Chapter 66: WH Event

902 41 1
                                    

DEIL'S POV

This is the day! Ang first day ng Weston High Event ngayong araw ng miyerkules at simula kagabi ay di na ko makatulog ng maayos dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Mamayang 7pm ang laban ng Battle of the Bands at eto ako ngayon nagkikilos na para pumunta sa bahay nila Pier dahil sabay-sabay na daw kaming lahat pupunta sa school.

It's exactly 7:30 in the morning at mamayang 11am pa ang start ng Event. Di ko na inabalang gisingin si Diel kaya lumabas na ko ng condo unit namin at dire-diretsong pumasok ng Elevator. Pagdating sa ground floor ay naglakad na ko palabas ng building pero napahinto ako at nanlalaki ang mata ng makita si Henz na nakasandal sa sasakyan niya at nakangiting kumaway sakin. Agad naman akong nagmadali maglakad palapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Henz

Ngumiti lang siya at binuksan ang pinto ng passenger seat.

"Sinusundo ka. Alam ko namang di ka mahahatid ni Diel kaya dito na din ako dumiretso bago pumunta kila Pier." tumango na lang ako at sumakay na sa kotse niya. Pagkasakay niya ay agad din naman niyang pinaandar ito dahil 8am ang calltime namin kila Pier.

"Did you eat something?" tanong niya habang ang paningin ay tutok pa din sa daan

Umiling naman ako kahit hindi siya nakatingin

"Hindi na ako nag-abalang kumain, late na din kasi ako nagising." nahihiyang sabi ko

Tumango naman siya at agad niliko ang sasakyan.

----

"Next time wag ka magpapalipas ng gutom. It's not good for your health." sabi niya habang inaabot sakin yung mga inorder niyang pagkain sa drive thru

Nahihiya kong kinuha yun tapos nginitian siya

"7:30 pa lang naman." bulong ko

Di na siya nagsalita at sinimulan na ulit magdrive habang ako ay nagsisimula ng kumain.

"Ikaw kumain ka na ba? Gusto mo?" alok ko sa kanya

Tinuro niya yung burger na nakabalot kaya naman binuksan ko yun at inabot sa kanya pero nagulat ako ng hindi niya yun kunin at bigla na lang kinagatan.

Gulat akong nakatingin sa kanya, napansin niya yun kaya naman saglit niya kong tinignan tsaka mahinang natawa.

"What? I'm driving." sabi niya

Hindi na lang ako umimik tsaka nagpatuloy sa pagkain.

----

"Oh? Ang aga niyo naman?" tanong ni Pier habang kinukusot kusot pa ang mata dahil bagong gising lang at kakalabas lang ng kuwarto habang naka-pajama lang at fitted white sando.

"Anong maaga? 7:48am na gunggong." sabi ni Carl na nauna dito dahil siya pa lang naabutan namin kanina at nakain ng cookies

Di na nagsalita si Pier at nagkilos na lang agad.

"Yung dalawa? Baka naman magpalate pa yun?" tanong ni Carl kay Henz

Nagkibit balikat lang si Henz tsaka tumingin sakin

"Nervous?" tanong niya

Napayuko lang ako tsaka marahan na tumango. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Don't be. I'll help you, remember?" nakangiting sabi niya sakin kaya wala sa sariling tumango na lang ako at ngumiti din, sakto namang nakarinig kami ng kakarating lang na kotse mula sa labas kaya napatingin kaming tatlo sa pintuan at pumasok mula roon si Zey kasunod si Liam.

Mukhang napapadalas na pagiging malapit nitong dalawa ah.

"Where's Pier?" tanong ni Liam at naupo sa tabi ni Carl, si Zey naman ay tahimik lang din na naupo sa tabi ko

"Bakit? Miss mo na naman ako." sabi ni Pier na kakatapos lang magkilos at nangingising nakatingin kay Liam na binigyan lang siya ng masamang tingin.

