Clark POV
"Ano ba talagang problema mong babae ka? Bat ba sunod ka ng sunod?" Naglalakad ako ngayon sa school campus, at itong baliw na to kanina pa sunod ng sunod sakin hindi ko alam kung ano bang problema nitong baliw na to.
"Sorry sir, kasi natatakot lang talaga ako ngayon dahil sa napanaginipan ko e. Wag ka mag alala di naman kita guguluhin, susunod lang ako ng tahimik, promise" Aish. Bahala na nga siya sa buhay niya, hinayaan ko na lang siya sumunod saakin. Bakit ba kasi naniniwala siya sa mga panaginip na yan?
--
Nasa room na kami ngayon, pagkatapos kong kumain sa cafeteria kanina dimiretso na din agad "kami" sa room.
Pero itong katabi ko muka paring sabog dito, kanina pa siya hindi mapakali.
Ano ba kasing napanaginipan niya? Aish. Hayaan na nga siya.
--
Natapos na ang 3 class namin at Break na pero itong katabi ko e, mukang tulala parin ata. Natuluyan na siguro.
"Hoy! Ano? Tutulala ka na lang dyan buong hapon?" Pagkasabi ko nun sakanya ay muka naman siyang natauhan na kaya agad na din itong nag ayos.
Nauna na kong lumabas ng room, dahil susunod naman iyon, at isa pa wala naman akong paki sakanya.
Nakarating na din kami sa cafeteria at um-order na ko ng pagkain at umupo.
Nakita ko naman si Baliw na nakatayo lang sa harap ko, mukang nag aalangan pa yata siya kung uupo siya.
Madami kasing masamang tingin ang tinatapon sakanya ng mga kababaihan sa cafeteria siguro natatakot ito.
"Wala ka naman sigurong balak na kumain ng nakatayo?" Saad ko dito ng hindi siya tinitignan, pinag patuloy ko lang ang pagkain ko.
Maya maya ay umupo na din naman agad ito, natauhan na siguro di baliw at wala din naman siguro siyang balak na kumain ng nakatayo. Ang hirap kaya nun.
Sandali kong tinignan tong babaeng nasa harap ko ngayon, Hindi niya masyadong ginagalaw yung pagkain niya at halata dito na tulala ito.
Mukang apektado talaga siya sa napanaginipan niya ah.
"Anong problema mo? Para kang baliw diyan?" Napatingin naman siya sakin at saka nag buntong hininga.
"W-wala, I'm just worried about that dream" Ano ba kasi yon?
"What dream?" Hindi ko na siguro napigilan mag tanong, kanina pa kasi siya para na siyang baliw.
"Eh? Seryoso? Tinatanong mo talaga?" Mukang hindi pa yata to maka paniwala ah, sabagay bakit ba kasi tinatanong ko pa?
"Kung ayaw mo sabihin, fine. Di kita pinipilit" Napikon na din ako sakanya, ganon ba talaga tingin niya sakin? Walang paki sa paligid? Okay fine, Oo wala akong paki sa paligid pero sakanya meron, i m-mean kase dba katulong namin siya, oo tama yun nga.
"Sungit. Fine! Napanaginipan ko kasi na si Lolo may nangyari sakanyang masama, kaya parang natatakot.lang ako" Akala ko naman about sakanya.
"Then, why not visit him?" Diba? Bakit hindi niya i-check?
"No. I mean, i can't. Eh basta sige una na ko" Agad itong tumayo at umalis kahit hindi niya pa nauubos ang pagkain niya. Baliw talaga yun hindi din siya kumain kanina sa bahay bago umalis, and i don't effin care.
Hindi ako concerned sakanya noh! Hindi talaga. Sinasabi ko lang para alam niyo, at di ako defensive. Aish. Makapasok na nga.
--
Mabilis din natapos ang klase ko. Pauwi na ko ngayon. Hindi ko kasabay si baliw ngayon, himala nga at hindi yata nangulit yon ngayon, asan na kaya yon? Bat ko ba siya hinahanap? Paki ko sakanya?
Nag red light yung Stop light kaya tumigil ako, alangan umandar ako e red nga? Aish, ang corny ko na bwisit. Nahahawa na yata ako sa babaeng yun.
Napalingon ako sa side mirror ko at nakita kong may naglalakad na babae na parang wala yata sa sarili niya.
At si Baliw yon. Hindi ko na sana siya papansin dahil nag green na din, kaso nakita ko siyang napahiga sa sahig. Nahimatay ito.
Agad akong bumaba sa kotse kahit ang dami ng bumubusina sa sasakyan ko, Lumapit ako sa babaeng nakahiga, si Steffi nga ito.
Agad ko siyang binuhat at pinasok sa kotse. Dumiretso ako sa ospital.
Ano kayang nangyari sakanya? Putlang putla ito. Pasaway talaga tong babae na to. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa baliw na yon.
---
Sorry for the typos and wrongs.
YummyYumi
BINABASA MO ANG
My Slave is a Princess?
Teen FictionShe's just a slave, my slave. Paano nangyari na isa siyang Princess?