Clark POV
Nakatingin lang ako sakanya ngayon, simula kagabi hindi pa siya nagigising, umaga na ngayon pero hindi pa rin siya nagigising tinawagan ko na din si Daddy at pinaalam ang nangyari at ang hukluban ay pinag bantay pa ko sa babaeng to!
Tinanong ko siya kung asan ang mga magulang ni baliw at ang sabi nito nasa malayong lugar daw at hindi ito makaka rating.
Kawawa naman pala itong si baliw, malayo siya sa pamilya niya at nitong mga nakaraang araw ay parang stressed ito.
Pero kung titignan mo naman ito hindi halata na marami siyang problema dahil sa palangiti naman ito at masiyahin.
Siguro mahirap talaga sila kaya ito nag tatrabaho, kung tutuusin ay napaka bata pa niya para mag trabaho na, tss tss.
"Asan ako? Sir? Bakit andito po kayo?" Gising na pala si baliw
"Hoy baliw! Nasa ospital ka. Ano ba pinag gagagawa mo sa buhay mo bakit ka nahimatay? Pano kung hindi kita nakita dun sa kalsada ha? Kumakain ka ba?" Hindi ko alam kung bakit ko natanong sakanya yon.
"Sorry, kumakain naman ako no, Hindi nga lang ako naka kain nitong mga nakaraan" Halata pa rin sakanya na nanghihina siya.
"At bakit hindi ka kumain? Ano ka diet? Ang payat payat mo na nga, Hoy! Hindi ka na se-sexy kaya wag ka na umasa" Well, hindi naman talaga siya payat, sabi sabi ko lang yun
"Hindi naman ako payat eh, okay. Sorry na po. At bakit ba nagagalit ka sir? Anong kinaka galit mo? Don't tellme.. concerned ka? Yie, ikaw sir ah" At talagang nanukso pa tong baliw na to hah.
"H-hoy! Baliw ka, asa ka naman. Hindi ako concerned sayo. Kaya ko lang yun sinasabi k-kase yari ako kay Hukluban pag may nangyari sayo, oo tama, yun nga." Grabe muntik na ko dun ah.
"Sus, si sir pakipot pa, Hahaha" At ayun tawa ng tawa si baliw. Baliw na talaga to.
"Ewan ko sayo baliw ka na. Labas lang muna ko, bibili ako ng pagkain" At agad na akong lumabas ng kwarto niya baka mang asar pa yung baliw na yun e. Gutom na din kase ako.
Naglalakad ako sa may hallway. Bakit feeling ko may nakatingin sakin? Nilibot ko ang paningin ko sa palingid at may nakita akong matandang lalaki na nakatingin nga sakin pero nung nakita nitong nakita ko siya agad itong tumalikod at naglakad palayo, sinundan ko ito lumiko ito pakanan, malapit na ko sakanya ng...
"Ouch." May naka bunggo sa akin.
"Sorry." Tinignan ko yung babae na naka bunggo sakin at nakangiti ito sakin, nilalandi ba ko nito?
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." At saka ko ito nilayasan.
Sh*t. Nawala na tuloy yung matanda! Bwisit na babae kasi yun eh.
Sino kaya yun? Baka mamaya masamang tao pala yun? Aish. Wag na nga pansinin.
Lumabas na din ako ng ospital at bumili ng makakain, baka nagugutom na ang sawa sa tyan ni baliw kaya binilisan ko lang.
--
Pagbalik ko sa kwarto ni baliw, andun na si Daddy.
"Oh, Dad andito ka na pala." Nilapag ko sa mesa yung pagkain at hinanda na ito
"Yes son, bakit namiss mo ko noh?" Baliw na talaga to.
Hindi ko na lang pinansin ang trip ni Dad. Inabot ko na ang pagkain kay Steffi.
"Kain Dad?"
"Sige, Tapos na ko." Binuksan nito ang Tv at nanuod lang. Nagsimula na din akong kumain, kumakain na din si Baliw
"Sir clark." Tawag ni baliw
"Oh?" Sagot ko, saka tumingin dito
"Thasddfgjjk hsa pala" Ano daw? Bakit ba nagsasalita to ng may laman ang bibig
"Ano? Nguyain mo nga muna yang nasa bibig mo. Ang baboy nito" Agad naman niya itong nginuya at nilunok.
"Sabe ko, Thank you." Eh? Bakit biglang uminit muka ko?
"Yie, nag b-blush ka anak. Hahaha" Bwisit talaga to si tanda.
"Ok." Yun na lang ang nasagot ko. Tsaka pinag patuloy ang pagkain
"Nga pala iha, Pwede ka na umuwi ngayon. Uuwi na tayo pagtapos niyo dyan." Buti naman. Makaka tulog na din ako ng maayos. Isang araw din akong di nakatulog dahil sa pagbabantay sa baliw na to, tss.
"Sige po."
"Ok."
--
Matapos namin kumain, agad na din kaming umuwi. Dahil na din siguro sa sobrang pagod kaya pag uwi ay nakatulog agad ako.
Sabi ni Tanda dito daw matutulog si baliw sa mansyon. Wala naman akong paki e.
**
Nagising ako ng 2am ng makaramdam ako ng gutom. Hindi nga pala ako naka kain kagabi!
Bumaba ako para pumunta ng kusina.
Binuksan ko yung ref. para maghanap kung may pagkain pero nabigo ako, walang pagkain. Sinara ko na yung ref.
Titiisin ko na lang tong gutom ko. Hindi naman ako marunong mag luto! Hahakbang na sana ako paalis ng..
"Waaaaah! Putangsdfgghmm." May nagtakip ng bibig ko.
Pagharap ko kase sa gilid may nakita akong white lady sa harap ko.
"Sir, ako to, si Steffi. Wag po kayo maingay baka magising sila"
"Asdfghjlklzcv"
"Ano po?" Eh gago pala to e. Pano niya ko maiintindihan e, di niya pa binibitawan bibig ko.
Tinanggal ko yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko.
"Sabe ko tanga ka, bakit ba nananakot ka dyan? At ano yang buhok mo? Muka kang White lady" Yung buhok kase nito ay nakaharang pa sa muka niya at gulo gulo.
"Hindi naman ako nananakot! Nauhaw kasi ako kaya bumaba ako, ikaw sir? Ano ginagawa mo dito?"
"Bahay namin to tanga! Nagugutom ako. Pagluto mo nga ako. Bilis" Hindi naman ito umangal at agad na nagluto.
"Eto na sir, sige po aakyat na ko"
"Sino nag sabing umakyat kana? Dito ka lang samahan mo ko"
"Pero si--"
"No buts. Sit and eat" Wala naman siyang nagawa kundi ang sumabay sakin.
Madali lang din naman kaming natapos kumain at ngayon ay naghuhugas na si Baliw. Inaantay ko na lang siya, kawawa naman eh.
"Masarap ba luto ko sir?" Masarap nga siya, pero bat ko naman aaminin? Baka lumaki pa ulo nito.
"Hindi, mag aral ka pa nga" Nakita ko namang ngumuso siya sa sinabi ko, psh! Kala mo naman cute
"Hindi daw, pero naubos niya" Bulong nito, pero rinig ko naman. Tanga talaga
"Manahimik ka dyan, bilisan mo na nga mag hugas dyan, inaantok na ko."
"Oo na po, eto na tapos na. Tara na"
Naglakad na kami papunta sa taas. Binuksan ko na ang pinto ng kwarto at papasok na ng magsalita si Baliw.
"Goodnight sir" Pagkasabi nito ay tumakbo na ito sa kwarto niya at agad na sinarado ang pinto.
Eh? Ano daw? Goodnight daw? Bakit parang kinilabutan yata ako dun? Kilabot nga ba to? Ay ewan. Bahala siya.
Pumasok na ko sa kwarto saka natulog.
***
YummyYumi
BINABASA MO ANG
My Slave is a Princess?
Teen FictionShe's just a slave, my slave. Paano nangyari na isa siyang Princess?