CHAPTER 3: CAUGHT

32 14 10
                                    

NAKATANGGAP nga ng abiso si Janenah na nakuha siya bilang sikretarya sa office ng mortal nitong kaaway.

"Alam mo bes, nagsisi tuloy ako bakit hindi secretary yung kinuha ko. Swerte mo kasa-kasama mo yung boss natin."

"Naku huwag mo nalang pangarapin pa Cling. Ang panget nga ng ugali nun malapit na nga ako sagasaan nun eh. Kapal pa ng mukhang pagbintangan ako. Nakakainis bakit kasi secretary yung nailagay ko sa Application Letter ko."

"Ayy weeeh. Talaga naman swerte mo bes araw-araw pala kayo nagkikita yun nga lang world war yung nagaganap tuwing nagkakaabotan kayo."

"Sinabi mo pa kapal talaga ng mukha nun. Sarap niyang tirisin"

"Ehem. Gigil na gigil ka ah, Miss Dela Cruz?" Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang boses nung nagsalita.

"Sir? May kailangan po kayo? Pasensya na po kayo pero wala po sa sampong minuto yung break ko po. Kakabreak ko lang."

"So? Haven't you check your email? May sinend ako."

"Yes sir, I already send you the schedules po. Bakit po?"

"Nothing just get back to work after your break."

Nang tumalikod ang boss niya ay sinuntok niya ang hangin nang humarap ang boss niya ay biglang winagayway niya ang kaniyang kamay. Hinataw niya ang kamay animo'y sasapakin ang papalayong likuran ng kanyang boss at naiinis na tumingin siya sa kaibigan.

"See? Ang arogante niya at ang kapal pa ng mukha niya, hmp sana iba nalang pinag applyan ko"

"Speaking of, alam mo bang pumunta yung nanay mo samin a week ago?" sambit ni Cling sa kanya.

"Ha? Anong ginagawa ni nanay sa inyo?" Pagtatanong ni Janenah sa kanya.

"Nakakahalata na si tita kung bakit araw araw nalang tayo wala sa bahay. Buti nga't sinabi ko kay mama ko na huwag munang sabihin kay tita na nawalan ka ng trabaho. At buti nalang ay natanggap tayo agad aba'y kung hindi malalaman kaagad ng mama mo kung bakit ba kasi hindi mo sinasabi sa kaniya."

"Oo na, oo na. Ano ba yan bessy, para kang nanay ko. Kumain na nga lang tayo at ng makabalik na tayo sa kani-kaniyang trabaho. Paniguradong hindi rin ako tatantanan nung asungot nating boss." pahayag ni Janenah.

Masayang nagkukwentohan ang magkaibigan habang hinihintay ang katapusan ng kanilang break ay nagsipag balikan na sila sa kani-kaniyang trabaho.

"Ang tagal mo naman Ms. Dela Cruz, napahaba yata ang kwento niyo sa oras ng trabaho." anang boss na nakataas ang isang kilay. Na siyang hindi pinalampas ni Janenah.

"Excuse me lang sir, 1 hour po yung break ko. At time check hindi naman ako lumagpas dun. Atsaka breaktime yun sir at sinigurado ko munang matapos ang una kong gawain bago pa magbreak."

"Alam mo, Ms. Dela Cruz? Sa lahat ng empleyado ko, sayo lang ako bilib. Ikaw lang ang may kayang sumagot sagot sakin." Ani boss na tinitigan siyang maigi.

"Mali ka rin naman kasi sir. Natural sasagot ako." sabi ni Janenah na walang pag aalinlangan.

"Whatever. Pakiayos ng mga papeles na iyan." turo ng boss niya sa lamesa niya.

"Lah? Lahat ng iyan sir? Nagbreak lang ako ganiyan na karami."

"Oh anong gusto mo? Ako gumawa niyan? Sino bang secretary?"

"Oo na, oo na." reklamo niya dito.

"After mo dyan pwede ka na umuwi at magpahinga." sabi ng boss niya na ikinagulo ng utak ni Janenah.

"Sigurado ka ba dyan sir? Walang halong biro? Thank you sir ang bait mo." Ngiting sabi nito.

"hmm..." pagtango ng boss niya saka iniwan si Janenah sa office.

Mga ilang oras rin ang nagdaan saka pa natapos ni Janenah ang kaniyang gawain.

"Bwesit na boss to, akala ko pa naman maaga akong makakauwi sa bahay. Inabot na ako ng 5pm sa mga papeles na to."

Inayos na ni Janenah ang mga papeles at nilagay iyon sa lamesa ng kanyang boss bago inayos ang kaniyang mga gamit para umuwi na.

"Walangya ka talaga boss, hmp!"

Umalis na si Janenah sa office at hinahanap ng kaniyang mata ang kaniyang kaibigan na hindi man lang niya mahagilap.

"Bessy asan kana ba? Hayysss...ano ba yan iniwan ako hmp."

Muli niya pang hinagilap ang kaniyang kaibigan bago mapagdesisyonang umuwi.

.....

SA BAHAY

"Nandito na po ako." ngingiting-ngiti na sabi ni Janenah.

"At saan ka nagpunta ha? Halos araw-araw ka nalang umaalis Janenah, magsabi ka nga sakin ng totoo. Anong pinaggagawa mo at palaging wala ka sa bahay." bulalas ng ina na ikinalukot ng kilay ni Janenah. (Nalaman na kaya ni inay na natanggal ako?) anang isip ni Janenah. Pinanatili niya pa rin ang ngiti sa kaniyang labi bago sinagot ang kaniyang ina.

"Ma, sa trabaho po."

"Sinungaling. Pinuntahan ko ang bahay ni Cling, at sabi ng ninang mo ay pareho kayong natanggal sa trabaho. Bakit hindi mo sa akin sinabi agad?" pagbibisto ng ina niya sa kaniya. (wala na talaga akong takas) ani sa isip niya.

"Ma, huwag na sana kayong magalit sakin. Ayaw ko lang po kayo maproblema pa, saka may work na naman po ako. Sorry na po." Pag amin ni Janenah saka niyakap ang ina.

Lumuha lang ang kaniyang ina sa pag-iisip na tinago ng kaniyang anak ang trabaho nito upang makatulong sa kaniya.

"Naiintindihan ko anak, sana hindi mo nalang nilihim sakin upang hindi ako nag-aalala. At salamat dahil naiintindihan mo ang sitwasyon natin. Kailangan na kailangan ko ng kaagapay sa pamumuhay natin gayong wala na yatang balak umuwi ang inyong ama." luhaang sabi ni Rose- ang kaniyang ina.

"Sorry po ma, ang ayaw kong madagdagan ang pinoproblema mo. Pasensya na po talaga."

"Ayos lang iyon anak, naiintindihan kita. Salamat sa pag agapay sakin sa mga gastusin. Oh siya tama na itong drama, tawagin mo ang kapatid mo at nang makakain na tayo." sabi ng kaniyang ina sabay punas ng mga luha na kanina pang nagbabadya.

"Sige po." tanging naisagot niya lamang at saka pumunta sa kaniyang kwarto upang makapagbihis at matawag na ang kapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon