Chapter 2: Ano yun?

2.4K 53 13
                                    

Klaire's POV

Ayun!Ginawa ko lang naman ulit ang aking morning rituals sa tuwing ako'y papasok sa school.

Nasa school na ko ngayon at patuloy parin sa pagsasalita ang aking teacher.

Haytss...grabe wala naman akong maintindihan eh.

Grabe sana mag-bell na.

At ayun nga natupad ang aking hiling *evil laugh*.

"Ok class.Dissmiss"sabi ni sir.

Ayun ang nangyari parang mga naka-wala na naman sa kani-kanilang mga preso ang aking kaklase.

Tumayo na rin ako para lumapit sa aking mga kaibigan.

"Tara bili na tayo"aya ko sa kanila.

Tumayo na rin sila.

"Anong tinda ngayon sa canteen?"tanong ni Nathalie.

"Ewan?Pero sa tingin ko sopas kasi Tuesday ngayon diba?"tanong ko.

Tumango naman sya.

Habang naglalakad kami may tumawag samin.

"Hoy!Hindi kayo naghihintay mga bwiset kayo!"sigaw nila Jasmine at Juliana.

Hahahahaha

"Ay akala namin naka-sunod kayo eh"natatawang sagot ni Nathalie.

Nagsitakbuhan na lang kami papunta sa canteen dahil humahaba na naman ang pila.

Habang nakapila kami naguusap lang kami ng kung ano-ano.

Bumili na lang kami ng kung anong hinanda sa canteen ngayong umaga at tagiisa-isang juice.

Pabalik na kami sa school ng may nagkakagulo.

Nagtaka naman kami.

"Anong meron?"tanong ni Jasmine samin.

Nag-kibit balakit na lang kami.

Pero napansin lang namin dahil tumitili ang mga babaeng kaklase namin at paulit-ulit nilang sinasabi na "Ang gwapo nya!".

Sino ba yun?

Kaya naman lumapit narin kami para tignan kung sino ang sinasabihan nila ng gwapo.

Pagdating namin may isa kaming kaklase na pinapakita sa iba naming kaklase ang kanyang notebook na may naka-print na mukha ata ng mga chinese?Ay hindi eto yata yung sinasabi nilang Kpop.

"Oh my god Jane!San mo nabili yan?!"sigaw ni Juliana.

"Matagal na to sakin"sagot naman ni Jane.

Dahil nagkaroon ng interest ang iba kong kaibigan nakitingin narin ako.

Naalala ko pala na mahilig rin si Juliana sa mga Kpop na yan!Nahawa na ni Jane..Jusme!Ano bang meron dun?Eh mukha lang naman silang bakla at magkakamukha lang!!

Habang tinitignan ni Juliana yung notebook is naki-tingin narin ako hahaha

"Patingin nga!"sabi ko kay Juliana.

Inabot naman nga sakin yung notebook.

At ayun nagsilapitan narin ang iba kong kaklase para tignan ang mga itsura nila.

"Sino to?"tanong ni Jasmine kay Jane.

"Ay si D.O"sagot nya na parang kinikilig pa.

Napatango na lang kami sabay tingin ulit sa notebook.

"Ang gwapo nya"sabi din ng iba naming kaklase.

"Crush ko na sya"singit ni Nathalie.

"Ako din"sabi naman ni Jasmine.

Ako naman ay pumipili narin kung sino ang pinaka-gwapo sa kanila.

"Jane sino to?"tanong ko kay Jane.

"Si Chanyeol yan"sagot nya na nakangiti.

Ano ba nakain neto bat ang daldal ngayon?At kulang na lang maging heart na yung mata nya sa sobrang kilig.Grabe!

"Akin yan!"sabat naman ni Shane.

"Akin kaya!"sagot ko.

"Wag ka!Ako nauna!"sigaw nya.

Hindi ko na lang sya pinansin.

"Jane sino gusto mo dito?"curious na tanong ko.

"Eto"sabay turo nya sa lalaki na may puti na buhok.

Ang pangit naman ng gusto nya.

Mas gwapo pa yung pili ko eh.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note:

Oh my God!Nakakamiss yung moment na to huhu...grabe muntanga ako dyan nun wala talaga akong alam about kpop hahahaha!

Miss you guys!

Being A Kpop Fangirl (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon