.
Kung bata pa, dapat hanggang crush lang muna. Ang crush ay nagsisilbing inspirasyon lamang.
Hindi yung,
Ay, dadating si crush, peram suklay, peram polbo.
Ano, ok na ba ako?
Sana mapansin niya ako!
Hindi dapat ganyan. Tapos madidisappoint lang kayo.Ay, hindi ako napansin.
Panget ba ako?
Magiging ispirasyonon mo lang siya para magpursigi. Mas mapapansin ka niya kung halimbawa eh nag top ka sa klase. Mas maganda kung mpapansin ka niya sa ganung dahilang diba. Kesa ung nagmukha kang clown dahil sa make-upCrush, I exist.
Yan lagi ang drama ng mga hindi pinapansin ni crush. Crush lang yan. Wag kayo magpakastress dahil diyan.Crush pa lang yan.
Paano kung lumovelife kna?
Edi mas nakakastress.
Ang love parang research yan.
Unhurried and requires patience.
Matuto tayong maghintay. kaya maraming nasasaktan sa love eh. kasi minamadali. Eh sinong sinisisi nila? Ung nagbroke ng heart nila? Engk. Ikaw may kasalanan nun. Nagmdali ka kasi.PATIENCE
Is the big word.Remember,
God is writing the best love story for you so do not hurry. =)
~~~_samantha.louise ♥
BINABASA MO ANG
Words of Wisdom =)
HumorWords of Wisdom by Sammy. Inspired by Bob Ong, Ed Lapiz, and my teacher that I USED TO hate. Tsaka parang outlet ni Author kung may gusto siyang i-share. Haha! =))