Chapter 1

7 0 0
                                    

Ako si Riza, 1st year college.

At...wala padin kaibigan hanggang ngayon.

Dalawang buwan nako sa college pero eto, wala padin.

...Wait.

"Riza!"

"Mag-lunch na tayo."

(Ah. Nikko)

"Ha? Wala ka paring barkada hanggang ngayon?"

"Bakit ganun? Ayaw ba nila sakin? Pinilit ko naman pero...ah..anong gagawin ko?" Sabay subo ng pagkain.

Si Nikko. Siya lang ang naging kaibigan ko.

"Ikaw lang makakasagot nyan." Sabi nya.

"Di gagana yan pag hinantay mong ikaw kausapin."

(Aray naman.)

"Minsan, ikaw ang unang bumati. Dapat mong baguhin paraan mo ng pakikipag-usap sa iba." Dagdag nya.

"Ta-tama ka.."

(Naiintindihan ko naman. Wala akong kwenta...)

"Wag kang mag alala." Sabi niya sabay tapik sa likod ko.

"Andito naman ako e. Tutulungan kita lagi."

"Salamat ha."

                                ******************

Nakilala ko si nikko nung 1st year highschool kami. Kalilipat lang din kasi namin sa lugar nayon kaya wala din akong kakilala. At dahil di naman aki sociable, nahihirapan talaga ako mag adjust. Kaya lagi ako mag-isa.

Pero...Minsan isang araw..

" Mag-isa ka lang?"

"Hayaan mo akong maging kaibigan mo."

Pagkatapos non, kumikilos na siyang parang kuya o o kaya parang magulang na din sa akin.

Hanggang ngayon.. ganun pa din sya sakin.

                                ******************

"Wow Nikko, ikaw nag handa ng baon mo?."

"Oo. Wala na si papa. Si mama naman lagi nasa trabaho so ako na lang talaga nag aasikaso sa sarili ko." Sabi niya sabay kagat sa tinapay na dala niya.

Napaka-responsableng tao.

Feeling ko tuloy pabigat lang ako.

"Nikko! Pag may problema ka an-"

"Okay lang. Unahin mo na lang muna sarili mo, wag mo akong alalahanin." Singit niya.

(Ha?)

Salamat andyan ka sa tabi ko, Nikko.

Sana maibalik ko kabutihan mo....

                               ******************

"Simula ngayon, maghahanda na tayo para sa darating na event." Sabi ng president namin.

(Haaaay. Ano naman kaya macocontribute ko dito?)

(Ah. May pambura, nalaglag.)

Pupulutin ko na sana kaso may nauna.

"Sorry." Ani classmate ko.

"Ah..eh.." wala na akong nasabi.

Bumalik na sya sa pwesto nya.

                                ******************
Pag ako unang nakipag usap at magkaroon ng kaibigan, mababayaran ko na kabutihan mo Nikko.

Buddy BuilderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon