Kinabukasan ay pumasok ako kahit medyo masakit ang ulo.
Anong oras na na ako nakauwi kagabi?
Napapailing akong pumasok sa loob ng opisina ko. Iba pa ang opisina ko dito pati sa opisina ko sa penthouse.
Pagpasok ko ay nakita ko si Ai. Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Good Morning" bati niya. I smiled at her at lumapit sa table ko.
"Good Morning," bati ko rin. "Bakit ka pala nandito?" I asked at naupo sa swivel chair ko. Nag unat-unat ako bago binuksan ang laptop ko.
"Nilagay ko lang sa table mo yung hinihingi mo kahapon" She said at tinuro ang folder na katabi ng laptop ko. Ngayon ko lang napansin. "By the way, kailan mo balak i-start ang construction ng Villa Resort sa Batangas?"
"As soon as possible" I answered nang hindi inaalis ang tingin sa laptop ko.
"Tumawag sa'kin kanina yung employee na pinapunta natin sa Batangas para tumingin. He said that everything is okay. Go signal mo nalang ang kailangan." Napatingin ako sa kanya. "Si Patrick ba ang papupuntahin natin dun para mag monitor?" She asked.
Umiling ako "I'll go there myself" I answered.
She was suprised with what I said.
"W-what? Why?" She asked "Bakit kailangan mo pa pumunta doon mismo?"
Binalik ko ang tingin sa laptop ko "I just want to make sure na okay ang lahat. Ang tagal nating pinagplanuhan 'to." I answered with a smile.
"P-pero..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya "Gaano ka katagal doon?" She asked.
I shrugged "Don't worry. I won't be gone for too long. Dahil kailangan rin ako dito." I said "I'll only be gone for a month or two. Don't miss me too much, okay?" I joked. Natawa naman siya at napailing.
"Can't I come with you?" She asked.
I looked at her and smiled "Mas kailangan ka dito, dahil wala ako Aireen"
Umirap naman siya "Fine. As if may magagawa ako"
I laughed. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin.
I patted her head "Don't worry, uuwian kita ng pasalubong" She laughed. "Inform me if something happens"
Tumango siya "Kailan alis mo?"
Naglakad na ako pabalik ng lamesa ko at naupo "Tonight"
Again, she was suprised "Tonight?! Bakit?! Hindi ba pwedeng bukas?" Sunod sunod niya tanong. Natawa nalang ako "Delikado, Liam. Madilim na ang daan. Ang haba pa ng byahe mo"
"Don't worry about me, Ai"
"How can I not?!" Sigaw niya"Bataan to Batangas ang biyahe mo!"
Right, nasa Bataan ang resort. Kaya matagal na akong nakahiwalay sa pamilya ko at mga kaibigan ko. Madalas si Aireen na ang kasama ko.
Bumyahe pa ako kagabi mula Manila hanggang Bataan. Ala cinco na ako nang madaling araw nakarating.
Napagalitan pa ako nang mga kaibigan ko dahil nga nakainom na ako kagabi. Pero hindi kasi ako komportable na malayo sa resort. For 2 years, this became my home.
"Kung tatawagan ba kita pagkarating ko doon, ay magiging okay ka na?" I asked.
Natahimik siya sa sandali pero sa huli ay tumango rin.
Aireen became one of the most important people in my life. She helped me to be comfortable in managing the resort. She was the one with me for 2 years.