CHAPTER 3.5 (If that's even possible) - IT'S THE BALL! (PART 2)
"Napakabuti mo namang boyfriend, Matthew. Nag-skip ka pa talaga ng klase para lang sa kaniya!"
BOYFRIEND. Oo. IYAN ANG SINABI NI ATE NURSE.
Pero sa halip na ngumiti, sumimangot ako.
Oo, siya na nga ang SOBRANG GWAPONG lalaking isnabero, mataray, masungit, suplado, masakit magsalita, at kung anu-ano pa, na kahit anong katarayan niya ay nahuhumaling sa kaniyang ang mga babae sa school! Pero ako? HINDI! NO! NOT A CHANCE! IN HIS DREAMS! At lahat ng iba pang synonyms noon na nag-eexist sa mundo!
E paano ba naman, siya ang unang tao sa school na umaway sa akin! I REPEAT: UMAWAY SA AKIN!!
Anong klaseng away? O, ganito.. Ibibigay ko ang isang linya ng sinabi niya ang magpapaliwanag ng lahat..
"Pwede ba, Amethyst?! Isantabi mo naman muna ang PRIDE mo! Bakit ba kasi ayaw mong amining HINDI KA MARUNONG MAG-SERVE? E kung sinabi mo iyon kay Ms. Sandoval kanina, edi hindi na sana umabot sa puntong kailangan pa kitang dalhin sa clinic!"
O di ba? Sino ba naman ang hindi pa umagree sa akin na BIRDS WITH THE SAME FEATHER FLOCK TOGETHER?!?! At isa pa, sino ba namang taong nasa tamang kaisipan ang mahuhumaling pa rin sa isang taong ganio kabantot ang ugali?!?! Nakakainis!
Sasagutin ko na sana siya ng kung anu-ano pang salita, pero bigla nalang pumasok si ate nurse dala-dala ang aking ice pack. At heto na si ate ngayon, sinasabi ang isang bagay na pinaka-hindi ko gustong marinig..
"Napakabuti mo namang boyfriend, Matthew. Nag-skip ka pa talaga ng klase para lang sa kaniya!"
Saglit na tinawanan iyon ni Matthew habang tinatapunan ako ng isang "that's-ridiculous" look.
"Naiintindihan ko po kung gano'n ang tingin niyo," aniya Matthew, "pero may dalawang bagay po kayong dapat malaman. UNA: Wala po kaming klase. PE GIRLS po ang klase kanina. Free period po ng boys. At isa pa, I don't even dare to risk a class for her. IKALAWA: She's not my girlfriend. Not now. Never will be."
BOOM. SINO NGAYON ANG GAGALING PA SA KONTRABIDA SKILLS NG TAONG ITO, ABER?! BIGYAN NG JACKET!!
Walang-wala pa pala ang EVILNESS ni Keite sa EVILNESS ng lalaking ito! Grabe! Lapastanganin ba naman daw ang kagandahan ko?!?! Hindi ba niya alam na sa lahat ng magaganda at sporty na babae rito sa school, ako pa yung naisipa ng mga taong bigyan ng title na "The One Who Has It All"?! Kasi totoo naman!! Ano ba namang mero'n sa mata ng Matthew na ito?!?!
"Hey, Keite!"
BINABASA MO ANG
An (Almost) Cliché Story
Roman pour AdolescentsAng mga SECRET PLAN mo sa ibang tao, TINATAGO. Iniingatan. Hindi yung isang araw, magigising ka nalang na alam na niya ang LAHAT, at ngayon, hirap na hirap ka nang mag-ingat dahil siya mismo ang gumagawa ng paraan para IKAW ang MAHULOG sa sarili mon...