Chapter 20: A prank...Again?

15.9K 518 16
                                    

ZEY'S POV

Napahikab ako at napatingin sa bintana ng cafeteria..

"Grabe..Sobrang kalat ng cafeteria.."sabi ni Yumi

Di na lang ako nagsalita at binalik na sa lagayan ang mga ginamit naming panlinis...

Medyo madilim na rin sa labas kaya paniguradong kami ang pinakahuling natapos ngayon..

Sabay kaming naglakad paalis ni Yumi at nagpunta kung saan naroroon ang iba..

"Ang tagal nyo naman.."maarteng sabi ni Misty

Tinignan ko naman siya

"Bakit sinabi ba naming antayin nyo kami?"

Inirapan naman niya ko

"Magpunta na kayo sa pwesto niyo.."sabi ni Liam at naglakad na paalis kasunod ang iba

Napatingin naman ako kay Mond

"Hindi ka ba talaga nanghihinayang o nagsisisi na hindi ka makakasama sa kanila?"kunot noong tanong ni Diel sa kanya

Ngumiti lang si Mond at nagkibit balikat bago tumingin sakin

"Tara na..."sabi niya at nauna ng naglakad

Hindi na kami nagsalita at sumunod na lang sa kanya

-----

"Ano ba talaga ang dahilan kung bakit pinalayas ka ni Liam?"intriga ni Diel kay Mond

Napailing naman ako...

Kalahating chismosa rin pala tong babaeng to

"Hahaha...Wag mo ng isipin yun.."

Napairap naman si Diel at hindi na nagsalita

"Hayyy!!Buti na lang nagdala na ako ng kumot hehe anlamig din dito kahit walang aircon.."sabi ni Deil at naglabas ng kumot

"Where is mine?"tanong ni Diel

"Oh..Wait.."sabi niya at may kinuha ulit sa bag

"Here!"sigaw niya

Napataas ang kilay ko ng ilabas niya ang kumot

Gulat namang nakatingin si Yumi sa kumot at kunot ang noo ni Mond na nakatingin din sa kumot

"Seriously?A Hello Kitty Blanket?"takang tanong ko

Mabilis namang kinuha ni Diel ang kumot at niyakap yun

"Why?Hello Kitty is so cute..."

Narinig ko ang pagtawa ni Mond at sinamaan siya ng tingin ni Diel

"Eh ikaw Deil?Sino naman sayo?Si Minnie Mouse?"tanong ko kay Deil

Umiling naman siya

"Hindi ako mahilig sa mga cartoon characters actually..."

Napatingin ako kay Diel

"Bata ka ba?"kunot noong tanong ko sa kanya

Inirapan naman niya ko

"Pwede ba?Mind your own business nga.."sabi niya at nahiga na at nagtalukbong ng kumot niyang hello kitty

Natatawang nailing naman si Mond

Napailing na lang din ako at nahiga na...

----

LIAM'S POV

"Ewwww....Seriously??"maarteng tanong ni Misty

Tinignan ko naman siya

"Pwede ba?Manahimik ka na nga lang.."naiiritang sabi ko sa kanya

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon