Hindi tinigilan ng batang babaeng nagngangalang Olivia ang isip ko buong gabi. Lalo pa noong nalaman kong ang karugtong pala ng aking kwarto ay ang kaniyang kwarto rin. Tinanggap ko ang alok ni Mrs. Laroza. Isa pang maganda dulot nito ay ang mas mura kong bayad sa upa; ang dating limampung piso kada buwan ay naging tatlumpung piso na lamang.
"Huwag kang mag-alala, kapag may tenant akong hindi nakapagbayad sa loob ng isang buwan, paaalisin ko na lang agad para ikaw ang pumalit." Ngumiti ito sa akin.
Tumango na lang ako sa sinabi niya, kahit sa loob ko gusto kong sabihing ayaw ko at gusto ko na rito, isang bubong kasama si Olivia.
Pasado ala una na ng madaling araw, may lakad pa ako ng alas nueve kinabukasan sa unibersidad na inalok sa akin ni Pancho. Pero heto pa rin ako at paikot-ikot sa kama, sinubukan kong hanapin ang pwesto ko para makatulog at pansamantalang hindi isipin ang magandang mukha ni Olivia ngunit walang nangyari.
Ano kayang ginagawa niya? Tulog na kaya siya?
Tuluyan na akong nainip sa sarili kaya naman naisipan kong sumulat. Tumayo ako mula sa kama at tumungo mesang may habang tatlong metro at apat na metro ang lapad. May maliit na mga kabinet ito sa gilid kung saan ko nilagay ang aking talaarawan.
Agosto 18, 1956
Sabado, 1:26 am
Hindi mapamarisan ang kaniyang ganda. Mapupula ang kaniyang labi at itim na itim ang nakatirintas niyang buhok, bagay na bagay sa kaniyang mala rosas na kutis ang puting bardot na kaniyang suot.
Siya ang sinag ng araw sa umaga, masarap sa pakiramdam kung ika'y madadampian. Siya rin ang sinag sa ika-3 ng hapon, maaaring maging masakit at nakapapaso...ngunit isa akong ginoong sabik sa init at liwanag.
Kinaumagahan, alas syete y media, inaya akong mag-almusal ni Mrs. Laroza. Hindi naman ako tumanggi dahil nakakahiya. Wala si Olivia. Hindi naman na ako nagtangkang mag tanong kung na saan siya, hinayaan ko lamang na mag kwento ang ginang tungkol sa mga bagay na hindi naman ako interesado. Kunwari lamang akong nakikinig at patango-tango.
Makaraan ang kalahating oras, umalis na ako tungo sa unibersidad na sinabi sa akin ni Pancho.
Isang taon na ang nakalipas, isang guro sa Ingles si Pancho rito at mayroon siyang nabuong koneksyon sa unibersidad kaya naman nang irekomenda niya ako'y agad na pumayag ang unibersidad.
"It isn't only because Mr. Pancho Rodriguez has reffered you to us, your records are good and clean." Sabi sa akin ng interview matapos ang pormal naming interbyu.
Nang araw na iyon sinabihan akong maaari na akong magsimula sa makalawa. Lunes.
Tanghali na noon kaya naisipan kong maghanap muna nang makakainan. Tama nga ang sinabi ni Pancho, malapit ang paupahan ni Ginang Laroza sa lahat. Unibersidad, pasyalan at maging kainan.
Matapos kong kumain, iniwanan kong naka-parada ang aking sasakyan sa harap ng kainan tsaka naglakad patungo sa parke malapit doon. Dala-dala ang aking talaraawan.
May mga kabataang naglalaro doon, parehong babae at lalaki. Ang ilan ay kasama ang kanilang mga magulang. Ang iba'y nagpi-picnic sa damuhan. Suminghap ako sa ginhawang hindi lamang dulot ng kalikasan, ngunit pati ng masarap na samyo ng mga batang babaeng nagliliwaliw.
Umupo po ako sa isang bench. Nagmuni-muni. Ilang taon kaya ang itatagal ko dito sa Maynila? Magiging maayos rin ba ang buhay ko gaya noong nasa Cebu ako? Saan naman kaya ako sunod na pupunta?
Sa kalagitnaan nang aking pagmumuni-muni ay nahagip nang aking mga mata ang pamilyar na bardot ngunit ngayo'y kulay dilaw ito. Isang mahabang pleated palda ang suot niya pang-ibaba, kapansin-pansin ang kaiklian nitong may isa o dalawang talampakang ibabaw ng kaniyang tuhod. Nakatirintas pa rin ang kaniyang itim na buhok at nakapaikot ito sa kanyang ulo. At ang kaniyang ngiti'y nakapagpapatunaw pa ng kalamnan sa kabila nang malamig na panahon.
At ang huli kong natanong sa sarili, nais ko pa nga bang lumisan?
May kasama siyang mga kabataang babae. Nagtatawanan sila at nagkukulitan gaya nang ibang kabataan, 'di hamak nga lang na mas matanda sila sa iba.
Nanatili akong nakatitig, nagmamasid at nagpapakasasa sa sayang nararamdaman ko sa presensya ng aking Olivia.
Maya-maya lamang ay dumayo ang direksyon ng mga mata niya sa akin. Bumilis ang tibok nang aking puso ngunit hindi ko alam kung anong reaksyon ang aking ipakikita kaya nanatili akong nakatingin. Nginitian niya ako at doon ay hindi ko na napigilang kumurba ang aking mga labi pabalik sa kaniya.
Inakala kong lalapit siya sa akin dahil tanda nang pagkilala ang kaniyang pag ngiti sa akin, ngunit hindi. Ilang sandali lang ay lumisan na rin sila.
Bahagya akong nadismaya ngunit sa tuwing naiisip ko ang kanyang pag ngiti'y mas namumutawi sa akin ang ligaya.
Napapikit na lamang ako sa sari-saring imahimasyon na pumapasok sa aking isip. I shoudn't be thinking about Olivia this way. Sabi ko sa sarili.
Pinili kong magtagal sa parke, ayoko munang umuwi dahil baka pauwi rin si Olivia, ayaw ko muna siyang makita at baka hindi ko na mapigilan ang sariling kong halikan ang mumunti niyang labi.
Agosto 19, 1956
Linggo
12:30 pmNakita ko siya sa parke, kung saan tinunaw niya ako ng kanyang mga ngiti sa kalagitnaan ng malamig na panahon. Unti-unti na akong mas nasasabik sa presensya ng sensasyong dulot niya.
Gusto ko siyang lapitan, haplusin at hagkan. Marami akong gustong gawin kasama siya, sa kaniya...ngunit hindi naman ako makagalaw kapag naroon na ang pagkakataon.
"Anong sinusulat mo?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang isang tinig na unang beses ko pa lamang narinig ngunit kilalang-kilala ko na. Malamyos ngunit may pagka-matinis.
Napalingon ako sa kaniya, na noo'y nakatayo sa likuran ng bench na akinh inuupuan. Nakapalumbaba ito at nakadantay ang dalawang siko sa upuan.
Narinig ko ang kaniyang hagikgik nang makita ang reaksyon ko.
"Ano....talaarawan." Hindi ako nagsinungaling, hindi ko yata talaga magagawang magsinungaling sa kaniya. Agad kong isinara iyon at hinawakan nang mabuti.
"Oh, bakit ka tumigil?" Tanong nito tsaka tumabi sa akin.
Sobrang lapit namin at nararamdaman kong magkadikit ang aming mga braso. Palihim akong nagpasalamat sapagkat hindi ako nag-suot ng maikli ang manggas. Dahil kundi ay mamumuo ang pagnanasa sa akin.
"Sige, magsulat ka lang." Sabi nito. "Hindi ako titingin." Tinakpan niya nang kaniyang mga palad ang kaniyang mga mata ngunit may iniwan siyang siwang upang silipan. Humahagikgik niya itong ginawa.
Nangiti ako sa saya. Pinaghalong rosas at pawis ang kaniyang amoy. Hindi ko mapigilan hindi lasapin ang bawat sandaling kasama ko siya, mula sa kaniyang aroma at magandang mukha at ligayang dulot niya sa akin.
Nais ko sanang gugulin ang natitirang oras para makasama siya, maaari pa naming angkinin ang maghapon at umuwi ng alas singko ngunit mag-aaya pa lamang sana ako'y tinawag na siya ng kaniyang mga kasamang babae muna kanina.
Walang anu-ano pa't bigla na lamang siyang nawala sa aking paningin.
YOU ARE READING
olivia
Romanceligaya sa pagitan ng lungkot kapunuan sa pagitan ng kawalan kalinisan sa pagitan ng kasalanan ikaw sa pagitan ng ako