Enough 3

14 1 0
                                    

Liam

"Hyung? Bakit nandito tayo?" Tanong ko kay Hyung nang makababa ako nang kotse niya. Tinignan ko ang mansion na nasa harap ko.

Bakit kami nandito kina Mamu?

"May kailangan lang ako ibigay kay Mamu at Lolo," tumango naman ako at sumunod sa kanya papasok nang bahay. Sinalubong kami nang katulong nila Mamu at sinabing nasa kwarto daw ang dalawa.

Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Why does she hate me? Wala naman akong nagawang masama sa kanya. I tried so hard to be nice to her.

Napailing ako sa iniisip at sumunod kay Hyung paakyat.

Ms. Ruzon. Wait— What's her first name?

Pagpasok namin nang kwarto ni Mamu ay nakita namin siya na hawak ang portfolio niya. Nagkalat sa lamesa ang mga pangkulay at pangdrawing niya.

She smiled when she saw us. Hyung and I kissed her forehead. Binati rin namin si Lolo.

"Mamu," ani Hyung sabay abot ng folder kay Mamu.

Naupo naman ako sa upuan malapit sa kama nila Mamu. Habang si Hyung at Mamu ay nag uusap.

"Liam, how are you?" I smiled at Lolo.

"I'm fine, Lo" sagot ko sa kanya.

Tumango naman siya "I heard you went to Villa Resort? How was it?"

Pinilit kong ngumiti kahit na naalala ko ang nangyari kanina "It's great Lolo. Naikot ko ang buong resort. Nakita ko na rin kung saan ako mag iistay when I'm needed there"

He smiled "Are you excited?"

"Of course, Lolo" I said with a smiled.

Hinintay ko nang sobrang tagal ito.

Paano ako hindi magiging excited?!

Masyadong seryoso ang pinag uusapn nila Mamu para mapansin kami nila Lolo.

"Meron ka na bang plano para sa resort?"

Tumango ako "I plan to build other branches of Villa Resort. Maybe in Batangas, Ilocos,Cebu..."

He smiled "How about in Boracay?" He asked

"Naisip ko rin yan, Lo. Pero para sa akin, masyado nang populated ang Boracay" paliwanag ko "I want people to see Villa Resort as a peaceful place. I want it to be unique. A paradise. If possible, konti lang ang ipapatayo kong attractions sa buong isla" Lolo smiled

"I'm sure you'll be successful, my grandson" aniya. I smiled "Tama ang naging desisyon namin ng Mamu mo, na sayo ibigay ang Villa Resort"

"And I'm thankful for that, Lolo" I said

"Liam," tawag niya sa 'kin

"Lo?"

"Alagaan mo ang Villa Resort. Wag mong pababayaan ito. Pinag hirapan namin lahat ng kumpanya at lahat ng pag aari namin nang Mamu mo."

I smiled "Of course" sagot ko "Paano niyo ba nagawa lahat ng ito?"

He smiled and looked at Mamu who is busy talking to Hyung. "Nag sumikap kaming dalawa. Binuhos namin ang atensyon namin para mapalago ang korporasyon na minana ko sa magulang ko. Nung panahon na kinasal kami nang Mamu niyo, panglima pa ang Santos Corporation sa pinakamalaking kumpanya sa Korea at sa US. Tinulungan ako nang pamilya nang Mamu niyo na mapalago ang korporasyon. Hanggang sa maging matagumpay ito at nakilala sa buong mundo, lalo na sa Asya." Kwento niya "Pero dahil nabuhos ang atensyon ko sa trabaho, nagkaproblema ang relasyon ko sa Mamu niyo" nagulat ako sa sinabi ni Lolo. Ngayon ko lang narinig ito.

Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon