Dedicated po sa iyo! <3
Chapter Four
I can hear my very own heartbeart. Napakabilis nito na tila isang ibong pilit kumakawala sa isang hawla.
Nandito ako sa tapat ng office ni Cervantes. Kanina pa nga ako nakatayo dito eh. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Papasok na ba ako kaagad o kakatok muna? ‘Di ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ako sa oras na ito.
Kakatakot na ako nang biglang bumukas yung pinto. Napamura na lamang ako sa isip ko. Pakiramdam ko ay hindi pa talaga ako handa, idagdag pa na nakakatakot talaga minsan yung aura niya.
“Balak mo bang patayin ang sarili mo sa sobrang ngalay? Magdadalawang oras ka na riyan.” I gulped. Hindi ko alam kung bakit alam niya. Buti pa siya. Gusto kong itanong, pero ayoko. Napailing tuloy ako sa iniisip ko. Ginugulo niya kasi ang sistema ko!
Tumawa ako ng mapakla. “Papasok na nga po eh, sir.” Gumilid naman siya, senyales na pinapapasok niya ako kaya pumasok naman ako. Hindi ako makatingin sa mata niya. Para kasing kinukuryente ang buong sistema ko.
Pagkapasok ay umupo na ako sa isa sa mga upuan roon. Narinig ko naman na isinara niya ang pinto ng office niya. Napalunok ako na parang isang estudyanteng first time ma-guidance dahil sa ginawang kalokohan.
Pumunta na siya sa desk niya, pagkatapos ay umupo na sa upuan doon. Nakatingin lang siya sakin. Nakakapaso at nakakatunaw na mga mata. Hindi ko talaga mawari kung ano ba talaga ang pakay niya. Wala pati akong natandaang ginawang masama sa kanya buong maghapon.
“Sir..” panimula ko.
“Jey.” Sagot lang niya. Napakaseryoso. Gusto ko tuloy siyang irapan, kaso mahirap na.
“What, sir?” I asked him na lang.
“I told you, call me Matt.” Sabi niya. Oo nga pala, inutos niya iyon. Dapat ay sanayin ko na ang sarili ko.
“Yes, Matt.”
Then an awkward silence came. Or ako lang ba ang na-aawkward? Siguro naman ay natural iyon sapagkat wala namang normal sa nangyayari sa amin sa kasalukuyan. But you loved what you did last night, am I right? Napangiwi ako sa sarili kong utak.
Dahil sa hindi kaaya-ayang atmosphere ay sinabi ko na lang ang unang bagay na pumasok sa utak ko.
“Siya pala si Michael. Ang sweet niya pala, grabe.” Basag ko sa katahimikan. At sweet naman talaga si Michael.—kay Danielle at Michelle. Ganoon din kaya ang parents ko dati? Siguro, kasi mga bata rin ang parents ko noong nabuo ako. Eighteen or nineteen lang daw sila noon.
Nawala ang lahat ng mga bagay na umiikot sa utak ko nang magsalita siya. “You can’t like him.”
What? Napakunot na lang ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong sinabing gusto ko siya, ah? At isa pa, may awa ako sa sarili ko. Ni-minsan hindi ko pinangarap na maging mistress o kerida. Wala rin sa isip ko ang sirain yung mag-aama. Napaganda kaya nilang tingnan, isang pamilya ng magandang lahi.
BINABASA MO ANG
What Happens Under the Moonlight
Genel KurguShe wrecked his car; he wrecked her innocence. She loved him; he doesn't know how to love. Lust is easy, love is hard. What will happen under the moonlight?