LIES

7 2 0
                                    

Apat na buwan na rin ang nakakaraan simula ng magbati kami ni DI, andito kami ngayun sa labas ng school kakatapos lang ng class namin.

"KC, anu pala balak mo sa OJT natin next month na yun ah"

"Oo nga KC ako kasi dun na lang sa may malapit samin nakausap ko na rin yung principal nila, pumayag naman kasi kumare nya pala si mama eh"

"Talaga bakla swerte mo naman pero syempre mas maswerte ako kasi ako natanggap na dun sa pinagapplyan ko, pumunta na lang daw ako pag magstart na, wala eh nagandahan ata sakin hahaha, di ko na kailangan ng connection beauty pa lng pak na pak "

"Haha nakakatawa bakla, oh ikaw KC?"

"Natanggap na ako sa Saint Joseph national high school,"

"Talaga,,, maganda daw dun ha tsaka friendly din daw ang mga teachers"

"At balita ko madami din daw dun na nag OOJT galing ibang school," pahabol naman ni markie

Nagtataka siguro kayo bat di kami magkakasama eh pano sabi nila sanayin na raw namin na hindi talga kami magkakasama forever kaya ayun kanya kanya, ewn ko ba sa kanila pero ok na rin naman skin yun.

"So panu ba KC una na kami ni bakla alam mo na maghahanap ng boylets tong bakla wala kasing bf hehehe"

"Sige ash, hintayin ko na lang dito si DI susunduin nya raw ako eh"

"Tss kayo na may boyfriend tss,"

"Annyeong chingu"

"Annyeong"

Friday kasi ngayun kaya pwedeng gumala since walang pasok bukas.Mayamaya lang dumating na rin si DI bumaba sya sa motor nya at bigla akong hinalikan,

"Aawww, bakit ka naman nanapak IL,  sakit ha",, pagiinarte nya

"Bat ka kasi nanghahalik tss"

"Sus naman IL, kinikilig ka lang eh ayiiee" sabay tusok sa tagiliran ko para kilitiin ako,

"Para kang sira, tigilan mo nga ako hahaha"

"Ayoko ko nga sabihin mo muna kinilig ka dali na ayieee" di nya parin ako tinitigilan pinagtitinginan na rin kami dito sa labas ng school

"Ah hahaha OO na DI tigil na hahaha"

"Oo na?"

"Oo na kinikilig na ako hahaha"

"Ayiee, tara na nga IL"

"Oh san tayo pupunta?"

"Dun sa court na pinagpapraktisan namin, ininvite kasi kami ni governor na magperform sa september, may darating daw na investors at kami ang napili na magwewwlcome sa kanila sa airport at magpepresent ng mga magagandang tanawin dito sa albay and through our dance kailangan namin yun maipakita"

"Talga, whaaa ang galing nyo naman mga taga saan daw yung mga investors?"

"TAGA SOUTH KOREAAaa ttugs tugs tugs"

Sigaw nya habang sumasayaw ng budots tss parang tanga lang eh, pero ang cute nya hehehe

"Tara na para kang sira dyan eh"

"Mahal mo naman,"

"Tsss"

"Uy IL mahal mo naman diba"

Di ko sya sinagot at sinuot ko na yung helmet

"Uy mahal mo ako diba"

"Tara na, kulet eh"

"Mahal mo naman ako right? Right IL"

"Tara na malalate ka na sa praktise niyo" sagot ko, di ko pa rin pinapansin yung tanong nya  kaso nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likod

Almost a fairytaleWhere stories live. Discover now