(Flashback Part )
1 Day Left
Azi's POV
Hindi na ako nakakain kinagabihan, dahil nga sa nakatulog ako. Kanina, maaga akong ginising ni manang Rosie para mag "Dreakfast". In short para mag breakfast and dinner. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Pinag handa at pinagbihis ako ni manang. Nagtaka naman ako dahil para saan? Wala namang nasabi si dad sa'kin kahapon na may pupuntahan kami ngayon.
"Anak, ang sabi ni Sir kanina lang bago sya umalis, ay pagbihisin daw kita dahil may pupuntahan kayo mamaya. Parang biglaan nga eh. Kaya ginising kita ng maaga para makapaghanda kana bago sya dumating" ang sabi ni manang sabay abot sa akin ng aking tuwalya.
"Dalian mo anak at baka dumating na ang dad mo maya-maya" pahabol nya pa sa akin bago ako tuluyang makapasok ng C.R.
Binilisan ko nga ang aking pagligo at lumabas na ng C.R upang magbihis na. May nakalapag na damit sa aking kama. Ito siguro yung inihahanda ni manang kanina. Agad ko iyong sinuot at nag-ayos na ng kaunti. Saktong pagbaba ko ay ang pagdating ni dad. May dala-dala syang basket ng flowers na naka-arrange.
"Dad? Saan ba tayo pupunta? At bakit may dala-dala ka pang flowers? Wala kanamang sinabi sakin na may lakad tayo ngayon ah?" Nagtataka kong tanong kay dad.
"Anak, bibisitahin natin ang mommy mo. Gusto ko sanang mapuntahan natin sya bago tayo pumunta ng San Alveidra.
Alam mo na, baka matagal nanaman bago natin sya mabisita ulit" ang nakangiting paliwanag sa akin ni dad.Tuluyan na nga kaming pumunta sa libingan ni Mommy. Ilang months narin ang nakakalipas when my mother died. And I really really miss her. Very much. Nakaharap ako ngayon sa lapida nya. Nakakalungkot pero I need to be strong. For me and for my dad.
Tinignan ko si dad na kasalukuyang hinahaplos ang lapida ni mommy. Kahit na hindi nya sabihin, I know he's still broke inside. Bigla itong lumingon sa akin at ngumiti. I smiled back to him. Giving him my comforting look.
Tumingin muli ito sa lapida ni mommy at nagulat nalamang ako ng bigla nitong kinuha ang kanyang panyo mula sa bulsa at pinunasan ang kanyang mga mata. He is crying, my Dad is crying right now. I know he dont want me to see this side of him, but I already did. And I can't stand seeing him like this. It hurts me too. Nasanay ako na he's always strong and such a positive person. But now, all I can see is his weak side.
"Anak, miss na miss ko na ang mommy mo." Ang mangiyak-ngiyak na sabi ni daddy. Tumingin ito sa akin at hinaplos ang mukha ko. Bata pa lang ako ay saksi na ako sa pagmamahalan nilang dalawa. Kaya ganon nalang siguro kong mamiss ni dad si Mom. They really love each other. They really do.
"Alam mo bang sa tuwing nalulungot ako, pag nakikita kita, parang nakikita ko narin sya. Magkamuk'hang-magkamukha kayong dalawa" ngumiti sa akin si dad. At dahil doon, ay hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"I know dad and I'm so blessed God planned it to be just like mom" ang tugon ko kay dad and hug him tightly.
Ilang minuto pa ang itinagal namin sa cementery bago kami umalis. Sinulit na namin ang ilang oras na meron kami bago kami umuwi ng San Alveidra.
Habang nasa byahe ay ramdam na ramdam ang lungkot na bumabalot sa'min. Walang nagsasalita. Habang si dad ay busy sa pagda-drive, ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
Mga bandang tanghali na ng maka-uwi kami sa bahay. Kumain muna kami at dahil pareho kaming napagod ni dad ay nakatulog kami agad. Mga bandang 3 pm na ako nagising. Bumaba ako sa sala namin at doon ko naabutan si manang rosie na inaayos ang mga dadalhin namin para bukas. Muntik ko nang makalimutan na bukas na nga pala ang alis namin at kailangan ko ng ayusin ang mga gamit ko ngayon.
Bumalik ulit ako sa kwarto at doon na nga ako nag umpisang kunin ang mga dadalhin ko. Kasalukuyan akong naglalagay ng mga damit ng biglang may kumatok at si manang rosie lang pala. Pumasok sya at tinulungan akong maglagay ng mga gamit ko.
"Anak excited kana ba para bukas? Bukas na ang alis nyo diba?" Ang tanong sa akin ni manang rosie.
"Opo bukas na. Pero manang, hindi ko po alam. Parang hindi ako ganon ka excited. Siguro kasi, wala talaga ako sa mood na sumama kaya ganon" ang sagot ko naman kay manang.
Sa totoo lang, parang ayoko na ngang sumama. Just thingking of how many days we will be there make's me sick already. But, I promised dad that I will come with him. So definitely, I have nothing to do. I'll just think of it as a break from my life.
"O bakit naman anak? Alam mo, sigurado akong hindi ka talaga pipilitin ng dad mo kung hindi sya sigurado na mag e-enjoy ka doon. Basta mag tiwala kalang sa dad mo. Alam nya kong ano ang mas makabubuti para sayo" ang sabi ni manang na nakapag patango sa akin. Tama si manang. I just have to trust my dad.
"Basta anak, lagi mong tatandaan na mag-iingat ka doon ah? Huwag pababayaan ang sarili at kapag namiss mo kami tumawag ka lang okey? Nandito lang kami" ang nakangiting bilin sa akin ni manang. That's why I really really love manang rosie. She's very kind and thoughtful at the same time.
"Opo manang tatawag po ako at lagi ko pong tatandaan ang mga bilin nyo" ang sabi ko naman sa kanya para hindi na sya mag-alala pa.
Matapos ang ilang sandali ay natapos narin naming ayusin ang mga gamit na dadalhin ko para bukas. I guess I'm ready to go. Humiga ulit ako sa kama ko at nag isip-isip. Ano kayang magiging impression nila sa akin pag nakita nila ako? Mababait rin kaya mga pinsan ko? I wonder kong kahawig din kaya ni mama sina lola. I sighed. Sana maging maayos din ang lahat.
Tumayo na ako sa aking kama at pumunta sa veranda ng aking kwarto. Dahil sa sobrang busy ko kanina, ay hindi ko na namalayan na gabi na pala.
I look up to the night sky. The sky is so beautiful tonight. I can see many stars from here. Suddenly a shooting star appeard. I closed my eyes and wished.
I wish that from now on, I will not feel lonely and sad again.
_________________________________________________
A.N;
Yow guys! So ayon, first of all gusto ko mag thank you sa inyo at the same time mag sorry rin. Thank you sa mga nagbabasa nito at "정말 미안해(really sorry)" dahil narin sa sobrang tagal ng update or sobrang tagal ko rin mag update. Ayon, sana support nyo parin at I will try my very best para mag update ng mas madalas. Thank you ulit!♡♡
Please Dont Forget to like and Share my story if you like it♡

BINABASA MO ANG
Grieving Hearts (A Summer Story) [ O N G O I N G ]
Teen FictionLahat tayo gustong magkaroon ng perfect na relationship, ng perfect na lovestory. Sino namang ayaw diba? Pero kung tutuusin napakalayo nya sa reality. Kadalasan kasi kabaligtaran ang nangyayari. Yung mga bagay na hindi mo inaasahan, bigla biglang na...