Gabi nang mapagdesisyonan kong lumabas ng bahay at bumili ng pagkain sa kalapit na convenience store. Konting lakad lang ay mararating mo na agad ito.
"Ginabi ka ata ngayon, Athena." Bati ng may-ari ng convenience store, si Ate Lei.
"Oo nga po, e. Ginabi rin kasi ng uwi." Naka ngiti kong sagot. Nag overtime pa kasi kami kanina dahil sa isang group activity. By class 'yong activity kaya walang na-out of place o naiwanan sa klase.
Nang matapos ang maigsing pag-uusap namin ni Ate Lei ay dumiretso ako kung saan nakalagay ang mga instant noodles at mga chichirya, alam kong di sila healthy pero masarap eh. Nauubusan na ako ng stock sa bahay, at paminsan minsan lang din naman bumisita sila Mommy sa bahay na tinutuluyan ko.
Kumuha ako ng tatlong instant noodles at isang chichirya. Kumuha na rin ako ng soft drink bilang inumin. Nang masiguro kong kumpleto na ang kailangan kong bilhin ay nagpunta na ako sa counter at nagbayad.
Inilagay ni Ate Lei sa isang plastic bag ang mga binili ko at iniabot sa'kin. Nagpasalamat ako at lumabas na.
Naglalakad na ako pauwi nang mapatigil ako at mapatingala sa langit. Pinagmasdan ko ang milyon-milyong bituin na nasa kalangitan. Ang ganda. You know how mysterious the sky is. Its the one that gives us the chills and it makes it more beautiful.
Nanlaki ang mata ko nang mahagip nito ang isang shooting star o bulalakaw. Agad agad akong humiling nang masilayan ito. Kahit na alam kong hindi ito kapani-paniwala, wala namang mali kung susubukan ko, 'di ba? Walang namang mawawala.
"Sana magustuhan n'ya rin ako."
Ito ang tanging hiling ko. Ang mapansin ni Elijah Matthew Ventoso. Isang campus heartthrob at habulin ng mga babae. Mahilig at magaling siya sa sports lalong lalo na sa larangan ng basketball kaya myembro siya ng school varsity. Isa rin itong dahilan kung bakit marami ang umiidolo at nahuhumaling sa kanya.
Sandali pa 'kong nakipagtitigan sa langit nang mapagdesisyonan kong magpatuloy na sa paglalakad at umuwi.
Pagdating ko sa bahay ay inihanda ko agad ang binili kong pagkain. Anong oras na kasi ay hindi pa 'ko kumakain. Natagalan ang klase namin sa paggawa no'ng activity at ang tanging kinain namin ay ang binili nilang pandesal at softdrinks na sakto para sa'ming lahat.
Pagkatapos kong kumain ay nagligpit ako ng gamit sandali at naglinis ng katawan bago dumiretso sa kwarto at matulog.
Nagising ako alas-sais na ng umaga. 8 AM pa ang simula ng klase ko ngunit binilisan ko na rin ang paggayak dahil babyahe pa ako. Mabilis akong naligo at naghanda sa'king pagpasok.
Naabutan ko pa si Joy nang papasok na ako sa gate ng school ko na naging dahilan ng pagha-half run ko para lang maabutan siya. Si Joy ay ang aking kaibigan. Maganda siya at may pagka-singkit ang mata, siguro ay galing sa nanay niyang half-chinese. Mahinhin siya kaya naman tuwing may nang aaway sa kanya dahil sa kakaiba niyang mata ay kailangang sumingit ako. Mabait siya at hindi rin plastik makitungo. You never expect to have those kind of friends these days kaya si Joy ay "one-of-a-kind", at maswerte ako dahil do'n.
"Good morning! May assignment ka ba sa Math?" tanong ko nang maabutan ko siya sa paglalakad.
"Yup. After lunch pa naman 'yon kaya kung wala ka ay makakakopya ka pa sa'kin." Sagot niya.
"Hmm, but don't worry, Joy. I got mine. Ako pa ba." Kinindatan ko siya. Nasanay siguro siyang madalas akong nangongopya ng assignment sa kanya lalo na sa Math.
"That's new... and nice." Naka ngiti niyang sambit.
Kung ano ano pa ang pinag usapan namin habang papunta sa classroom namin. Mayroong tungkol sa academics, mga gala, at pati na rin mga kalokohan.
Pagpasok namin sa unang subject ay nandon na halos lahat ng kaklase namin. Kaklase ko sa tatlong subject si Joy kaya madalas din kaming magkasama. Ngayong first subject ay kaklase ko siya... pati na rin si Elijah. Higit don ay katabi ko siya kaya lagi tuloy akong ginaganahan pumasok lalo na tuwing ito ang first subject sa umaga... ang hirap magfocus.
Naupo na kami ng kasama ko sa assigned seat namin at naabutan kong nakaupo na sa kanyang pwesto si Elijah at nakikipaghuntahan sa mga kaibigan niya.
"Huy, upo na." Saka lang ako natauhan nang tapikin ako ni Joy sa aking balikat. Napatagal ata ang pagtitig ko kay Elijah. Nakakahiya. Mas lalo pa 'kong nahiya nang bahagyang lumingon si Elijah sa puwesto namin. Hindi ko na lang 'yon pinansin at naupo na. "Patay na patay lang?"
"Tumahimik ka nga, Joy." Saway ko sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi ko at nanahimik na lang.
Nagsi-ayos ng upo at nagsi balikan sa mga upuan nila ang mga kaklase namin nang biglang pumasok ang teacher namin. Tumahimik naman ang mga nagdadaldalan naming kaklase.
Nagsimula nang mag-discuss ang teacher namin kaya inilabas ko ang notebook ko sa subject namin at nagsimulang magsulat. Nagpa-quiz ang guro namin pagkatapos niyang magturo. Nairaos ko ang ibang items ngunit itong isa na 'to ay hindi ko masagot. Pinaglaruan ko muna ang ballpen ko sa'king kamay habang nag iisip ng pwedeng isagot. Nagulat ako nang biglang lumipad ang ballpen ko papunta sa harap ni Elijah! Mukhang hindi pa 'yon napapansin ni Elijah kaya dahan dahan akong yumuko para kuhanin 'yon.
Sana lang ay hindi ako mapansin ni Elijah habang kinukuha ko ang ballpen ko, kundi-
"Ano ginagawa mo d'yan, Athena?" Bumaling ako sa nagsalita at nakitang si Elijah 'yon. Bigla akong napa ayos ng upo.
"Ha? Ah, lumipad kasi 'yong ballpen ko. Ayun oh.." Sabay turo sa ballpen kong nasa paanan niya.
Napatingin siya don at agad naman niyang pinulot iyon at iniabot sa'kin. Nanginginig pa ang kamay ko nang abutin ko iyon.
"S-Salamat, Elijah." Nagulat ako nang nginitian niya ako! Nginitian ako ni Elijah Matthew! Nginitian niya ako!
Hanggang mag uwian ay hindi ko pa rin malimutan ang pag ngiti sa'kin ni Elijah. Kinwento ko ito kay Joy nang matapos ang first subject at kilig na kilig siya sa nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. First time niya akong nginitian!
Hanggang sa makalabas kami ng gate ni Joy ay hindi napapawi ang ngiti sa labi ko. Nakipagbeso siya sa'kin bago sumakay sa kotse nila at umuwi. Nagpunta ako sa sakayan ng tricycle at sumakay sa naunang tric. Sinabi ko sa driver ang address ko at kanya nang pinaandar ang tricycle.
Pag-uwi ay nabigla ako nang maabutang hindi nakalock ang pinto ng tinutuluyan kong bahay. Sigurado akong nilock ko ito bago ako umalis papuntang eskwela! Nagmadali ako sa pagpasok ng bahay at hinalughog ang bawat kwarto na may mahahalagang gamit. Gumaan ang pakiramdam ko nang mapagtantong walang kahit anong nawalang gamit.
Dumiretso ako sa kusina, kumuha ng isang basong tubig at uminom mula dito. Paglingon ko sa mesa para ibaba ang ginamit kong baso ay tila huminto ang tibok ng puso ko.
Nandilim ang paningin ko at ang huli ko na lang nakita ay ang anino ng isang lalaking na nasa kabila ng mesa.
Who the....
![](https://img.wattpad.com/cover/135298052-288-k898739.jpg)
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Teen FictionSa bawat pagdaan ng daan-daang bulalakaw, libu-libong tao ang humihiling na may pag-asang matupad ito. Paano kung ang inaakala mong bulalakaw ay hindi pala? Ano ang gagawin mo? The idea for this book came from a forum that I saw.