ZEY'S POV
Nakakatamad pumasok!!!
Iritang kumakain ako ngayon...Kahit late na ko papasok pa din ako!
Pagkatapos ko kumain ay naligo agad ako tsaka lumabas ng condo.
Di na ko nag-abala pang magmadali dahil late na din naman ako..
Pagdating sa school ay wala ng gaanong nasa labas na estudyante dahil simula na rin siguro ng klase.
Kaya napili kong dumiretso na lang muna sa tinatambayan ko..
Ngunit napatigil ako ng may marinig akong ingay..
"Bitaw nyo yung kambal ko!"rinig kong sigaw mula sa loob ng isang room
Nakarinig pa ko ng tawanan.
Mga lalaki yung natawa eh..
Akmang lalapit na ko ng may tumawag sakin..
"Zey..."
Napatingin ako at nakita si Yumi na palapit sakin
"Ba't andito ka?"takang tanong ko kay Yumi
"Wag kang lumapit dyan..Nakita kong may mga lalaki dyan..Tapos yung k-kambal.."tarantang sabi nya
Mas lalo akong nagtaka kaya lumapit ako kahit pinipigilan nya ko
Binuksan ko ng tuluyan ang pinto dahilan para mapatingin sila sa gawi ko
"Tignan mo nga naman!"nakangiting sabi ng isa
Limang lalaki ang nandito
Di ko naman kilala kung sino sila
At wala akong balak alamin.
Sinamaan ko lang sila ng tingin at nilapitan ako ng isa sa kanila
"Pakawalan nyo sila.."seryosong sabi ko
"Kumpleto rekados na sila oh!Hahahaha"natatawang sabi ng isang ugok
Nakita ko si Yumi na takot na nakatingin sakin..
Hawak sya ng isa sa kanila.
"Sabing pakawalan nyo sila!"sigaw ko
"HAHAHAHAHA"tawanan nila
"Matapang.."tatango tangong sabi ng lalaking nasa harapan ko
Hinawakan nya ko sa balikat pero agad kong hinawakan yun at pinilipit dahilan para mapairit sya sa sakit..
"Shit!"sigaw nya
Sinikmuraan ko sya at tinulak bago lumapit sa iba pa at pinagsusuntok..
"Yumi!Kalagan mo yung kambal!"sigaw ko kay Yumi na tulala lang na nakatingin sakin
Taranta syang lumapit sa kambal at kinalagan sila
Tumulong naman ang isa sa kambal at napatumba agad namin sila..
"WHAT IS GOING ON HERE?!"
Sabay sabay kaming napalingon sa pinto
"Patay tayo..."bulong ng isa sa kambal
Umirap lang ako..
"Ms.Anderson,Ms.Halters,Hilton Twins..."tawag nya samin at lumapit.
Tinignan nya muna ang mga lalaking namimilipit sa sahig at bumaling ulit samin.
Pumikit sya at hinawakan ang sintido..
"IN MY OFFICE NOW!!!"
BINABASA MO ANG
Weston High | On Hold
Teen Fiction"What you think is not necessarily what you think..." Welcome to Weston High where bullying transfer students is LEGAL. Where violent acts is somehow LEGAL. While being inlove felt so ILLEGAL. ------ T.W!: This story is personal and unedited, with n...