"Okay, so we're all complete now. I hope maging maayos yung run natin later at the stage. After lunch magkakaron tayo ng one run for each songs for preparation na din kahit 7pm pa yung start. Alam ko naman na magagaling kayong lahat kaya mapeperform natin toh ng maayos." sabi ni Henz at tumingin sakin tsaka ngumiti ulit

-----

10am pagkadating namin sa WH ay madami na agad mga estudyante sa labas, may mga iilan din kasing students ng Weston University na andito dahil free din silang makapasok dito sa Weston High.

Pagkapasok sa school ay sabay-sabay na kaming lumakad papuntang classroom dahil wala naman kaming ibang mapupuntahan ngayon. Wala rin ata silang ganang magpunta sa iilang mga booths na andito. Tinext ko naman sila Diel at Yumi, tinanong ko kung nasa school na ba sila.

"Hoy! Goodluck sa inyo mamaya!" sigaw ni Luke pagkapasok namin sa loob ng classroom

Kumpleto ang lahat ng nasa room mga wala rin atang balak magpunta sa booths. Dumiretso muna kami sa kanya kanyang mga upuan dahil wala pa namang 11am at malamang mamaya pa dadating si Diel dahil alam ko namang palaging late yun.

"Uy Deil, Zey. Goodluck sainyo mamaya." sabay kaming napatingin kay Yumi pagkaupo niya sa tabi ko, nginitian ko naman siya at nagpasalamat habang tinanguan lang siya ni Zey at yumuko na ulit sa desk niya.

"Wala pa ba si Diel? Hindi kayo sabay ngayon?" tanong sakin ni Yumi

"Hindi eh, 7:30 kasi ako umalis sa condo eh tulog pa siya nun kaya di ko na inabalang gisingin. Baka mamaya pa yun dumating." sagot ko sa kanya at tumango lang siya.

Pagdating ng 11am ay tinawag na ang lahat ng mga estudyante para magpunta sa Auditorium kung saan sisimulan ang event at mags-speach yung mga school officials about sa event na toh ngayong buong week. Hanggang tuesday kasi yung Event dahil Wednesday nila sinimulan yung mismong event, at sa tuesday na din yung WH Ball. Tatanungin ko pala sila mamaya kung may mga dress na sila para sa ball.

"Good morning Weston High Students! and to some Weston University Students who visited the school today for the event. So today is the start of the event blah blah blah..." hindi ko na napakinggan ang sinasabi ng official na nasa stage dahil may kumalabit sakin kaya nilingon ko ito

"Bakit?" tanong ko kay Henz

Ngumiti naman siya sakin tsaka tinuro yung malaking pintuan ng auditorium. Napakunot ang noo ko kaya medyo natawa siya at tumayo tsaka naglakad palabas ng auditorium. Nakakunot pa rin ang noo ko pero tumayo na din ako at naglakad palabas para sundan siya.

Ano naman kaya ang gagawin namin sa labas?

Nakita ko si Henz na huminto sa may music room, tinapunan niya ko ng tingin saglit bago pumasok. Sumunod na din akong pumasok at naglakad pababa papunta sa stage.

"Bakit tayo nandito? May sasabihin ka ba?" tanong ko pagdating sa harap niya

Mahina lang siyang tumawa tsaka umiling tapos kinuha ang acoustic guitar sa gilid niya tsaka naupo sa upuan. Tinignan niya ko at tinapik yung upuan sa tabi niya kaya naman umupo ako dun kahit naguguluhan pa rin ako kung anong gagawin namin dito.

Nagsimula siyang magstrum sa gitara habang nakangiting sumusulyap sakin. Napakunot ang noo ko nang magsimula siyang kumanta

~I saw you on a Sunday in a café
And all you did was look my way
And my heart started to race
And my hands started to shake, yeah
I heard you asked about me through a friend
My adrenaline kicked in
'Cause I've been askin' 'bout you too
And now we're out here in this room~

Tumigil siya sa pagtugtog ng gitara at di inaalis ang tingin dun sa gitara na hawak niya.

"Hindi pa ba tayo babalik Henz?" tanong ko kay Henz dahil sa sobrang tagal na ng tahimik pagkatapos niya kumanta

Umangat naman ang tingin niya at ngumiti sakin














"Nagka-boyfriend ka na ba?"

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon