#1
"Pero, hindi kayo para sa isa't isa."
"Para kami sa isa't isa. Nagalit lang ang tadhana."
(2012)
#2
"Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin?"
"Masyado kang karapat-dapat mahalin kaya alam kong hindi ka dapat manatili sa akin."
(2012)
#3
"Kailangan na ninyo maghiwalay para sa ikabubuti niya. Minsan, kailangan natin magpalaya."
"Ayaw kong isipin. Ibig kong sabihin, ayoko siyang palayain."
"Walang puwang sa pag-ibig ang pagiging makasarili."
(2013)
#4
"Pakiramdam ko ay mas minamahal ko siya. Bakit ngayon pa po kung kailan wala na siya?"
"Mahiwaga ang distansya. Magagawang paglapitin nito ang dalawang taong nagkalayo dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa."
(2012)
#5
"Paano kung may pag-asa pa? Paano ko malalaman kung hindi ko sasabihin sa kanya? Pero, paano kung hindi naman talaga ako ang gusto niya? Paano kung mailang siya sa akin at lalo pa kaming maging malayo sa isat isa?"
"Wala ni isa sa mga tanong na iyan ang masasagot kung hindi ka susubok."
(2016)
#6
"A-ano?"
"'Wag mo sana siya iwasan dahil dito. Wala naman masama, e. 'Di ka naman obligadong mahalin siya pabalik. Hayaan mo na lang siya. 'Wag ka sana umiwas."
(2012)
#7
"Hindi mo ba gusto ang kulay?"
"Maluluma rin iyang pintura niyan. Kukupas. Kapag kumupas na iyan, mawawala rin ang pagkagusto mo."
"Parang ako?"
"Hindi ikaw ang kumupas."
"Pero bakit ayaw mo na?"
"Pag-ibig ang kumupas."
"Pag-ibig mo lang."
(2013)
#8
"Bakit kailangan pa ng mga taong magmahal kung habang lumalaki ang taya nila sa sugal ng pag-ibig ay lalo lamang silang nalulugmok sa halip na manalo?"'
"Hindi lang basta lumalaki ang pusta ng mga taong tinutukoy mo — lumalabis. Kaya nasasaktan sila. Anumang bagay na sumobra ay nagiging kulang sa huli."
(2012)
#9
"Iibig po ba siya muli?"
"Kung pipiliin niyang umibig muli."
"Hindi pa po niya ganap nanakakalimutan ang nakaraan."
"Hindi niya kailangang kalimutan ang mga nangyari — kailangan niya lang na tanggapin ang mga ito."
(2012)
#10
"Sabi ko noon tadhana na yata. Iyong birthday niya kasi March 18, ako naman March 17. Pero naisip ko na iyong mga birthday namin parang kami. Iyong sakto na sana pero dumaplis pa. Kaya siguro hanggang magkaibigan lang kami. Sakto na sana, pareho ng ayaw at gusto, pero dumaplis pa – hindi niya ako gusto."
"Hindi natin alam kung anong koneksyon ng mga kaarawan ninyo sa kahihinatnan ng kuwento ninyo. Ang tanong ko lang, paano mo nasabi iyan? 'Di ba hindi ka pa naman nagtatapat sa kanya?"
(2016)
© Charina Clarisse Echaluce
(Ang pagkopya ng anumang bahagi ng akdang ito nang walang credit sa manunulat ay labag sa batas. #PlagiarismIsACrime #PlagiaristsAreNotHeroes)
YOU ARE READING
The Yalogo
RandomAng "The Yalogo" ni Charina Clarisse Echaluce ay lumalabas sa kanyang Minsan Okay Lang Ma-traffic Facebook page. "The Yalogo", mula sa salitang "dayalogo" o "dialogue". --- Book cover by Mark James Estonilo