#21
"Mahal din naman kita, e."
"Pero kailanman ay hindi naging sapat ang 'din naman' para manatili ka, para sa wakas ay ibigin mo na ako nang higit sa pagmamahal mo sa kanya."
(2016)
#22
"Wala akong kasalanan."
"Lalo naman ako."
Sa isang bagay lamang sila nagkapareho – sa hindi pag-amin ng kamalian. Iyon lang at hindi na sila muling nagkasundo.
(2016)
#23
"Nagkamali ako noong iwanan kita. Gusto kong itama iyon ngayon."
"Noong tayo pang dalawa, hindi ko na makita kung ano pa ang tama sa sarili ko dahil puro mali lang sa akin ang nakikita mo. Pero alam mo ang masakit dito? Iniwan mo ako sa pag-akalang ikaw lamang ang tama sa buhay ko -- gayong ikaw pala ang kaisa-isang kamalian pinili, nagawa, at sinamba ko. Nagkamali ako noon, hinding-hindi ko uulitin iyon ngayon."
(2016)
#24
"Sobra mo kasi siyang mahal."
"Napasobra nga siguro. Napasobra kaya ako nagkulang -- sa sarili ko."
(2013)
#25
"Anong bakit?"
"Bakit ganito? Nahihirapan na nga ako na kalimutan ka, nahihirapan pa ako kapag naalala ka."
(2016)
#26
"Alam ko malungkot ka pa rin dahil sa pag-alis niya."
"Sana nga. Pero hindi ito tungkol sa pag-alis niya. Tungkol ito sa kung paano siya umalis."
(2016)
#27
"Ilang beses na kayong nagkakasabay ngayong taon, ha."
"Oo nga, ilang beses na kami muling nagkatagpo pero hindi pa rin namin nahahanap ang lugar namin sa isa't isa."
(2016)
#28
"Hayaan mo na. Huli na."
"Ilang taon kayang na ganoon? Ilang taon kayang itinago ng mga ngiti at halakhak niya ang sakit at kabiguang dulot ko? Kung alam ko lang."
"Hayaan mo na. Huli na. Masaya na siya."
(2016)
#29
"Ano ba iyang gumugulo sa isip mo?"
"Nalilito ako. Hindi ko alam kung nalulungkot ba ako na wala na siya o hindi ko lang matanggap na masaya siya kahit wala ako."
(2016)
#30
"Bakit mo sinisimulan ang isang bagay na alam mong kailangan mo rin tapusin?"
"Siguro dahil sobrang gusto ko ito at umaasa ako na kapag pinilit ko, na kapag pinagsikapan ko, ay magbago ang isip ng tadhana at ibahin ang plano rito."
(2016)
© Charina Clarisse Echaluce
(Ang pagkopya ng anumang bahagi ng akdang ito nang walang credit sa manunulat ay labag sa batas. #PlagiarismIsACrime #PlagiaristsAreNotHeroes)
YOU ARE READING
The Yalogo
RandomAng "The Yalogo" ni Charina Clarisse Echaluce ay lumalabas sa kanyang Minsan Okay Lang Ma-traffic Facebook page. "The Yalogo", mula sa salitang "dayalogo" o "dialogue". --- Book cover by Mark James Estonilo