1

25 0 0
                                    

Clark POV

"Hoy! Babae at saan ka pupunta? Diba oras ng trabaho mo ngayon?" Sigaw ko sa babae na nagtatangka pa yatang tumakas sa oras ng trabaho nito. Sino ba naman ang matinong tao na magagawang tumakas gayong taga silbi lang naman ito sa pamamahay ko.

"Oh! Hi Sir. Gising ka na pala, Nag handa na ko ng breakfast mo naka handa na sa mesa kumain ka na lang. Bye Sir." At nakita ko na lang na wala na ito sa harap ko. Kumaripas na ng takbo. Bwisit talagang babae yon! Ang kapal ng muka na layasan ang amo niya? Hindi ko ba alam sa Tatay kong praning kung bakit hindi pa pinapatalsik ang bwisit na yon dito eh.

Yung babae na yun siya si Steffi isa sa mga katulong namin dito sa mansyon. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa trabaho na yun samantalang parang baliw ata yon na nakawala sa mental, sino ba naman ang matinong tao na lalayasan ang amo nito? Huh. Imposible! Paano kaya iyon natanggap ni Daddy? Siguro may ginawa iyong hindi kaaya-aya sa Tatay ko kaya natanggap siya. Well hindi na ko mag tataka halata naman kase sa babaeng yun ang pagkabaliw. Nagulat na lang ako isang araw pag uwi ko sa bahay ay *BOOM* andito na ang babaeng yun at pinepeste ang buhay ko. Tinanong ko na din si Daddy kung pano niya nagawang tumanggap ng isang baliw sa bahay namin pero hindi niya sinagot ang tanong ko ang sabi lang nito "Saglit lang siya dito iho. Kaya magpakabait ka" Ang gulo talaga ng hukluban na yon. May katulong bang naka schedule pa talaga ang pag alis at pagpasok sa trabaho nito? Nababaliw na sila.

"Sir hindi pa ba kayo papasok sa School?" Tanong ng bwisit sa labas ng kwarto ko. Nakarating na pala siya ang bilis naman ata. Well wala naman akong paki.

"Mamaya na, at bakit ba nagtatanong ka. Wala kang pakielam" Ang totoo ay nakaayos na ako ngayon at ready na pumasok. Kaso ayaw ko pang bumaba dahil for sure mang pepeste na naman ang baliw na yon at sasabay sa akin sa pag pasok.

Parehas kami ng pinapasukang school ni baliw, at alam niyo bang isa iyong sikat na school at talaga namang mahal ang bayad doon. Ewan ko ba kung paano siya naka pasok doon. Wala naman akong paki para tanungin ko pa sakanya siguro pinag aral at sinuportahan siya ni Daddy. Napaka imposible talaga ng hukluban na iyon! Nahalata niyo siguro kung bakit ganito ako kay Daddy ano? Hindi naman sa may galit ako sakanya, hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga pinag gagagawa ni Daddy, grabe napaka imposible.

--

Papasok ako sa School ngayon. Nag park muna ako ng sasakyan sa Parking lot at saka dumiretso papasok ng room.

Andun na naman ang mga tingin nila sa akin na parang sinasamba nila ako at ang iba ay hindi ko alam kung minamanyak na ba ako sa isip nila. Grabe talaga sila akala mo ngayon lang sila naka kita ng gwapong kagaya ko, well hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga ako para tignan nila ng ganon. Hindi naman sa nag yayabang pero sige mayabang na rin, Lahat yata ng babae dito ay may gusto na saakin pero lang sa isang babae na yon at speaking of the devil....

"Hi Sir. Akala ko ba mamaya ka pa papasok?" Napaka kulit talaga ng bwisit na to.

"Pakielam mo ba?" Masungit na sabi ko dito, at saka dumiretso na sa upuan ko.

Sa kasamaang palad! Kaklase ko si baliw, Napaka imposible talaga ng mundo, Bakit ko ba naging classmate tong bwisit na to.

"Oo nga naman, paki ko ba?" Saad nito na kinakausap ang sarili niya, Baliw na nga talaga! Dumiretso na din ito sa upuan niya, at iyon ay sa tabi ko!! Siya lang kasi ang naglakas loob na tumabi sa gwapong tulad ko, pero ayos na din atleast kilala ko ang bwisit na ito at ayoko din mayroong katabing iba.

"Psh baliw" Hindi na niya pinansin ang pang aasar ko dahil dumating na din ang teacher.

4th year high school na nga pala kami, Isang taon na pagtitiis na lang dito sa baliw na to na makatabi, Hahaha! Atleast mababawasan ang araw na kasama ko siya, sa bahay na lang dahil katulong nga siya doon.

"Uy Clark, makinig ka sa teacher" Bwisit na to.

"Hoy! Wag ka nga mangielam, and don't call me Clark. You're my slave, so call me Sir" Tumango tango naman ito at tumingin na sa harapan.

Isa din sa mga pinag tataka ko sa babaeng to eh, hindi siya napipikon o' nagagalit sa mga pang aasar at pang babara ko sakanya. If i know nag papanggap lang yan pero pag siya na mag isa pinapatay na ko nyan sa isip niya. Haha!

Napatingin ako sa katabi ko, tahimik lang siyang nakikinig sa teacher. Sa totoo lang may itsura naman ang babae na to eh, pero panget pa din siya at isang baliw na katulong.

"Bakit Sir? May dumi ba sa muka ko?" Humawak pa ito sa muka niya na kinakapa kung mayroon nga bang dumi.

Napatitig na pala ako kay baliw, patay!

"A-ah, w-wala. Ang pangit mo kasi, oo tama" Parang ang hard naman ng excuse ko, ayy hindi tama lang yun sakanya hindi dapat ako maawa.

"Pangit ba? Pero sabi naman nung lalaki na nakasalubong ko kanina ang ganda ko daw, So niloloko lang ako nun? Loko yun. Sayang cute pa naman siya tss" Aba! Sinabihan lang siya ng maganda cute na agad? Baliw talaga.

"Niloloko ka lang non, naniwala ka naman agad. Wag ka ng lalapit doon baka mamaya rapist pala yon" Hindi ako concerned sakanya ha!

"Sir yes, sir" At umakto pa talaga itong parang sundalo na nasa noo ang kamay, baliw talaga!

--

Mabilis na natapos ang araw at heto pauwi na kami ngayon, Oo "kami". Kase itong baliw na ito nag pumilit na sumabay saakin, at talagang nang blackmail pa ito, ipapakalat niya daw sa buong school yung picture ko nung baby. Ayaw na ayaw ko kase sa picture na yun, hindi naman dahil sa pangit ako dun sa katunayan ang gwapo ko nga dun eh, ayoko lang talaga may makakita ng mga pictures ko. Kaya ayun si baliw tuwang tuwa na na blackmail niya ko, bwisit talaga!

"Salamat sir" Agad itong bumaba kahit hindi pa kami naka park sa loob. Agad siyang sumakay ng jeep, anong problema nun? Bakit nag mamadali?

Hindi kasi siya nag s-stay sa bahay, uwian yon. Pero minsan sa bahay din siya natutulog. San kaya nakatira yung baliw na yon? Ay wala pala akong paki sakanya!

Lumayas siya hanggat gusto niya, gusto niya wag na siyang bumalik pa. Pumasok na din ako agad sa bahay. Makikita ko na naman si hukluban at ayan na nga siya...

"Hello anak, namiss ka ni Daddy. Pa-hug nga" Akmang yayakapin ako nito ng sinalag ko ang kamay ko sa muka niya kaya hindi niya ko nayakap.

"Hindi kita namiss" Baliw na din talaga tong si Daddy. Hindi na ko magtataka kung bakit niya tinanggap si Steffi, dahil parehas silang baliw.

"Ang sweet naman ng anak ko, pakipot pa. Hahaha" At ayun tumawa siya ng tumawa na parang nasisiraan na ng ulo. Tatay ko ba talaga to?

Nga pala si Mommy matagal na siyang wala, 6 years old pa lang ako ng kinuha na siya ni Lord sa amin. Ayoko nang balikan pang muli ang masakit na ala-ala na iyon.

"Anong kailangan mo Dad?" Nakita ko namang sumeryoso ito at saka humarap na uli saakin, transform ganon?

"Gusto ko lang sana sabihin na, nalugi na ang kompanya natin kaya ibinenta ko na iyon pati na rin ang mansyon natin, Bukas na bukas din ibebenta ko na ang kotse mo at lilipat na tayo ng bahay"

"WHAT?" Imposible, hindi ako makapaniwala na mag hihirap na kami. Hindi ko lubos maisip na mawawala na saakin ang Kotse ko.

"At nga pala..." Tumingin ako kay Hukluban at nakita ko itong tumalikod bago pinagpatuloy ang sasabihin niya

"Joke lang, Hahaha" At ayun kumaripas na ito ng takbo habang tumatawa. Tss tss baliw na nga talaga! Akala ko totoo ng mag hihirap kami at mawawala ang kotse ko. May sayad talaga ang isang yon. Mayroon bang makaka pag sabi kung pano ko naging tatay yon? Aish.

--

YummyYumi<3

My Slave is a Princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon