[1] The Ultimate Bucket List Master

113 2 8
                                    

      

Ang chapter na ito ay para sa lahat ng bumasa, nag-vote, nag-comment, at patuloy na sumusuporta sa story na ito! :D Hooray! SOBRANG SALAMAT! Mabuhay kayo! :D Hahahaha ..especially kay littleheartstrings na unang nag-comment sa buong story! Yay! THANK YOU!

Ay alam ko na! Kung sino ang UNANG MAG-COMMENT sa chapter na ito, sa kaniya ko ide-dedicate ang next chapter! ^__^ Kung wala naman, (HAHAHA) okay lang. :) Magkakaroon pa rin ng next chapter. ^__^ Pakiabangan nalang. Thank you nang sora-sobra!

  

 

CHAPTER 1 - THE ULTIMATE BUCKET LIST MASTER

    

    

"Bagay po kayo, Ate Amethyst!!"

  

"Bagay na bagay!"

  

"Sobrang bagay!"

   

Mula nang bumaba kami ni Matthew sa iisang sasakyan dito sa school, pinagkaguluhan na kami ng mga tao. (FYI, hindi pumayag si daddy na gamitin ni Matthew ang sasakyan niya kasi meron naman kaming sasakyan. Edi ayun.. pinasakay ni daddy si Matthew sa Cadillac ko at pina-drive kami sa aming family driver na si Mang Inazal).

As I was saying, pinagkakaguluhan kami. As in, LITERALLY. Kilig dito, kilig doon. Selos dito, inggit doon. Hahaha! Pero sa lahat ng mga nagsasalita at umiirit at kung anu-ano pa, iisa lang ang message ng sinasabi nila. At iyon ay ang: BAGAY KAYO.

     

Bagay raw kami? WOOHOO! YAY! THANK YOU, PEOPLE! May dahilan na ngayon si Matthew para KALIMUTAN ANG LAHAT NG KAHIHIYAN kong natuklasan niya kahapon! Hahahaha!!

  

"Mukhang milyonaryo si kuya.."  Bigla akong may narinig na magsalita. At, HAHAHA! TAMA SIYA!! Mukha ngang milyonaryo si Matthew! Iyan ang una kong naisip nang sumabay siya sa aming kumain kagabi! Lahat yata ng etiquette, KABISADO NIYA! Kulang nalang ipa-recite ko sa kaniya ang lahat ng alam niya e!! At isa pa, kahit tingnan mo palang ang pananamit niya, kabog na ang lahat ng lalaki sa school!! Napakadisente niyang manamit, pero napaka-fashionable din!

  

"Pwede niyo po ba akong ipakilala sa kaniya?!" Hinigit ako ng isang ateng malaway-laway na sa katititig kay Matthew. Teka, plano niya bang agawin sa akin si Matthew?! Naku ate, wag muna ngayon! Hindi pa tapos ang bucket list ko!

    

"Ahmm.. hahaha. Eto si Matthew, o! Pakilala ka na."  ^___^"  Ano bang mero'n at ako pa ang magpapakilala? 

   

Tiningnan ko si Matthew. And BOOM! Nakita ko na agad kung bakit gusto ni ate na ako yung magpakilala! Ang TARAY kasi ng hitsura ni Matthew! Nakakunot yung noo niya tapos tuwing nadidikitan siya ng tao ay lalo siyang sumisimangot na parang artistang nadikitan ng taong may nakakahawang sakit! Hahahaha! Grabe! ANG TARAY NIYA!

    

"DUUUUUDE." Biglang nalang may humigit sa akin mula sa maraming tao at kinaladkad ako papunta sa mga lockers, malayo sa mga tao at kay Matthew. Hindi ko alam ung papaano nangyaring nadala niya ako rito kasi pinagkakaguluhan din naman ako ng mga tao, pero, JOKE! Syempre alam ko!! Pag si YANNIE ang humila sa'yo, WALA NANG MAKAPIPIGIL PA.

An (Almost) Cliché StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon