Chapter 1

24 2 0
                                    

Rereminisce

Azi's POV

Kasalukuyan akong nakatingin sa karagatan ng mga bituin sa bintana ng aking kwarto. Masyadong maraming masasayang nangyari sa araw na ito. Sa wakas graduate na rin ako ng high school. Sa katunayan dapat nasa baba pa ako ngayon. Nag ce-celebrate kasi sila sa baba.Pero mas pinili kung mauna ng umakyat sa kwarto ko. Ayoko na nga sana mag celebrate pa,pero dahil mapilit si dad ay pumayag nalang ako.

Habang nakatanaw ako sa kalangitan ay bigla ko naalala si mom. I know shes so happy and proud of me kahit nasaan man sya. Nakakalungkot nga lang na hindi na namin sya nakasama pa ng matagal. Na hindi na nya ako nakita na grumaduate. My mom died when I was in my last year in grade school. She has a heart disease. And she died exactly at my graduation day in elementary. Nung mga time na yun I really dont know what to do. Ni hindi ko manlang sya nakita bago sya namatay at napakita sa kanya lahat ng awards na nakuha ko.

A tear suddenly fell. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. I really missed my mom. Nasa kalagitnaan na ako ng pagda-drama ko ng biglang nag ring iyong phone ko. Agad ko yung kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

*Phone Calling....
Ate Micks

Agad kung pinunasan ang mga luha ko at inayos ang sarili. I cleared my throat before I answered the call.

"Belated Happy Graduation Azi! Naks! Congrats! Graduate na sya oh" masayang bati sa akin sa phone ni Ate micks.

"Thanks ate" tugon ko na pilit pina saya ang boses.

Si ate micks ang pinaka close ko sa lahat ng mga pinsan ko na babae sa side ng mom ko. Sya ang lagi kung kausap at kasundo kapag dumadalaw kami sa lugar nila lolo. Alam nya ang ugali ko. Na hindi ako ganon ka showy di tulad ng iba. Sa kanya lang yata ako nagiging madaldal at nag sasabi ng mga secrets ko at ganon din sya sa akin.

"Nga pala may gift ako sayo dito, ibibigay ko nalang pag nandito kana. Oh! Speaking of gift, Kyahh! Insan 4 days to go at uuwi na kayo dito, Im so excited! And of course malapit narin ang aking birthday" Nakatili nyang sabi sa phone.

Napatakip ako sa aking tainga dahil sa ginawa nya.

"Thank you sa gift ate, pero hindi naman siguro obvious na excited ka diba? Ahaha. Pero sa totoo lang ate,halong kaba at excitement ang nararamdaman ko" tapat na sabi ko sa kanya. Naalala ko kasi sya bigla . At ito nanaman ako, kinakabahan pa din tulad ng dati.

"Huh? Bakit naman? Hindi kaba excited?" Takang tanong nya.

"Syempre excited pero hindi ko talaga alam kung bakit...siguro kasi after 2 years makikita ko na ulit sya?" Kinakabahang sagot ko sa kanya. Narinig kung tumili sya ng kaunti, pinipigil nya siguro dahil baka marinig ni tita.

"Ayieee! Ahaha!" Panunukso nya sa akin. "Ikaw ah! Kaya naman pala kinakabahan eh, kasi magkikita na ulit sila. Ang tagal non ah! 2 years na since nung last na nagkita kayo." Kinikilig na sabi ni ate micks.

Bigla kong naramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi. Sigurado akong namumula na ako dahil sa hiya.

"Ate micks naman eh! Iyon nga siguro yung dahilan pero tanong lang...kamus-" hindi ko natatapos ang sasabihin ko ng pinutol nya ito.

"Si loverboy ba? Yieee sabi na nga ba at tatanungin mo yan eh. Ayon okey naman,loyal padin at still waiting sa princessa nya" sigurado akong nakangiti sya ngayon sa kabilang linya. Kapag ako talaga ang topic pati sya todo ngiti tong si ate micks.

"Talaga?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ikaw naman, halos 6 years na wala paring tiwala? Ang loyal kaya ng isang yun. Jusko may lumapit lang na babae umaalis na ka-agad, masyadong mailap" sabi nya sa kabilang linya.

Naniniwala naman ako sa sinasabi ni ate micks. Gusto ko lang talagang sya mismo magsabi sa akin ulit. Sa halos 6 years walang nagbago sa pakikitungo naming dalawa sa isa't-isa. Totoo ngang ang swerte ko sa kanya.

"Ahaha. Grabe naman sya. Ang sungit nya siguro sa iba" natatawang sabi ko.

"Naku sinabi mo pa, kahit wala ka dito ikaw lagi ang bukam bibig non. Matanong ko nga,ano bang spell ang ginamit mo sa kanya at masyadong nahumaling sayo yun?" Natatawang sabi nya.

"Pfft. Sira ka talaga ate. Hindi naman ako mangkukulam no. Atsaka wala akong ginamit sa kanya. Naakit siguro sa kagandahan ko charr!" Nagbibirong sagot ko sa kanya.

"Loka! Oo nalang support kita dyan. Syempre kanino ka pa ba magmamana edi sa akin ahaha! Pero By the Way,may naalala ako may sinabi sya sa akin nakaraan. Sabi nya sabihin ko daw sayo." Sabi nya.

"Ano naman yun ate?" Tanong ko

"I Miss You daw" kinikilig na sabi ni ate micks sa kabilang linya.

Nagulat ako sa sinabi ni ate micks. Although lagi nya naman akong sinsabihan ng ganon. Nakakapanibago parin talaga, hindi pa ako nasanay. The feeling is like its the first time he said to me that word.

A smile suddenly form in my lips. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero, ayaw huminto ng kabog ng dibdib ko. Mas lalo pa itong bumilis sa pagkabog na akala mo may karera sa loob.

"Ate pakisabi Miss ko na rin sya" sabi ko kay ate micks na hindi parin matanggal ang ngiti sa labi.

Sa loob ng 6 years si Ate micks ang nagsilbing human messenger naming dalawa. Kaya alam na alam nya ang mga nagyayayri sa amin. Wala kaming ibang communication na dalawa maliban sa kanya. Strict kasi si dad kaya patago kung mag-usap kami at tanging si ate micks lang ang nakaka-alam.

"Atsaka Congrats daw" dugtong nya.

Sinabi ko kay ate micks na I-thank you nalang nya ako sa kanya. At ito ako nagpipigil parin ng kilig.Mga ilang minuto pa tumagal ang pag-uusap naming dalawa bago kami nagpapaalam sa isa't-isa at pinutol na ang tawag.

Bumaba na ako sa bintana ng kwarto ko at humiga na sa aking kama. Habang nakahiga ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi ni ate Micks. Kinilig talaga ako sa Sinabi nya. Miss ko narin naman sya. 4 days nalang at makikita ko narin sya sa wakas.

Habang nakahiga sa aking kama at nakatitig sa kesame, hindi ko maiwasang hindi sya maisip.Ang bilis lumipas ng panahon.6 years na pala ang lumipas mula noong una kaming nagkakilala.

Bigla nanaman akong napangiti nang maalala ko yung unang summer na pumunta ako sa kanila.Hindi pa naman ako antok, kaya ito ako inalala ang mga nangyari sa nakalipas na anim na taon. Ang sarap lang talaga balikan. Atsaka wala namang masama kung mags-share ako diba? At para makilala nyo narin kung sino sya.

Nagsimula ang kwento namin ng......Once Upon a Summer----

*Flashback

____________To be Continued_____________

Grieving Hearts (A Summer Story) [ O N  G O I N G ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon