Kabanata 1

223 14 4
                                    

NAALIMPUNGATAN siya ng may marinig siyang mga ingay sa paligid. Dahan-dahan niyang inimulat ang kanyang mga mata at ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat ng may matandang babae sobrang lapit sa kanyang mukha.

Nabitin ang sanang pagtili niya ng magsalita ito.

"Odang! Salamat sa Diyos at nagkamalay ka na." Maluha-luhang sabi ng babae sa kanya.

Napaigtad siya ng hawakan nito ang kanyang kanang kamay at dinala sa bibig nito.

Nang dahil sa hindi niya inaasahang ginawa nito ay marahas na binawi niya ang kamay mula rito at bumangon. Napaurong siya sa may uluhan ng kamang kinahihigaan niya palayo rito.

Mukhang nagulat at nagtaka ang babae sa ginawa niya.

"Odang..." Tawag nito habang mariing nakatingin sa kanyang mga mata.

"Odang?" Mahinang sambit niya.

Umikot ang paningin niya sa kinaroroonan niya.

Nasaan ako?

"Odang anak, may nararamdaman ka bang.."

"Sino kayo? Nasaan ako?" Putol niya sa iba pa nitong sasabihin.

Napatuop naman ito ng bibig at nanlalaki ang matang tumingin sa kanya.

"Soledad! Soledad tawagin mo ang iyong ama!" Biglang pagsisigaw ng matandang babae.

Hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya o kung ano? Kinurot pa niya ang sariling braso para alamin kung nananaginip ba siya. Pero ng makaramdam siya ng kirot sa ginawa niya ay napatunayan niyang hindi nga siya nananaginip.

Inilibot muli niya ang kanyang mga mata sa paligid. Masasabi niyang nasa bahay-kubo siya. Tumanaw siya mula sa bintana. Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makita  ang malawak na pananiman sa labas.

Nasaan ako? Paano ako napunta rito?

Naputol ang pag-iisip niya ng may mga pumasok sa silid na kinaroroonan niya. Napakunot ang kanyang noo ng makita ang mga ayos ng mga ito.

"Rosalia anong nangyayari bakit ka nagsisigaw?" Sabi nung matandang lalaki na kakapasok lang din.

"Arnulfo ang anak mo.." sagot naman ng matandang babae sa matandang lalaki.

Hindi nito naituloy ang sasabihin nito dahil nag-iiyak na ito.

Weird. Anas niya sa kanyang isipan.

"Odang." Pukaw sa kanya ng isang mgandang babae.

Nakaka-insecure ka teh!

Napatanga siya at hindi pinansin ang pangalang tinawag nito sa kanya. Sobrang ganda ng babae sa kanyang harapan, wala kahit ne isang make-ups sa mukha nito.

Omo? Hindi kaya??!!

Bigla siyang napatayo sa kamang kinauupuan niya ng may sumagi sa kanyang isipan. Napatigil sa pag-iyak ang matandang babae at lumingon sa kanya.

"My gosh! Bakit hindi ninyo sinabing nagshoshoot pala tayo? Gosh nakalimutan ko ata." Alanganing sabi niya sabay ngiti.

Hindi nga niya alam kung matatawag bang ngiti o ngiwi ang ginawa niya.

Ayaw niyang masabihan napaka-unprofessional niya. Baka nakatulog lang siya kanina habang kumukuha ng eksena ang iba niyang mga kasamahan.

Lumingon siya sa may pintuan at hinihintay kung may papasok pa ba. Napansin niyang nakatanga sa kanya ang tatlong taong nasa harapan niya. Tumingin din ang mga ito sa tinitignan niya pagkuwan ay bumalik muli ang tingin ng mga ito sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Made In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon