Hey guys!Pakilala muna ako sa inyo.Haha ok eto na....ok I'm done hahahahaha....Ok I'm serious so stop thinking that I'm crazy...yak paenglish-english pa ako eh sablay naman hahahaha.By the way,Ako si Klaire,isang simpleng estudyante lamang.Yeah!That's it....end of the story....hahahahaha jk.Ok umpisahan na natin ang ating kwento.
Klaire's POV
Nagreready na ako ngayon papuntang school dahil you naghihintay na ang akin service sa labas hahahaha as always naman.Kaya napapaisip din ako minsan hindi kaya nagsasawang kakahintay ang service ko kada umaga?Actually mga nasa 1hour sya naghihintay araw-araw kaya palagi na lang akong nasisigawan ng aking mudra...katulad na lang ngayon
"Klaire!!Bilisan mo!Kanina pa naghihintay ang service mo.Jusko naman!Hindi ka na nahiya"sabi ng mama ko.
Ayan na naman si mama.Monday na Monday,bibig na naman nya ang sasalubong sa akin.Badtrip naman oh!Nagaayos pa kasi dito...Hindi ko naman kasi kasalanan kung maaga dumadating yung service ko eh.Tss
"Opo!Sandali lang!"sigaw ko naman kay mama.
Pagkatapos magayos..
"Ma alis na po ako.Babye!"paalam ko kay mama.
"Wait!Sandali lang!Picturan muna kita at nang masend ko kay papa mo"sabi ni mama habang kinakalikot ang kanyang cellphone.
"Ano ba yan?Palagi na lang"bulong ko.
Wala naman na kong magawa kung hindi ngumiti na lang sa camera.
"Sige po alis na ko"paalam ko ulit.
"Sandali lang isa pa.Dun ka naman sa labas kasama yung bago nating halaman!Bilis at naghihintay pa yung service mo!"sigaw nya ulit.
Hay!Si mama talaga oh!...
Ganyan!Ganyan ang nangyayari samin tuwing umaga bago ako pumasok sa school.
At last!...
Nakarating narin ako sa school.Ayun ang aga ko na naman!Ang OA lang talaga ng service namin haha jk...pero ang tagal kong naghintay rin sa kasabay ko kanina ah..grabe!Kaya binabagalan ko eh hahahaha..K nevermind.
Pagbaba ko sa tricycle.Sinuot ko na ang aking bag.At lumakad na papasok sa aking school.
Wag kayo hindi namin first of class ngayon ah!Sadyang Monday lang talaga hahahaha.
Pagpasok ko sa school naabutan ko na ang isa kong kaibigan na si Nathalie.
"Hi Nathalie!"bati ko.
"Hi Klaire!"bati nya pabalik sakin.
Since hindi kami magkatabi dahil may seating arrangement kami na ginawa ng aming teacher at ang masaklap pa is lalaki pa ang katabi ko!Wow lang diba?As in WOW!!Ede wow!hahaha.
Maaga pa naman kaya lumapit muna ako kay Nathalie na nagbabasa ng wattpad.
Hay naku!Wattpad book agad ang hawak nyan sa tuwing umaga.Ano bang meron dun?
"Hi Alice"bati ko rin kay Alice na pinsan ko.Magkaservice kasi sila ni Nathalie kaya palagi ko silang naabutang dalawa dito.Aga nga nila palagi eh.Never ko pa yata silang nakita na na-late hahaha.
"Hi Klaire!"bati nya pabalik sakin.
Ganyan lang conversation naming tatlo haha jk.
"Anong binabasa mo Nath?"tanong ko.
"Ah 24:11"sagot nya.
"Oohhh...maganda?"tanong ko ulit.
"Oo pero sabi nila nakakaiyak daw,kaya nga gusto kong basahin yung part2 nya para maintindihan ko lalo"sagot nya ulit.
Hindi na lang ako kumibo dahil wala naman akong alam dyan.
Nagsidatingan na rin ang iba naming kaklase at syempre nandito narin ang dalawa pa naming kaibigan.
"Oh!Himala ang aga nyo?Haha"natatawang salubing namin sa dalawa naming kaibigan na palaging late.
"Wala lang.Hindi ako masyadong naghintay ng matagal sa kaservice ko eh"sagot naman ni Juliana habang inaayos ang kanyang bag.
Napatangi na lang kami ni Nath.
"Ikaw rin Jasmine!Anyare sayo bat ang aga mo?"takang tanong namin.
"Ah wala.Napagising lang ng maaga"tamad na sagot nya,sabay hikab.
Hindi na kami nakasagot sa kanya dahil nagbell na.
Nagtayuan na rin kami sa aming upuan para lumabas na.
"Tara!"aya namin sa isa't isa.
....
Buong mag-hapon lang kami nag-aral at syempre hindi makakalimutan ang assignment.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author' Note:Sorry guys😢kung maigsi lang ang aking update ngayon.Jusme anong oras na kaya haha!
BINABASA MO ANG
Being A Kpop Fangirl (Short Story)
Fanfiction'Sino sila?Bat magkakamukha?' Yan palagi ang tanong ni Klaire sa kanyang kaibigan na addict sa Kpop.Si Klaire lang naman ang babaeng walang kaalam-alam tungkol sa Kpop baka alam nya nga ang word na Kpop pero hindi naman nya alam kung anong meaning n...