HAPPY 100 READS!!! Thanks for your support! WOOH XD
Sorry medyo natagalan ang chapter na ito, pero mas malaman naman ito sa previous chapter.XD HAHAHAHAHA.
CHAPTER 2 - BIRDS OF THE SAME FEATHER FLOCK TOGETHER
"Hanga na talaga ako sa inyo, friend! Ang bilis mong makahanap ng perfect guy para sa bucket list mo, tapos siya naman, ang bilis umariba! Nadaig ka pa! Bilis-bilisan mo, friend, baka bago pa tayo umabot sa table nila ay nakapag-'I do' na sila! Hahahaha!!"
"Oo na! Oo na! Eto na nga o!"
Dali-dali kaming kumaripas papunta sa table nina Matthew. Ang laki kasi ng canteen kaya katakut-takot pang race ang dinanas namin ni Yannie, isama pa ang mga patintero sa mga nakakasalubong naming tao!
Nakaka-stress naman itong si Matthew! Pabanjing-banjing lang ako kanina, yun pala, naghahanap na siya ng mapag-aalayan ng puso niya! Edi sana tinawag niya na ako kanina pa at nang matapos na agad ang challenge ko!
"Hi! Pwedeng makisama?" Nginitian ko ng sweetest smile on earth si Kate habang palihim na naghahabol ng hininga. Umupo rin agad ako nang hindi hinihintay ang sagot niya. Inilapag ko sa table ang tray ko at nagsimulang lumamon ng fries. Sorry, guys. May manners naman ako. Nawawala lang pag nakasalalay na ang pagiging ULTIMATE BUCKET LIST MASTER ko.
Umupo si Yannie sa tabi ko. Halatang nagulat si Kate sa pagdating namin kaya napatingin siya saglit kay Matthew. Hindi nagsalita si Matthew, pero sinimangutan niya lang ako.
Boom. Taray.
Pero sa halip na mag-iwas ng tingin, sinalubong ko pa ang makamandag na katarayan ng kaniyang mata at nginitian siya ng aking sweetest smile on earth. "Hi! Nandito ka pala!" Sabay abot ko sa kaniya ng fries ko. "Gusto mo? Tamang-tama, mainit pa 'to, kasing-init ng ulo mo." ^_^
So nagjoke ako. At hindi siya ngumiti. Grabe! Ganito nalang ba talaga kamanhid ang senses niya pagdating sa jokes?! Kailangan ko pa ba talagang i-explain na joke iyon bago niya ma-gets?!?!
"E-ehem." Biglang nagparinig si Kate. Ngumiti siya agad nang tingnan ko siya.
"Umm.. Gusto mo rin ba?" Inabot ko sa kaniya ang fries pero umiling lang siya at binuksan ang fuschia pink bag niya.
o__o Umm.. tapos? Yun na iyon? Mag-e-ehem siya (na halatang nang-aagaw ng atensiyon) tapos pag binigyan ko na siya ng atensiyon, BIGLA NALANG SIYANG HAHARAP SA BAG NIYA NA PARANG WALANG NANGYARI?! ANYARE?!?!
"Here, take this." Bigla nalang siyang may inabot sa akin na.. CALLING CARD?!?!
WHOOOOOAAAA!! SERIOUSLY?!?! ANO 'TO?! Anong mero'n?!?! Binebenta niya ba si Matthew?!?! Is this some way of saying, "CALL ME WHEN YOU NEED HIM" ?!?! WHOOOAAA!! BONGGA!!
BINABASA MO ANG
An (Almost) Cliché Story
Teen FictionAng mga SECRET PLAN mo sa ibang tao, TINATAGO. Iniingatan. Hindi yung isang araw, magigising ka nalang na alam na niya ang LAHAT, at ngayon, hirap na hirap ka nang mag-ingat dahil siya mismo ang gumagawa ng paraan para IKAW ang MAHULOG sa sarili mon...