3.

654 13 4
                                    

Chapter Three

 

Pagkamulat pa lang ng mata ko, nararamdaman ko na yung sakit. Nakakainis naman kasi ‘tong lalaking ito eh. Walang awa kagabi, grabe. At kung anu-ano pang hindi kanais-nais na bagay ang ipinilit sakin. 

 

Bumangon na ako. Hinanap ko kung nasaan yung mga damit ko. Nang nakita ko na ay kaagad akong nagbihis. Lalabas na sana ako ng kwarto nang marinig kong magsalita si Matt.

 

“Where are you going?” tanong niya with a husky voice. Muntik na akong manlabot sa nakakaakit niyang boses. Humarap akong dahan-dahan sa kanya para hindi niya mahalata ang kaba ko. When I was already facing him, I almost drooled. He’s so damn smexy. Napamura ako ng malutong sa isip ko.

 

“Uuwi, malamang. Duh.” Pambabara ko sa kanya. Alangan namang sa kalye di ba? Muntik ko ng batukan ang sarili ko dahil sa taglay kong sarcasm na sadya namang wala talagang kwenta. Nakakainis.

 

“Ang sarcastic mo grabe. Tsk.” Sagot naman niya.

 

“I know. Jey Mendez at your service. Goodbye sire!” and then I mock salute.

 

“Hmm. I like your ‘at your service’ thing,” he winks. Para akong nakuryente sa klase ng ngiting iyon. “Really? Goodbye? Paano ka uuwi?” then he smirked. Damn. Oo nga. Hibang na talaga ako. Nasa kanya nga pala ang susi ng kotse ko.

 

“Uh, I don’t know?” sagot ko.

 

He chuckled. Damn, since when chuckling became sexy as hell?!

 

“Of course, hindi mo alam. Ihahatid kita mamaya, baby.” Baby? The hell with that endearment. Naiinis na talaga ako. Hindi dahil nakakairita siya, kundi dahil kinikilig ako. Alam ko naman dagdag lang ako sa koleksyon niya, pero hindi ko talaga maiwasan eh. Kahit sino naman sigurong babae ang attracted sa kanya, talagang kikiligin kahit nakasimangot pa siya.

 

“Bakit naman mamaya pa?” I asked him na walang ekspresyon para itago ang kilig na namumuo sa sistema ko.

 

“We need to eat and prepare, Jey. Gusto mong umuwi ng hindi naliligo?” He asked.

 

“Hindi naman ako mabaho eh. Saka wala akong extra clothes! Eat nalang pwede?” sabi ko.

 

“Anything for you, Miss Jey.” I mentally rolled my eyes. Kanina ‘baby’ ngayon naman ay ‘miss’? Pakiramdam ko ay pinaglololoko ako nito.

 

“Stop calling me ‘miss’. It’s creepy you know?” I said.

 

“Bakit anong gusto mo, mister? Kung magiging lesbian ka man, patitinuin kita.” Biro niya. At nandiyan nanaman yung ngiti niyang nakakakaba.

 

“Gross. Ako, lesbian? The fuck.” Now I rolled my eyes at him.

 

“Right. Sa ganda mong yan, magiging lesbian lang. Tsk.” Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Did he just say that I’m pretty and not hot? Nanlambot ang tuhod ko.

What Happens Under the MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon