"ISA NALAAAANG!" Tuwang-tuwa ako habang tinititigan ang bucket list ko, "Isa nalang ang natitira sa bucket list ko!! WOOOHH!! I told you, Yannie, magagawa ko ang lahat ng ito!! At sabi mo pang ang pinakamahirap ang mga binigay mo para sa akin, ah?! Hahahaha! Woot woot! U-huh! Yeah!"
Sumayaw pa ako nang sumayaw sa kwarto ko habang.. kausap ang sarili ko. E ANO NAMAN?! At least masaya ako! Hahahahaha!
Tiningnan ko ulit ang bucket list ko.
1. Pumunta sa isang mamahaling driving school at kapag tinanong ng instructor kung anong sasakyan ang ida-drive mo, sabihin, "Pedicab po."
2. Pumasok sa elevator na maraming tao tapos pasimpleng magbuhos ng mango juice sa sahig, tapos sabihin nang malakas, "Napaihi yata ako."
3. Magdurog ng chocolate at pasimpleng ihulog iyon sa public swimming pool, tapos tawagin ang mga tao at sabihing, "Ate! Kuya! Pwede po bang paabot ng tae ko?"
And the good news is: tapos ko na ang lahat ng iyon! And the bad news is, GINAWA KO ANG LAHAT NG IYON. In fact, 19 EMBARASSING CHALLENGES ang ginawa ko! Pero ang isa pang good news ay, ISA NALANG ang kailangan kong tapusin para matawag akong ULTIMATE BUCKET LIST MASTER!! Bwahahaha!!
Iyon ang lagi naming ginagawa ni Yannie. Magbibigay ako sa kaniya ng 20 challenges para sa bucket list niya, at siya naman ang magbibigay ng 20 challenges ko. Kung sino ang hindi makatapos ay manlilibre ng lunch sa kabila for ONE MONTH! Ganoon kami kayaman!! HAHAHA!!
So far, si Yannie palang ang natatalo everytime na nagkakaroon kami ng ganoon. Syempre hindi ako magpapatalo! Ayokong magwalgas ng pera para sa lunch niya, no?! Siya lang tuloy ang libre nang libre sa akin. NYAHAHA!
Pero ayos lang iyon kay Yannie. Ang mahalaga sa kaniya, mapahirapan niya ako at makagawa ako ng katawa-tawang kalokohan sa harap ng mga tao. -__- Ang galing, no? Luge talaga ako kasi mas wild ang imagination ni Yannie. Habang ako naman, hanggang sa "maglakad ka ng 10 kilometers nang hindi natigil" lang ang naiisip ko.
Pero ayos lang, ang habol ko lang naman dito ay title e. :)
Sa amin kasi, pag naka-straight 10 wins ka na, matatawag ka nang ULTIMATE BUCKET LIST MASTER. And so far, nakakasiyam na kami. Bale pansampu na ito. Ibig sabihin, isang chalenge nalang, ultimate winner na ako! ^_____^
ULTIMATE BUCKET LIST MASTER title, here I come! WOOOOHH! HAHAHAHA!
Nagtatalon ako habang binabasa ang last number ng bucket list.
"Number 20. Magkaroon ng hot, popular boyfriend na may LIMANG DIMPLES."
O_________O TEKA, ANO? LIMANG DIMPLES? Sino ba namang tao ang magkakaroon ng LIMANG DIMPLES?!?! Napaka-abnormal naman nun!! Pwede bang butasan ko nalang ang mukha ng isang lalaki?! Papayag naman siguro siya pag kapalit ang maging boyfriend ko, di ba?! T__T
BINABASA MO ANG
An (Almost) Cliché Story
Teen FictionAng mga SECRET PLAN mo sa ibang tao, TINATAGO. Iniingatan. Hindi yung isang araw, magigising ka nalang na alam na niya ang LAHAT, at ngayon, hirap na hirap ka nang mag-ingat dahil siya mismo ang gumagawa ng paraan para IKAW ang MAHULOG sa sarili mon...