Kabanata 2

3.6K 86 5
                                    

Kabanata 2

MALAPIT nang magdilim nang makarating kami sa Coron, Palawan. Kahit na ilang beses na akong nakapunta rito ay hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa napakagandang tanawin.

     Sumabog ang nakalugay kong buhok dulot ng malakas na pag-ihip ng hangin. Hinubad ko na kanina ang suot kong flats kaya't nakaapak na ang paa ko ngayon sa pino at puting buhangin ng dalampasigan, it may sound weird pero napakasarap no’n sa pakiramdam. Tumatama pa nga ang maliliit na alon sa paa ko.

     Pinagmasdan ko ang napakagandang tanawin na kasalukuyang nakahain sa akin ngayon, papalubog na ang araw na para sa 'kin ay ang perpektong oras para maglakad-lakad sa dalampasigan dahil nakakadagdag ito sa kagandahan ng tanawin.

     Naghahalo ang kulay kahel at dilaw sa kalangitan, tumatama rin ang repleksyon ng sunset sa malinaw na tubig ng dagat– gano'n lang at matatawag ko nang magandang tanawin. Well, maliban kay Stav 'cause he's still the perfect view for me.

     Kagaya ko ay marami ring nag-aabang sa mismong paglubog ng araw, well, halos lahat ay mga turista. Mayroong mga nag-set up ng camera at meron ding camera lang ng cellphone ang ginamit sa pagkuha ng litrato.

     Nandito kami ngayon sa isang resort sa Coron. Sa hotel ng resort kami tutuloy at bukas naman gaganapin ang shoot. Summer ang theme kaya sa tingin ko’y dito rin mismo ang magiging venue.

     Anim kaming models na magkakasamang ipinadala rito para sa isang project. Si Jhenin na isa sa mga bestfriends ko, si Cavel at Nasht, of course si Stav... at si Belinda.

     Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa dalampasigan, hinayaan kong tumama ang maliliit na alon sa paa ko habang pinagmamasdan ang view. Iginala ko ang mga mata ko at natigilan nang may mamataang pamilyar na bulto ng isang lalaki, kagaya ng iilan ay tamihik n'ya ring pinagmamasdan ang napakagandang view.

     Dahil sa sinag ng sunset ay unti-unti kong naaninag ang maamo n'yang mukha, sumilay ang malapad na ngiti sa labi ko nang tuluyan kong mapagtanto kung sino iyon.

     Malaya kong pinagmasdan ang kabuuan n'ya, I traced his strong and masculine jawline, his narrowed nose, his soft, thin, and kissable lips, his fair skin na mas tumingkad dulot ng kulay kahel na kalangitan, and his well-toned body. Again, he is the epitome of perfection.

     Nasa kalagitnaan ako ng pagtawag sa kaniya nang mamataan ko ang papalapit na si Belinda, natabunan ang boses ko ng malakas na pagsigaw ni Belinda ng pangalan ni Stav dahilan para mapalingon ito sa kaniya.

     Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Stav nang magtama ang mga mata nila ni Belinda, hindi ko alam kung bakit napakalaki ng naging impact no’n sa akin at bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa bandang dibdib ko.

     Inalala ko kung ni minsan ba ay ngitian n'ya ako ng gan'yan pero wala naman akong maalalang pagkakataon, para bang ipinanganak lang s'ya upang sungitan at ignorahin ako.

     Pinasadahan ko ng tingin ang nakangiting si Belinda. She's tall, well, matangkad din naman ako. Maganda ang katawan niya dahil palagi siyang nag-gy-gym, gano'n din naman ako, kutis porselana siya, maputi rin naman ako, ang kaso ay mas maputi nga lang siya.

     Well, mas maganda naman ako kesa sa kan'ya.

     Dumistansya silang dalawa papalayo sa dagat tsaka naupo sa dalampasigan, marahil ay ayaw nilang mabasa ng alon habang nakaupo. Kung hindi ko lang siguro sila kilala at makikita ko silang dalawa sa ganitong posisyon, ang unang konklusyon na papasok sa isipan ko ay mag-jowa silang dalawa.

     O baka naman kaya ay may relasyon talaga silang dalawa? Napapikit ako nang muling maalala ang sinabi sa ‘kin ni Stav kahapon.

     “May mahal na akong iba.”

Chasing Stav (Montenegro Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon