Chapter Fifteen

27.4K 769 42
                                    

MATALIM na bumuntong-hininga si Chase. Sinulyapan niya ang babaeng nakaupo sa hagdan patalikod sa kanya. Bukod sa gutom, sigurado siyang kanina pa ito pinapapak ng lamok. He wanted to ignore her. Sa kabilang banda, wala naman talaga siyang pakialam dapat dito. Pero bakit hindi siya mapakali habang tinitingnan ito?

Ngayon pa lang siya nakakilala ng babaeng kasintigas ng ulo ni Charry. Mula noong una itong makilala hanggang sa mga sandaling iyon, sarili lang nito ang sinusunod. Malamang kung hindi niya ito pilitin, hindi talaga ito kakain.

He closed his eyes tightly. Iniisip ba niyang pilitin itong kumain? Good heavens, bakit bigla-bigla, concerned na siya sa babae?

Hindi niya gustong hanapan ng sagot ang tanong na iyon. Kagaya ng hindi niya pagtutuon ng pansin kung bakit para siyang sinuntok sa dibdib at sikmura nang ilang minuto itong hindi huminga kanina. Si Trish ang pangunahing dahilan kaya niya iniligtas si Charry mula sa mga kidnapper, paulit-ulit niya iyong sinasabi sa sarili. Nakakagalit lang na kahit sarili niya, hindi pa makumbinsi.

Bumuntong-hininga uli si Chase. Ang ginawa niyang pagliligtas kay Charry kanina, gagawin din ng kahit sinong taong makakakita sa sitwasyon nito. Pero hindi na niya problema kung gusto nitong mamatay sa gutom.

Nararamdaman ni Chase na unti-unti na siyang inilalapit ng tadhana sa katotohanan. Tama ang hinala niyang kilala ni Charry ang mga taong pumatay kay Trish. Pero sino ang gustong kumidnap kay Charry at bakit nito pinagtatakpan ang totoong nangyari? Those men attempted to kidnap her twice, sigurado siyang mauulit pa hangga't hindi nakukuha ng amo ng mga ito ang gusto sa dalaga.

Nasisiguro niyang wala itong mabigat na atraso sa mga kidnapper. They wanted her alive. Pero bakit? Ano ba talaga ang rason kung bakit gusto ng mga itong dukutin ang dalaga? Obsession? Tama ba ang hinala niya na dating karelasyon ni Charry ang mastermind?

Ang hinala ni Chase noong una ay may asawa ang lalaking naghahabol dito. He was also rich and famous kaya sinisikap ni Charry na pagtakpan ang relasyon dito. Iyon nga kaya? Wala na siyang maisip na ibang dahilan.

Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip. Gayunman, alam niyang hindi magtatagal, malalaman din ang totoo... With or without Charry's help.

NAALIMPUNGATAN si Chase nang makarinig ng mahinang pag-ungol. Nilingon niya ang maliit na kuwarto kung saan natutulog si Charry. Tulog na ito nang bumalik siya sa kubo kanina. The stubborn woman didn't eat. Pinanindigan nito ang katigasan ng ulo.

Kapipikit lang uli niya nang maulit ang pag-ungol. This time, mas malakas iyon. He heaved a deep irritated sigh. Bumangon siya sa pagkakahiga at sinilip si Charry sa kuwartong tanging manipis na kurtina lang ang nagsisilbing dibisyon sa maliit na sala. Pumasok siya sa loob.

"This is what you get from starving yourself," konsumidong sabi ni Chase. "Kung ako sa 'yo, ititigil ko na ang pagmamatigas at kakain..."

Nahinto siya nang kumilos si Charry. Tumagilid ito, paharap sa kanya. "Trish..." she sobbed.

Nagsasalubong ang mga kilay na itinulos si Chase sa kinatatayuan. Nananaginip ba ito? Hindi niya masiguro dahil madilim sa loob. Lumapit siya sa papag na kinahihigaan ng dalaga.

No, she wasn't dreaming. She was having a nightmare. Nakita niya ang pawis na namumuo sa noo ni Charry. Pabiling-biling ang ulo nito sa pagkakahiga at panaka-nakang tinatawag ang pangalan ng kanyang asawa.

"Hey..." tawag niya, bahagyang niyugyog ang mga balikat nito. Natigilan siya nang mahigpit na kumapit si Charry sa kanyang kamay.

"Trish..."

Ipinilig ni Chase ang ulo. Dumukwang siya para tuluyan itong gisingin.

DISORIENTED, napatitig si Charry sa lalaking nakadukwang sa kanya. Napabalikwas siya, nanlalaki ang mga mata. "A-ano'ng ginagawa mo rito?"

Men in Tux 1 : Falling For Mr Cruel (Wattys 2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon