Wala ako sa sariling tumingala at pilit n tinanaw ang mataas na sikat ng araw. Humugot ako nang isang malalim n buntong-hininga at bigong nagmasid sa aking paligid.
Kung kailan ka naman talaga nagmamadali?! Saan ba nagpunta ang batang 'yon?!
Inis kong dinukot ang cellphone, pero agad ding namang nadismaya nang mapagtantong empty bat iyon.
Shit.
Kailangan kong tumawag. Ayokong ubusin ang oras ko paghahanap sa isang galang teenager na hindi matahimik sa isang tabi.
Naglakad ako at nagdesisyong puntahan ang opisina ng simbahan. May kakilala naman ako roon at hindi naman suguro nakahihiyang makitawag.
Nang makita ang nakabukas na pinto na tila opisina ay dali-dali akong sumilip sa loob.
"Tao po! Tita Marie... "
Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang taong tinatawag ko. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makilala ako.
"O, bunso, anong kailangan mo?"
"Ta, puwede po bang makitawag? Hindi ko kasi makita ang kapatid ko. Ang init maglakad."
"Sana kasi tinalian mo nang hindi gala nang gala," natatawang aniya kasabay ang ilang beses na iling.
"Hayaan n'yo po at gan'on na ang gagawin ko sa susunod. Akala yata kasi niya si Dora siya."
Agad naman siyang natawa sabay turo sa landline phone.
"Pasensya na po talaga sa abala."
"Sus, 'di ka naman iba."
Tumango ako at agad na naglakad palapit sa telepono.
Saktong pag-angat ko noon ay ang pagpasok nang isang gwapong lalaki na nakasuot ng jersey.
Agad din naman siyang napatingin sa akin at base sa hitsura ay para bang kinikilala niya ako.
Mabilis din naman akong nag-iwas nang tingin upang ikubli ang malakas na kalabog ng puso ko.
Ang gwapo niya!
Hindi ko pa man natitigan nang maayos ang kanyang mukha ay alam kong gwapo talaga siya!
"Hijo, ipaghain na ba kita?" tanong pa ni Tita Marie.
"Maya maya na po. Magpapahinga muna ako," malumanay na sagot pa niya. Ultimo boses ay gwapo!
Ay naku, ang agang lumandi, Iyana!
Nagtipa ako ng numero sa telepono at agad din namang tumunog iyon. Hindi nagtagal ay sumagot iyon at hindi ko napigilan ang pag-alsa ng boses ko.
"Ang gala mo talaga babaita ka! Saan ka pa ba nagpunta?! Uuwi na tayo!" inis na sita ko pa at wala sa sariling namaywang na akala mo kaharap ko lang ang kausap ko sa telepono.
(May binili lang akong gagamitin ko sa school. Ikaw nga itong biglang nawala. Nagtext ako sa'yo, 'di ka naman sumasagot,) katwiran pa niya.
Kasalanan ko pa ngayon! Mahusay!
"Bilisan mo!" inis na sabi ko pa sabay angat nang tingin. At ganoon na lang din ang gulat ko nang masalubong ang tingin nang gwapong lalaki. Kunot ang kanyang noo at diretsong nakatingin sa akin.
Shit. Ang lakas yata ng boses ko.
Nahihiya akong tumango sa kanya at muling nag-iwas nang tingin. Kahiya hiya!
"Hihintayin kita rito sa harap ng simbahan. Dalian mo. Magluluto pa ako."
(Oo na!) sagot din naman niya sabay putol sa tawag.
Tingnan mo ugali n'on.
Inis kong ibinaba ang telepono at malalim na bumuntong hininga. Nang muli akong mag-angat nang tingin ay muli kong nasalubong ang magagandang mga mata na iyon.
