Chapter Seventeen

27.9K 844 92
                                    

MATAMANG pinagmasdan ni Chase si Charry. Nakatayo siya sa gilid ng kamang kinahihigaan nito. Kung ilang minuto na siya sa ganoong ayos, hindi siya sigurado. It was almost daybreak. May ilang oras na siyang nasa loob ng kuwartong iyon at hindi siya mapakali.

He woke her up last night para painumin ng Paracetamol. Pero isinuka lang iyon ni Charry. Maging siya ay nasukahan. He was expecting himself to curse at her, pero wala siyang nadama ni katiting na iritasyon. Ilang beses din niya itong pinunasan ng basa at tuyong face towel sa noo, leeg, at mga braso kahit bumaba na at naging normal na uli ang temperatura nito.

Mahimbing pa rin ang tulog at banayad na ang paghinga ni Charry ngayon. Natingnan na rin ito ng doktor na inirekomenda ng staff ng hostel. Pahinga lang daw ang kailangan ng dalaga.

Bahagyang nilingon ni Chase ang pinto nang makarinig ng mahihinang katok. Sumungaw doon ang ulo ni Roman.

"Tumawag uli 'yong lalaking nakausap mo kanina, Sir. Malapit na daw siya sa junction."

Sinadya niyang hingin kay Manong Guiller ang mga numerong tinawagan ni Charry kahapon sa pagbabaka-sakaling may lead siyang makukuha sa kaso ni Trish. Tinawagan niya ang isa kanina. Isang matandang babae ang nakasagot ng tawag, pero dahil mahina ang pandinig, ipinasa nito ang pakikipag-usap sa kanya sa apo raw nitong lalaki na nagpakilalang Mitchel. Kababata raw ito ni Charry.

Nanggaling pa ang lalaki sa Guyudan, at kung totoo ang sinabi ni Roman na nasa junction na ito, sigurado siyang wala itong sinayang na sandali.

Ibinalik ni Chase ang tingin kay Charry nang maingat na kabigin ni Roman pasara ang pinto. Isang bahagi ng puso niya ang pumipigil sa kanyang iwan ang dalaga at ipagkatiwala ito sa lalaking hindi niya kilala. Pero sa pagkakataong iyon, alam niyang iyon ang mas tamang gawin.

Kailangan niyang ilayo ang sarili kay Charry. The sooner, the better. Habang tumatagal, mas lumalaki ang kagustuhan niyang manatili sa tabi nito... Ang protektahan ito mula sa mga taong nagtatangkang dumukot dito.

Nag-aalala siya sa kalagayan ni Charry pero mas nakakapag-alala ang nag-iibang tibok ng kanyang puso. Sa loob ng ilang araw, napalapit sa kanya si Charry nang halos hindi niya namamalayan. He had no desire of giving his heart away soon, lalo na sa babaeng hindi niya dapat ini-involve ang sarili.

Akmang aalis na si Chase nang kumilos si Charry. Tumagilid ito sa pagkakahiga... at hindi sinasadyang nasagi ng kamay nito ang kaliwang kamay niya.

His gaze dropped to their hands. May maliliit na kuryenteng nanulay sa kaibuturan niya dahil sa simpleng contact na iyon.

Huminga si Chase nang malalim at tumalikod matapos makipaglaban nang husto ang sariling utak sa utos ng puso niya na tuluyang hawakan ang kamay nito.

BAHAGYANG tumuwid sa pagkakaupo si Chase sa loob ng pickup nang makita ang paglabas ni Charry ng exit door. Akay-akay ito ni Mitchel patungo sa nakaparadang asul na kotse sa harap ng hostel.

Nakapulupot ang isang braso ng lalaki sa baywang ni Charry habang ang isa pang kamay ay nakahawak sa kamay ng dalaga. His heart contracted at the sight. Parang gusto niyang bumaba ng pickup, lapitan ang dalawa, at alisin ang braso ng lalaki na nakayakap sa dalaga.

He was funny, wasn't he? Ano ang karapatan niya?

Nang sabihin ni Roman na nasa lobby na ang sundo ni Charry kanina, lumabas na siya ng kuwarto para harapin ito.

Mitchel was tall and good-looking. Maputi at mukhang may pinag-aralan. They shook hands nang ipakilala ito sa kanya ni Roman. After saying his thanks, tumalikod na ang lalaki at itinuloy ang pagpasok sa elevator. Nagmamadaling makita ang kababata nito.

Men in Tux 1 : Falling For Mr Cruel (Wattys 2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon