TRADE 5

831 42 32
                                    

Third Person's POV

"Allyson..." May lumbay na saad ng kung sino habang hawak nito ang isang larawan.

ALVEAR

"Anyway, thank you for buying these, Ma." Masayang sabi ko kay Mama na nakatingin sa akin.

Alam ko ang tingin na iyon ng kanyang mga mata.

"Al—" Kaagad kong pinutol ang sasabihin ni Mama dahil alam ko kung saan tutungo ito.

"I'm gonna eat these in my room." Sabat ko bago ko kunin ang iba't ibang plastic at paper bags na may iba't ibang tatak. "Bye!" Paalam ko bago ako mabilis na naglakad papalabas sa kitchen.

...

Pabagsak kong ibinaba ang mga dala ko sa isang mesang gawa sa transparent na salamin.

Have I mentioned it already?

Sa akin pala ang isa sa dalawang veranda sa bahay. Kadugtong kasi ng kwarto ko ang veranda.

[A/N: Oh, pasensya na ah. Uunahan ko na kayo, mahilig talaga ako sa veranda.]

"Bakit naisip ni Papa na bilhan ako ng tissue? Para saan?" Tanong ko sa sarili ko bago ako umupo.

"It's not that I'm really hurt because of that news." Dagdag ko bago ko kunin ang box ng pizza at buksan yun.

I immediately took one of the slices and ate it.

Did my parents actually think that I'd be hurt?

I smiled at the thought.

"As if I will." Natatawang sabi ko bago ko kinuha ang isang cup na naglalaman ng soda.

But how are the two of them now?

"Ugh! Why would you ask that, Allyson?" Sabi ko sa sarili ko bago ako umiling ng ilang beses. "Kailangan ko nang mapaglilibangan." Dagdag ko bago ako tumayo.

I grabbed the box of pizza and the cup of soda bago ako maglakad palabas ng kwarto ko.

Mamaya ko na uubusin ang iba.

...

"Oh, anak." Sabi sa akin ni Mama nang makita niya ako. Naabutan ko siya sa kusina, I think she's preparing the ingredients. Hindi ko lang alam kung ano ang iluluto niya.

"What are you going to cook, Ma?" Sabi ko bago ko ilapag ang baso at box ng pizza na hawak ko sa table na gawa sa bato.

Naka-fix na iyon, at naka pwesto sa gitna ng kusina. It also has a sink, plus some of the kitchen tools.

"I won't cook, your Dad will. Iluluto niya ang signature dish niya kaya wag ka munang magpapaka busog." Sabi sa akin ni Mama bago siya tumalikod para kumuha ng mga seasonings sa isa sa mga cabinets.

"Hmm, intriguing." Natatawang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sa akin si Mama.

"Buti bumaba ka? Ipapatawag na lang sana kita kapag tapos na ang Dad mong magluto." Tanong sa akin ni Mama.

"Magtatanong lang sana ako kung may car ako dito?" Sagot ko.

Napatingin naman sa akin si Mama, "at saan mo naman balak pumunta?" Tanong niya.

"Maglilibot po sana?" Sagot ko.

Umiling sa akin si Mama, "no. Baka maligaw ka pa." Sabi niya.

I sighed, "Ma, I want some distractions and I think, I need to buy some clothes." Sagot ko.

Nanlaki naman ang mata ni Mama, "Allyson, ang dami mo nang dalang damit! Sana iniwan mo nalang ang mga dinala mo kung bibili ka din pala." Sabi niya sa akin.

I sighed again, "bukas ka nalang umalis, I will ask the driver na i-tour ka muna para makabisado mo ang daan and after that, pwede ka nang mag-drive." Dagdag ni Mama, "at tyaka wala pa yung car na binili ng Dad mo for you." Pahabol niya bago siya lumapit sa akin at kumuha ng isang slice ng pizza.

"Okay, Ma." Sabi ko nalang. Tumango naman siya sa akin.

...

Tomorrow came fast and I am inside our van, waiting for our family driver.

Gaya nang sabi ni Mama sa akin kahapon, ngayon ako magpapaturo sa driver namin para kabisaduhin ang daan at pasikot-sikot sa lugar na ito.

And I find this important kasi, matagal din akong nawala sa Pilipinas.

"Good morning po, Sir. Ako po ang magg-guide sa inyo." Sabi ng isang binata matapos nitong sumakay sa van.

Kaagad naman akong natulala, bakit parang masyado siyang bata?

Don't get me wrong, I was just shocked.

Usually, the drivers in the Philippines —not that I'm judging— are old. Pero this one, iba siya.

Bata pa siya, and if I'm not mistaken, halos kasing edaran ko lang siya.

"G-Good morning, I'm Alvear." Bati ko sa kanya.

"Carlo po, Sir." Sabi naman nito bago ipasak ang susi at paandarin ang van. "May gusto ho ba kayong puntahan? Para habang itinuturo ko po ang daan ay mapuntahan din po ninyo ang gusto niyong puntahan." Tanong nito sa akin.

"Don't say 'po' to me, Carlo. I'm sure naman halos magka edad lang tayo." Halos mataray ang tonong sabi ko, kaagad ko namang na-realize yun kung kaya't sinegundahan ko, "don't get me wrong, medyo awkward lang na nagpapa-po sa akin yung ka-edaran ko, even though saying 'po' is sign of respect." Paliwanag ko.

"J-Just call me Sir or Alvear. Either of the two." Dagdag ko.

"Okay, Sir Alvear!" Masayang sabi naman nito, not bothered by what I said.

I sighed, "okay, let's go. I want to go to the mall first." Sabi ko naman sa kanya. "Will it take long? I mean, the trip. Matagal ba?" Pahabol na tanong ko.

"Hindi ako sure, Sir. Depende ho siguro sa traffic, kaya sana walang traffic para mas mabilis ang byahe." Sagot nito.

"Put on your seat belt, don't forget." Paalala nito na siya namang ginawa ko.

Matapos nun ay umandar na ang van.

I hope this trip would make me feel relaxed.

...

IT TOOK us half an hour to arrive at the mall. When Carlo parked the van, kaagad kong inalis ang seat belt ko at binuksan ang pinto ng van upang bumaba.

"Carlo, hintayin mo nalang ako dito. I'll just buy some stuff for me." Utos ko na siya namang tinanguan niya.

Seeing that, I immediately turned my back against him para pumasok sa mall. Kaagad kong kinuha ang phone ko at ini-on yun upang makita ko ang note na ginawa ko.

That would serve as my list.

"Let's grab some sweets." Sabi ko nang makita ko ang unang bagay na nasa listahan ko.

It was ice cream.

...

SAMANTALA...

"WHO the hell created that news!?" Galit na tanong at sigaw ni Conan sa loob ng kanyang opisina.

A/N: Ayan naaaaaaaaaaa!

The Last TradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon