Rhodora Cervantes ng 2016. Iniidolong artista. Hinahangaang mang-aawit. Kilalang modelo sa loob at labas ng bansa. Sikat at mayaman. Sa edad na biente tres ay nakamit na niya lahat ang kanyang mga pangarap at ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kanyang sariling kasikatan. Pero dahil sa eskandalong kinasangkutan ng pamilya niya, lahat ng mayroon siya ay isa-isang nawala.Rodora Servantes ng 1890. Isang simpleng dalaga na anak ng isang magsasaka at isang naninilbihan sa mayamang pamilya. Dalagang may mataas na pangarap. Kilala ng malalapit sa dalaga ang pagiging masiyahin, mapagkumbaba at magalang nito. Sa edad na biente tres dalawa lang ang kanyang inaasam, ang makapagtanghal sa entablado at mapansin ng lalaking pinapangarap.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang misteryo ang bumago sa lahat. Ang isa ay nakulong sa mundong hindi niya inaakala at ang isa ay tuluyan ng inihampas kasabay ng hangin.
"Ako ay siya. Ako ay ako. At siya ay ako pa rin."
"Inagaw ko man ang lahat-lahat sayo maging ang iyong katauhan ngunit aking ipinapangako saan man ako dalhin ay aking tutuparin ang iyong mga hiling."
"Pinapangarap na binata. Pag-ibig na hindi inakala. Siya ay aking inangkin sa mundong hindi akin."
"Ako si Rhodora Cervantes na nagmula sa modernong panahon at nagising sa katauhan ni Rodora Servantes ng 1890. At ito ang magkahati naming kwento.."
Pa-epz si Totz!
Ang tagal ko ng pinangarap makapagsulat ng ganito.
Pero bago po ang lahat..
Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar o pangyayari nabanggit ay bunga lamang ng mapaglarong imahinasyon ng may akda. Ang mga insidenting mababanggit rito ay hindi po nakasulat sa Kasaysayan ng ating bansa. Ang panahong aking gagamitin ay ang panahon kung saan naghahari ang Espanyol sa bansa. Gaya ng sinabi ko walang kinalaman at hindi bahagi ng ating kasaysayan ang mababasa niyo.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events is purely coincidental.
Sa madaling salita, etchos lang ito ng author.
Salamat po ng marami..
Anong masasabi niyo sa unang pasilip?
BINABASA MO ANG
Made In The Future
Historical FictionIbahin ko lang si Rodora.. =) "Ako ay siya. Ako ay ako. At siya ay ako pa rin."