Nakakunot man ang kanyang noo ay hindi pa rin nabago noon ang gwapo niyang anyo. Medyo tsinito ang kanyang mga mata na nalalatagan nang mahahabang pilik. Binagayan din iyon nang katamtamang kapal ng kilay na tila ba perpektong iginuhit. Matangos ang kanyang ilong at mapula pula ang katamtamang kapal ng mga labi. Maliit din ang kanyang mukha na bahagya mang pinagpapawisan ay hindi pa rin maitatago ang mamula mula niyang mga pisngi. Maging ang katawan niya ay athletic ang dating. Hindi man kalakihan ang mga muscles ay hindi rin maikakailang alaga sa ehersisyo.
He was drop dead gorgeous.
Ano kayang ginagawa niya sa simbahan na 'to? Parang ngayon ko lang siya nakita.
"Pasensya na po. Nakitawag lang. Napalakas po yata ang boses ko," paghingi ko nang paumanhin.
Agad din namang nawala ang pagkunot ng kanyang noo bago marahang tumango.
"Ayos lang," simpleng sagot niya habang diretso pa ring nakatitig sa aking mukha.
"Salamat nga po pala. Lalabas na ako," paalam ko agad.
Masyado kasing nakaka-concious tumitig.
Tumango lang naman siya at tipid na ngumiti.
Higit pala siyang mas gwapo kapag nakangiti!
"Sige po..."
Tipid akong ngumiti habang ang mga mata niya'y pirmes pa ring nakapako sa akin.
Bakit ba gan'on siya makatingin.
"Um..." Mabilis pa siyang nakahakbang palapit sa akin at awang ang labing tumitig sa aking mukha.
Para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya mailabas labas.
"Po?" nagtatakang tanong ko pa habang nakatingala sa kanyang perpektong mukha.
Matangkad siyang lalaki at halos hanggang balikat lang niya ako.
Nagkamot siya ng ulo at naiiling na ngumiti.
"This is crazy..." halos paanas pang sabi lang niya sabay hilamos sa kanyang mukha.
"Huh?" Hindi ko naiwasang magkunot-noo.
"What's your name, Miss?" tanong pa niya.
Nagtataka man ay sinagot ko pa rin iyon.
"Iyana po..."
Ilang saglit siyang natigilan habang titig na titig pa rin sa aking mukha.
"Iyana..." marahang bigkas pa niya sa aking pangalan. "Beautiful name..." nakangiting aniya. "Kasing ganda mo..." dugtong pa niya na nakapagpagulat nang husto sa akin.
"I'm sorry about that..." nahihiyang aniya kasabay nang pamumula ng kanyang mukha. "This is crazy..." iiling-iling pang aniya bago nagmamadaling tumalikod.
Anong nangyari roon? Pero nagandahan siya sa akin? Ang haba ng hair mo, Iyana!
Lutang akong lumabas ng opisina at halos mapatalon ako nang biglang may kumalabit sa likod ko.
Si Tita Marie pala!
"Nakita mo na kapatid mo?" nakangiting tanong pa niya.
"Parating na po. May binili lang na gamit sa school. Salamat po pala."
"Walang anuman iyon. Ano ka ba," nakangiti pang sagot niya sabay tapik sa aking balikat.
"Tita, sino 'yong lalaki sa opisina kanina?" simpleng usisa ko pa.
"Bakit?" nangingiti pa niyang tanong. "Crush mo 'no?" nanunukso pang dugtong niya.
Ngumuso ako at naiiling na ngumiti.
"Medyo. Ang gwapo po, e. Parang ngayon ko lang siya nakita rito?"
"Hay naku. Wala kang pag-asa riyan Iyana," iiling-iling pang aniya.
"Bakit naman po? May asawa na po ba?"
"Mas malala pa diyan," naiiling pang sagot niya.
"Magpapari si Alex..."
********
A/N:Sino rito may karanasang na-inlove sa ganitong lalaki? At ano nangyari?
#ShareKaNaman
![](https://img.wattpad.com/cover/137150819-288-k421873.jpg)
BINABASA MO ANG
Laman ng Panaginip ni Deandoy
RandomIto ang mga weirdo kong panaginip. Mai-share ko lang naman. Walang pilitan sa pagbabasa. 😂😂😂