(1) 31, Jan.

1.1K 122 10
                                    

6:53pm

Hi Maine! Sorry ngayon lang
nakapag message sayo. Medyo nabusy
kasi kami ni nanay sa pag iimpake
ng mga gamit namin. Sorry din kung
hindi man lang ako nakapagpaalam
sayo na tatransfer ako. Pasensya na
talaga sa inyong lahat. Pati din naman
ako nagulat sa desisyon ni nanay pero
kailangan kung sumunod. Ayaw ko din
namang lumala ang alitan nila ni tatay.
Maine, salamat sayo ha? Salamat at kahit
sa huling mga araw ko dito ay medyo
naging mabait kana sa akin. Yun lang naman
ang hangad ko eh ang maging kaibigan kita,
diba? 😊

Pero aaminin ko, gustong-gusto talaga kita.
alam mo naman na ata yun pero
mukhang di pa tamang panahon para
ipagpatuloy pa to eh. Haaay, though medyo
nanghinayang talaga ako pero sige lang...
Darating ang araw na magkikita ulit tayo at
wala ng panahon pang makakapaghiwalay sa atin.

Dagat man ang pagitan natin pero asahan mong
mananatili ka dito sa puso't isipan ko.
Mag ingat ka ha? Wag mo ng pabayaan ang
sarili mo. Mag-aral ka ng mabuti tapos
wag ka ng bumusangot parati. Sayang ang
ganda mo. Mag palda at mag blouse ka
rin kung minsan, okay? Kasi maganda ka
panigurado pag nakaganyan. Mamimiss
kita Maine. I like you.

Gago ka!!! Late ka na nga nagtxt tapos
mamaalam ka lang pala? Wag ka ng
magpakita sakin kundi kakalbuhin
talaga kita.

Mamimiss ko talaga ang mga
banta mo sakin. 😔😔

Kailan ba alis niyo? Nakakainis ka!

Nasa pier na kami ni nanay pa
Manila, Maine.

Siraulo! Hindi ka man lang nagsabi.
Grabi ka sa akin Faulkerson! Isusumpa
talaga kita. Iiwan mo lang din
pala ako.

Ayaw ko na makita ka eh.
Mas mamimiss kita.

Nakakagigil ka!! Bwesit ka
pinaiyak mo ako!!

Hehe, alam mo kilig na kilig
pa din ako sa mga pagmumura mo
sa akin.

Gago ka talaga! Pagbalik mo
ipapa tadtad talaga kita. Tandaan
mo yan!!

Eeyt, hihintayin niya ang pagbabalik
ko. Hehe sige, hintayin mo ako ha?
Babalik ako. Babalikan kita.
Mamimiss kita, Maine.

Namimiss din kita, baliw!

Titibok-tibokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon