ii

16 0 0
                                    

 Tatlong subject na ang nakalipas at ako heto tulala pa rin. I decided to text my mom.

To: Mommy.

Mom, should I stop studying? It's useless na rin naman.

Message sent!

I sighed and put my phone in my pocket. Bakit pa nga ba ako nag-aaral? Dapat nageenjoy na lang ako? Dapat ginagaya ko yung sa mga movies na merong bucket list at ieenjoy ang natitirang araw nila together with their loved ones. Pero sino naman ang magiging kasama ko kung ieenjoy ko ang natitira kong araw? Si Jaziel? Nah, I bet he would just kill himself rather than being with me. Alam mo naman yon. Ni wala ngang pakialam na mamamatay ako, samahan pa kaya ako sa isang adventure before my death. 

'What if si Axel? But he doesn't know my condition yet.' Sabi ko sa sarili ko habang napatingin sa direksyon niya. Nakapikit lang siya habang may nakasalpak na earphones sa tenga niya. 

Alam niya lang na may sakit ako and nothing more. Gusto kong ipaalam sa kaniya kaso natatakot ako sa magiging reaction nya pero I need Axel's help to fullfill my plans kaya napagdesisyunan kong sabihin sa kaniya ang kalagayan ko kapag nakahanap na akong vacant time para kausapin siya ng masinsinan. 

"Ms. Jarvis, I was calling you for the nth time. Aren't you going to answer my question?" Sigaw ni Miss sa harap. Ohmy! I forgot na meron palang teacher. Shocks.

"Pardon Miss, my head hurts po. What's your question again?" pangangatwiran ko.

"What is the full name of Rizal's parents?" ani ni Ma'am.

"Teodora Morales de Quintos Alonso Realonda and Francisco Engracio..." Nanaigas ako nang mamental block ako. Shit, ano nga ba ulit yon?

"Alejandro Mercado, Rizal." Sigaw ni Axel. Habang nakatingin sa direksyon ko. "I got you babe." Bulong niya. Namula naman ako sa sinabi niya. Jusko Axel, may asawa na ako! Pero ohmygosh.

"Okay, next time Ms. Jarvis, wag basta bastang tumulala, remember you're in a class. Mabuti na lang at andiyan si Mr. Montemayor." Napatango naman ako sa sinabi ni Miss pero I can't hide the fact na kinilig ako sa sinabi ni Axel. He got me daw at may babe pa. Ahh, Axel. You make my heart jump. 

—— 

 After two and half hours, finally, it's break time. Pinuntahan ko agad si Axel para kausapin siya ng masinsinan about sa kondisyon ko. "Come with me, Axe. I have something to tell you." Napakunot naman ang noo niya pero bago siya makapagsalita, hinila ko na agad siya para pumunta sa tambayan namin na dalawa lang kaming nakakaalam. Ilang hallway, rooms at mga puno pa ang dinaanan namin bago marating ang tamabayan naming dalawa. 

Dalawang buwan na rin simula noong last na pagtatambay namin dito. Lagi na kasi akong nasa hospital, I thought hindi malala yung sakit ko. Kamatayan na pala ang effect ng illness na to.

"Hey hey sweetie, slow down. May sakit ka pa naman, ayokong napapagod ka. Nasasayang ganda mo." Pinalo ko agad siya ng marahan at sinabihan ng, "Asus, bolero." Kaya napangiti siya. Kahit kelan talaga ton si Axel. Hindi mo alam kung kaibigan mo ba to o jowa mo na. 

"Anyway, ano nga pala yung sasabihin mo?" Umupo muna kaming dalawa at nagkatinginan ng mga dalawang minuto bago ko hanapin ko yung findings ni Dra. tungkol sa sakit ko. I immediately gave him my ultrasound, my x-ray, my MRI at lahat ng mga papel na maaaring magpaliwanag kung anong sakit ang meron ako. Seryoso niya itong binasa isa-isa at hindi ko naman napigilan ang matawa habang pinagmamasdan siya kasi he looks so adorable.

Namutla siya matapos basahin ang huling diagnosed sa akin ng doktor ko. "Tell me, your doctor is lying." Seryoso niyang sambit. Habang napatingin muli sa mga papel at iniisa-isang basahin."Nah uh, she's not." Nakangiti kong sabi. "What the fuck??? You aren't dying. These are just fake papers!" Sigaw niya kaya naman napapikit ako sa gulat. Napahilamos naman siya ng mukha at napasambunot ng buhok. "Damn it." Ilang minuto kaming nanahimik bago ko tinuluyang basagin ang katahimikan.

"I'm sorry Axel, alam ko masyadong biglaan pero wala eh. Kahit ako nabigla rin sa mga sinabi ni Doctor but I have to accept the fact na hanggang doon na lang talaga ang buhay ko at hindi na yun mababago." Ani ko. "Last year lang ang lakas lakas pa ng katawan ko. Kaya ko pang makipagsabayan sa mga batang makipag-laro ng larong kalye sa labas pero ngayon? Parang everything fell. I've lost my energy, maybe meron pa pero hindi na gaya ng dati na lively." 

"But I have a favor to ask. Please help me na mawala na yung galit sa akin ni Jaze bago ako mawala. You know how much I love that guy, Axe. You know what I went through para lang hindi na siya magalit sa akin pero walang epekto ang lahat ng iyon. Siguro mas magwowork out kung tutulungan mo ako." dagdag ko habang nakayuko. 

50 50 ako sa favor ko sa kaniya dahil alam niya namang barumbado at tarantado talaga si Jaziel. Hindi marunong magseryoso, napaka-bugnutin at para sa kaniya, wala lang akong kwentang babae. 

"What? No way, that's impossible!" Natatawang sambit niya. "Masyado ka nang martyr, Leizerie. Sinasaktan mo na ang sarili mo para lang sa ganiyang bagay. Why don't you just get a divorce?" Suhestiyon naman ni Axel. "Then hindi ako magiging masaya bago ako mamamatay. Axel, nahihirapan akong mapawala ang galit niya pero mas mahirap kung hahayaan kong may namumuong galit pa rin sa puso niya kahit naka-himlay na ako. Tsaka, I also want to try to be loved by him. Is that too much?" Pangangatwiran ko naman. 

'Maybee too much nga ang hinihingi ko sa kaniya. Kahit siya ay hindi rin alam kung dadating pa ba sa point ng buhay ni Jaziel na makikita niya yung worth ko bilang isang tao.' 

He sighed out of frustration. "Fine fine. But allow me to make you happy before.. before.." He bit his lips bago niya masabit yung salitang iyon. I hugged him. "Sure. Oh quits na tayo ah? Nag-ask ako ng favor at ikaw din nag-ask ng favor sakin. Basta ha?" I smiled genuinely na siyang nag-chuckle sa kaniya. Actually, I'm happy na merong tao na mayroong care para sa existence ko. I thought wala na e. My parents are too busy with their work while Jaziel is too busy cheating with his girls. Masaya na ako fact na Axel will never leave me no matter what happen pero mas sasaya ako kapag mawala na yung galit sakin ni Jaziel na halong ilang taon niyang kinimkim. 

Jaze, matututunan mo rin akong mahalin at patawarin. Maybe not now but soon. 

100 Days LeftWhere stories live. Discover now