[Flashback Part]
Vacation
Azi's POV
*End of school year in grade 6
Pauwi na ako ng bahay ngayon. Katatapos ko lang kasing asikasuhin yung mga papers ko sa school para sa enrollment ko sa high school. Nakakapagod sobra. Ayoko na nga sana pumunta, kaso kailangan. Punta doon, punta dito. Papirma doon, papirma dito. Hay, nahihilo na ako.
Napagpasyahan ko ng umuwi na. Mag papasundo na sana ako. May driver naman kami,pero ang ganda kasi ng araw ngayon kaya mas gusto kong mag lakad nalang. Mainit pero hindi nakakapaso ng balat, may umiihip din na hangin na may katamtamang lamig. Malapit lang din naman yung subdivision sa university kung saan ako pumapasok kaya hindi naman ako masyadong mapapagod.
Habang naglalakad ako, biglang nag vibrate yung phone ko. Agad kong kinuha yun at tinignan kung sino ang nagtext sa akin.Si Yzelle pala. Isa sa mga friends ko. I unlocked my phone at binuksan ang text message nya.
From: Yzelle
Hi Bessy! May trip kami papuntang batanggas,Sama ka? 1 week lang tapos uuwi narin tayo. Sasama sila Faye at iba pa. Paalam ka sa dad mo tapos text mo ako pag pinayagan ka.Pagkabasa ko sa text nya ay napaisip ako. Wala naman sigurong masama kung sumama ako at Wala naman siguro akong gagawin ngayong bakasyon. Atsaka baka magalit lang sa
akin si mom kasi nagkukulong lang ako buong maghapon sa kwarto ko at hindi lumalabas.Its been a month Since my mom passed away. And ayaw na ayaw nya pag nalulungkot ako. So I dicided To think of it habang pauwi ako sa bahay namin.
Nung nasa tapat na ako ng subdivision ay kinawayan ko si manong guard para papasukin nya ako. Pagkakita nya sa akin ay agad nya naman akong pinagbuksan ng gate para makapasok na. Mga ilang lakad pa ang ginawa ko bago makarating sa mismong bahay namin.
Nakita ko agad sa labas ng bahay si manong jerry na naglilinis ng service car namin. Si manong jerry ang family driver namin. Matagal na syang nagtatrabaho sa amin. Ang sabi nga ni dad ay pinagbubuntis palang ako ni mommy ay nandito na sya.
Pagkakita nya sa akin ay nagtataka nya akong tinignan.
"Oh azi nandito kana pala? Bakit hindi mo ako tinawagan o tinext manlang para nasundo kita. Ikaw talagang bata ka" Ang sabi sa akin ni manong jerry na nagkakamot ng ulo nya.
"Eh manong magpapasundo sana ako, kaso ang ganda kasi ng araw ngayon kaya naglakad nalang po ako. Hindi naman po masyadong malayo, medyo lang. Atsaka pang exercise narin po" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ah sya sige, basta sa susunod magsasabi ka. At magpapasundo kana. Ay oo nga pala, pumasok kana doon sa loob at hinihintay kana ni sir" ang tugon sa akin ni manong jerry sabay ngiti. Pala ngiti talaga itong si manong.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko agad si manang rosie na nag-aayos ng mga unan namin sa sofa. Sya ang asawa ni manong jerry. Si manang rosie ay ang aking yaya simula pa pagkabata. Malapit ang loob ko sa kanya. Para ko narin kasi syang lola. At noong namatay nga si mommy ay sya ang laging nandyan sa tabi ko at nagco-comfort sa akin. Pagkakita nya sa akin ay agad nya akong nilapitan.
"Azi anak, nandito kana pala. Nakakain kana ba?" Tanong sa akin ni manang ng may ngiti sa mga labi. Parehas na parehas talaga silang mag-asawa na pala ngiti.
"Hindi pa po eh, gutom na nga po ako. Pero manang, na'san po si dad?" Nakangiti ko ring tanong kay manang.
"Ay anak, nandoon sa kusina nagluluto" ang sabi sa akin ni manang habang tinatanggal ang bag ko.

BINABASA MO ANG
Grieving Hearts (A Summer Story) [ O N G O I N G ]
Teen FictionLahat tayo gustong magkaroon ng perfect na relationship, ng perfect na lovestory. Sino namang ayaw diba? Pero kung tutuusin napakalayo nya sa reality. Kadalasan kasi kabaligtaran ang nangyayari. Yung mga bagay na hindi mo inaasahan, bigla biglang na...