(1) 29, Nov.

1.6K 126 11
                                    

6:38am

Good morning, Maine!

Ang aga mo ngayon, ah.
Himala di ka na late. 😊

Pakialam mo!?

Uy, good morning too.
hihihi

Alam mo? Ang aga pa ha!
Nambubwesit kana.

Grabi, sinabi ko lang naman
na ang aga mo. Anong masama
doon? 😔

Ewan ko sayo.

Anyway, Maine may cochinta akong
dala para sayo... idadaan ko diyan
mamaya sa next class ko ha?

Nahihibang ka ba?! Ano ba talaga
ang gusto mo? Nakaka inis kana eh.

Gusto ko lang naman tikman mo
tong cochinta ko. Promise magugustohan
mo.

Di nga ako kumakain ng ganyan!

Iba nga kasi to. Malagkit tsaka
masarap.

Lakumpake!

Basta idadaan ko diyan mamaya. 😊
Sige. Class na kami!

What the heck, Richard!
May sira kaba sa ulo??! Pinadala
mo talaga? Nakakahiya ka!

Nakuha mo na? Masarap yan.

Hindi ko kakainin to.

Uy, masarap nga kasi yan eh.
Tikman mo. Kahit isa lang!
Please 🙏🏻

Yoko nga kasi! Baka ma
Food poison ako.

Hindi. Promise! Try mo lang isa.
Pag di mo talaga magustohan ibalik
mo sakin yan lahat. 😊

Ewan ko sayo!

Sige. Class na ulit kami. 😊

Uy! Ano? Masarap? Kita ko kinain mo.

Hindi masarap.

Ay ganun ba? 😔 sige, Kunin ko
nalang yan.

Ubos na.

Pinamigay mo na naman? Sabihan
mo mga kaklase mo tag 2php/pc.
bayaran nila!

Akala ko ba bigay mo lang?

Sayo, oo. Sa kanila, hindi.

Grabi!

Pinaghirapan ko kasing gawin yan
para sayo tapos ipapamigay mo lang
pala...

Aw.

Kunin ko bayad mamaya.
Quiz muna kami. Ingat! Bye.

•••
Nakatulog ako kagabi kaya di din sila nag asaran kagabi sa txt. Hehehe ✌🏻

Titibok-tibokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon