Chapter 2

1 0 0
                                    

"You may go in." Nakangiting sambit ng nakausap niyang sekretarya matapos nitong makausap ang ate Jastine niya sa intercom. Nagpasalamat siya sa dalaga bago huminga ng malalim.

 

 Kumatok muna ng tatlong beses si Maybelle bago pinihit ang seradura. Nakita niya ang hinahanap na nakaupo sa swivel chair, nakatagilid ito mula sa kanya at nakatingin sa glass window na tanaw ang iba pang naglalakihang building sa labas.

 

Tumikhim siya at saka lang siguro nito naramdaman ang presensya niya. Napatayo ito ng makita siya bago lumapit sa kanya.

 

"Oh, Maybelle,dear! What brought you here? It's been years." saad nito bago siya niyakap.

 

Ito pa rin ang ate Jastine niya, malambing tulad ng dati. She checked out her fashion and fascinated with what she saw. Her fashion speaks of authority, yet she looks so sweet, warm and open.

 

 Kaya nagtataka siya sa mga ikinukwento sa kanya ni Niale at Siva na mga kaibigan nila na nang magdebut ito five years ago ay lagi daw nitong bukambibig na 'nag-binata' na daw ito.

 

"Hey, what's wrong?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang  hawakan nito ang baba niya at pinagtama ang paningin nila. Hindi siya nagkamali ng maisip niyang ito ang lapitan.

 

"Nothing, I just missed you." sambit niya.

 

"Me too." inakay siya nito papunta sa may couch na nasa loob ng opisina nito." Now,tell me." sabi agad nito pagkaupo pa lang nila.

 

"Ah...can I ask you a favor, ate?" Alanganing tanong niya.

 

"Sure." sagot agad nito. 

 

Umayos siya ng upo bago huminga ng malalim.

 

""It's a big favor,ate." 

 

"What is it?"  humalukipkip ito habang naghihintay.

 

"A really really big favor,ate. I-I mean it's really..." Napatigil siya ng ikiniling nito pakanan ang ulo at tinaasan siya ng kilay.

 

" C-can you help me find a job and..."  sumandal ito sa couch bago dumekwatro na parang nagsasabing ipagpatuloy niya.

"...C-can I-I stay in your place for a while?"

 

Kinabahan siya ng hindi man lang ito kumibo. Nakatingin lang sa kanya ang dalaga.Kinabahan siya dahil baka isumbong siya nito sa parents niya at pabalikin sa bahay nila. Magsasalita na sana siya para bawiin ang sinabi nang bigla itong tumayo at lumapit sa working table nito at kinausap ang sekretarya nito. 

 

"Illyze, can you please cancel all my appointments for today? At four oc'lock? Who? Oh,no. Cancel my appointment with him, I dont care if he won't accept our proposal, he's not worth it anyway. Okay, thank you,I'll be out,I'll just drop by later. Bye." Dinampot nito ang handbag at susi nito sa table at hinila na siya palabas.

 

" Don't tell me you're taking me back home?"

 

Take twoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon