Chapter 1

8 1 0
                                    

Third Person's POV

Nagmamaneho ngayon si Riley. Samo't saring emosyon ang kanyang nararamdaman, sakit, galit, pinipigilan niya ang luha niyang tumulo ngunit sadyang ayaw mag papigil ng kanyang mga mata.

Riley Sandoval, lalaking kilala pag dating sa mundo ng showbiz. Lalaking pinagpipilahan ng mga babae ngunit sa kabila noon ay nabigo pa rin siya sa pag-ibig. Akala niya si Margarette na ang babaeng para sa kanya ngunit nagkamali siya.

Kaarawan niya ngayon, nagiintay siya ng sopresa mula sa kasintahan at sadya nga naman siyang nasopresa sa inihanda nito...

Nakita ni Riley ang kasintahan niyang nakikipagtalik sa iba. At ng komprontahin niya ito ay sinabi lang sa kanya ng dalaga ang mga katagang 'Ginamit lang kita para sumikat, at ngayong naabot ko na ang nais ko pwede na kitang iwanan'

Dahil sa walang tigil na pagtulo ng luha ni Riley hindi niya namamalayang may truck na pala na makakabangga sa kanya. At sa isang iglap napuno ng liwanag ang lahat at patak ng ulan ang buong paligid. Sa isang iglap din ay dumanak ang dugo sa loob ng dalawang sasakyan.

"Hello po? Haiz Hospital? May aksidente po ngayon sa Twin Bridge" ani ng isang di kilalang babae.

Ilang minuto lang ng dumating ang tulong at nadala na sa hospital ang tatlong critical na pasyente. Si Riley, ang pahinante ng truck at ang nasa passenger seat nito.

Pag kadala sa kanila sa hospital ay agad na inoperahan ang mga pasyente. Ngunit ang isa ay namatay, ang isa ay commatose at ang isa ay hindi stable ang lagay.

"How's my son?" Pambungad na tanong ng isang ginang pagkalabas ng doctor sa emergency room.

"I'm sorry to say but your son ma'am is in state of comma"

"Doc Hastely, si Kaitlyn po hinahanap kayo" sabi ng isang nurse. Nginitian naman ito ni Hastely.

Sa gitna ng paghagulgol ng ginang ay nagawa pa ring magpaalam ni Hastely.

"Hi Kaitlyn, may problema ba tayo?" Tanong ni Hastely sa batang pasyente pag kadating nito sa kwarto niya. Kaitlyn Finn, ang kaunaunahang pasyente ni Hastely. Madalas ito sa ospital dahil sa pagiging sakitin nito.

Inaangat ni Kaitlyn ang kanyang kamay na noon ay nasa ilalim ng kumot.

"Ate Hastely, may lumabas nanaman pong dugo" natatakot na saad ng bata.

"Naglikot ka nanaman ng sobra no?" Saad ni Hastely at naupo sa kama kung saan maaayos niya ang mga dugong lumabas sa dextrose.

Malapit ang loob ng dalawa sa isa't isa dahil simula ng maging doktor si Hastely at simula ng maging pasyente niya si Kait ay nagkapalagayan na agad sila ng loob.

"Ate, nakita ko yung nangayri sa tv. Siya yun diba?okay na ba siya?" Inosenteng tanong ng batang pasyente. Minamasahe na ngayon ni Hastely ang buhoy ng bata.

"Oo siya nga yun. Kaso comatose siya" malungkot na saad ng dalagang doktor.

"Comatose? Ibig pong sabihin tulog siya? Matutulog ba siya ng matagal ate?"

"Hindi ko pa alam e" nginitian niya ang bata."Minsan dalawin natin siya doon ha?"

"Sige po" nagkwentuhan lang ang dalawa. Ganito lagi ang ginagawa nila kapag naoospital si Kait. At kung wala namang ganoong emergency sa hospital.

Hastely Kathrine Gomez, bata pa lamang siya ay pinangarap niya ng maging doctor. At pinag-igihan niya ang kanyang pagaaral para makamit ito. Para sa sarili niya at sa pamilya niya. Ngunit para rin maging katanggap tanggap siya sa pamilya ng lalaking kanyang matagal ng iniibig.

Hindi nga lang inaasahan ni Hastely na ganito ang kanilang magiging unang pagkikita...

INAMORARSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon