He's Mine and I'm his

6 2 0
                                    

KC's pov

Ilang lingo na rin ang nakakaraan simula ng manligaw sya at araw araw nya akong hinahatid sundo sa school, alam na rin ng school mates ko na nanliligaw sya, yung iba masaya yung iba naman taas kilay pg dumadaan ako, well sanay na rin naman ako.

"Kc kailan mo ba sasagutin si kaizer ha?" Si ash

"Hindi ko alam , di pa kasi ako sigurado eh "

"Hay naku kc kung ako sayo sasagutin ko n yan bago pa maagaw ng iba"

"Oo nga kc tama si markie , alam mo naman maraming umaaligid na higad sa tabitabi"

"Tss oo na basta sasabihin ko sa inyo pag sasagutin ko na sya ok"

"And speaking of manliligaw, andyan n ang price charming mo" bigla akong napatingin sa may pintuan ng may biglang tumikhim at nandito nga sya at may dalang snack as usual

"Ahm hi kain ka na muna"

"Bat ka andito? Tsaka nagabala ka pa tss sayang ng pera mo"

"Sinabihan kasi ako nila ash na wala raw kayong instructor ngayon kaya naisipan kong puntahan ka, at hindi sayang to kasi para to sayo, ikaw na mahalaga pa sa pera para sakin kaya kainin mo na to"  sabay abot sakin ng burger ang drinks

"Para kang sira dami mong alam sabayan mo na lang ako," yaya ko sakanya tumabi naman sya sakin at medyo close na rin naman kmi at sanay na akonv katabi sya ,

"Ah" sabay subo ko sa kanya ng burger, kinagat nya naman pagkatapos ay kumagat rin ako so bali share kmi s burger pati na sa drinks.

"Anu ba yan nakakainggit naman oh ang daming langgam dito" wika ng mga classmate namin, ng bigla na lang dumating si Dona yung president namin na masungit

"Hi kaizer, anung ginagawa mo dito"

"Ah pinuntahan ko lang......" hindi pa natatapos ni kaizer yung sinasabi nya ng pinutol ni Dona yunh sasabihin nya at nagsalita ulit

"Ah may tinuturuan ka ulit dito noh grabe ha kakatapos pa lng ng cheerdance may tinuturuan ka na agad dito, well magaling ka naman talaga "

"Ah thank you pero wala akong tinuturuan ngayon, pinuntahan ko lang ......"

"Hay naku kaizer wag mong sabihing namiss mo kmi kaya ka pumunta rito, well dont worry miss n din naman kita eh" bigla na lang syang umupo sa harap ni DI, at ito namang si DI mukhang nageenjoy kausap sya ni hindi nya nga ako napansing umalis na,,,kaya pinuntahan ko na si markie sa may bench kasi mukhang hindi na ako kailangan dito,

"Oh bat ka andito?" Bungad sakin ni markie

"Wala lang di naman ako kailangan dun eh "

"Bakit anung problema ha?"

"Wala ano ka ba"

"Kilala kita bakla ka anu ngang problema?"

"Naiinggit ako, naiisecure kasi mas maganda sya kesa sakin at sya yung klase ng babaeng magugustuhan nya hindi tulad ko", sabay yakap kay markie umiiyak na ko siguro dahil nga naiinsecure ako, ewan ko

"Hay naku girl , ikaw ang gusto nya hindi yang bruhildang babaeng yan noh tsaka maganda lang sya kasi may make up ikaw kahit wala maganda ka p rin ok, lalo na pag may make up tss"

"Pasensya ka na ha alam mo naman iyakin ako eh hayaan mo muna akong yakapin ka ha"
Ng bigla na lang may tumikhim sa likod namin sabay kaming napalingon ni mark

"Ahem"

"Oh anung ginagawa mo rito" tanong ko sabay iwas ng tingin

"Bakit ka nakyakap sakanya kung pwede namang sakin, bakit ka iiyak sa balikat nya kung pwede namang sa balikat ko?" Seryosong wika nya, sino pa ba edi ang magaling kong manliligaw, si DI,

Almost a fairytaleWhere stories live. Discover now