Kc's pov
Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nung magstart kami mag praktis, at isang linggo na rin na palagi akong naghihintay sa dalawa kong kaibigan dahil palagi silang late, di ko nga alam eh ako lang ata ang sumusunod sa usapan na 7 am dapat andito na sila .....kadalasan kasi 8 na sila dumarating,
si DI maaga rin siyang dumarating pero lagi sya dun sa mga kagrupo nya. Ah oo nga pala may group kasi dito si DI sikat nga daw group nila kasi lahat daw na sinasalihan nila lagi silang nananalo at tuwing ibalong festival dito sa legaspi sa bicol lagi silang iniinvite para mag perform kaya kilala talaga sila rito, at kaya rin pag may mga compitetion sa school sila ang kinikuha para magturo. So yan lang muna sa ngayon.
Kanina pa ko dito sa bench at napansin ko din na wala pa si DI at yung kamember nya.
Sa sobrang nakakainip at nakakainis na paghihintay ay kung anu anu na lang ang sinusulat ko dito sa lupa, nang may bigla na lang nagsalita....."Kanina ka pa dito?"
Pagtingin ko bigla n lang bumuka ang bibig ko as in nganga,,,,eh papaano si DI lang naman kaharap ko ngayon , shocks anu bang gagawin ko hala natataranta na ko dito, ok ok ganito inhale exhale whooo ok , tiningnan ko ulit sya at ngumiti
"Oo ang tagal nga nila eh hehehe"
"Ahm bat ang aga aga mo lagi napapansin kasi kita dito tuwing dumarating ako eh"
"Ah 7 am kasi ang usapan so hindi ako maaga late lang talaga sila hehehe " whaaa shemay parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok nito eh
"Pero di ka ba naiinip o kaya naiinis kasi lagi ka na lang naghihintay?"
"Naiinis syempre pinakaayaw ko sa lahat yung pinaghihintay ako noh, kaso wala eh late pa din sila"
"Edi gawin mo mag pa late ka din para sila naman ang maghintay, para mafeel nila kung pano ang maghintay"
"Nah ganun pa rin yun pag ginawa ko yun magiging cycle na, ngayun ako ang naghihintay bukas sila naman tapos sa susunod ako naman, alam mo na gantihan ng gantihan, ayoko nun"
"Eh kesa naman ikaw lang laging naghihintay diba"
"Ok lng yun atleast marerealize nila na palagi na lang akong naghihintay tapos sa susunod di na nila yun gagawin kasi alam nila may isang taong mahihintay kapag nalate sila."
Ngayun ko lang napansin di na ako masyadong kinakabahan habang kausap sya.
"Ang bait mo naman khassandra"
"Ha! Panu mo nalaman name ko?" sa pagakakatanda ko di ko naibigay name ko nung first time ko syang makausap.
"Palagi ko kasing naririrnig na tinatawag ka ng dalawa mong kaibaigan na "KC" kaya tinanong ko ibig sabihin nun ,din ayun mas gusto kong tawagin ka ng khassandra hehe"
"Ah ahm " anu ba yan naspeechless ako dun ha
"Ahm DI malapit na bang matapos yung step sa sayaw?""DI?"
"Ah yun yung tawag ko sayo short for dance instructor hehehe"
"Ah kala ko devil inside hahaha joke lang , oo malapit na "
Ang gwapo nya talaga pag ngumingiti haay
Nagsidatingan na rin yung iba at nagsimula ng makipag usap kay DI at dumating na rin si ash at mark.maya maya lng ngsimula kaming magpraktis.
(Kinaumagahan)
naglalakad ako papunta sa meeting place namin ng makita ko si DI na nakaupo sa bench na kinauupoan ko kahapon, lalagpasan ko sana siya ng tinawag niya ako,
"Uy khassandra dito ka na"
"Ah DI ang aga mo ngayon ha"
"Hehehe alam ko kasi maaga kang darating kaya naisip ko na samahan na lang kita"
YOU ARE READING
Almost a fairytale
Short StoryPagkababa ko ay tinakbo ko agad ang kinaroroonan ni DI hinawakan ko ang kamay nya at pilit na hinahatak sya paalis sa kinauupuan nya. "Sky halika na, ang lakas lakas na ng ulan oh" "IL dumating ka, sabi ko na nga ba eh darating ka ,mahal na mahal ki...