Huminga siya ng malalim bago ipinasok ang kotse sa gate ng mga Aragon, pinapasok siya ng guard dahil kilala siya nito, itona kasi ang guard ng mga Aragon bago pa siya umalis sa lugar na yon.Sinalubong siya ng isang katulong pagpasok niya ng bahay. Hindi niya kilala ang bagong katulong pero halatang ayaw nito sa kanya.
"Ano pong pangalan niyo. Busy ho asi ang mga amo ko ngayon,wala silang inaasahang bisita." Sabi nito na nakataas ang kilay." Kung hindi po inaasahan ang pagdating niyo,kailangan niyo pong maghintay,aabisuhan ko muna ang mga amo ko. Sino ho ba ang sadya nyo?"
"Si Tito Yam at Tita Leira ang pinunta ko,just tell them I'm Jastine Ordaza, saglit lang naman ako,may dapat lang akong masabi sa kanila."
"Sige, maghintay ka muna dito, sasabihin ko muna sa kanila."
Magsasalita pa lang siya ng may magsalita mula sa itaas ng hagdan. Nanigas ang kasambahay na nasa harapan niya at bakas ang takot sa mukha nito.
"No need,Aira. she can visit here whenever she wants, we treat her as a family so treat her nicely." walang emosyong tinignan nito ang kasambahay.
"Soory po Sir, sorry po Ma'am, hindi na mauulit."
"Really, Kenjie, it's okay. She doesn't know me, and she's right,you didn't know I'm coming." pangangatwiran niya. Minsan talaga napakasungit nitong lalaking 'to at walang konsiderasyon.
"She didn't..."tinaasan niya ng kilay ito bago pa makapangatwiran. " Awww...shit,you're a control freak." Angal nito habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Thank you, so are you." Nilingon niya ang nakayukong kasambahay ." Go ahead Aira, don't mind him." Sinundan niya ito ng tingin. "I wonder why she treated me that way. Siguro may mga bisita kayong ayaw niya." komento niya. Ganun din kasi minsan si yaya Lani niya kapag may mga bumibisita sa kanya na makukulit na manliligaw.
"You can say that. Kinaiinisan kasi niya yung anak ng business partner ni daddy na laging nagpupunta dito,ayaw ko rin naman kasi sa babaeng yun kaya hinahayaan ko lang si Aira." sagot nitong sinundan din ang papalayong kasambahay. Lumingon ito sa kanya."Nakakapanibago ka."
Nang lingunin niya ang binata ay nakataas ang gilid ng labi nito.
"Why?" tanong niyang nakataas ang kilay.
"You didn't notice? You've said more than three words?" napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito.Mukhang nahulaan naman nito yon kaya nagpatuloy.