Red Eyes

825 17 1
                                    

Nasa kahimbingan ako ng pagtulog nang biglaang magising. Ilang beses akong kumurap-kumurap at nag-aninag sa paligid.

Ilang gabi na ring kung anu-anong anino ang nakikita ko sa dilim. Noong una'y lalaking nakatayo sa gilid ng kama at nakasuot ng tila pang US army na uniporme. Nagniningning ang ginintuang mga bituin sa balikat nito. Ilang beses akong kumurap-kurap sa pag-asang namamalikmata lang ako. Pero sa halip na mawala ay nanatili iyong nakatayo hanggang sa unti-unting lumutang pataas. Hindi ki iyon hiniwalayan ng tingin hanggang sa mawala. Hindi ko sigurado kung may mukha ba iyon o papaano. Basta't ang alam ko lang ay matangkad itong lalaki.

Nang sumunod na gabi ay anino naman ng tila electric fan ang nakita ko. Tila likod na bahagi iyon ng electric fan at walang harap.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at tumagilid ng higa. Inaninag ko ang mukha ng asawa kong himbing na himbing sa pagtulog, pero tila nakangisi.

Kumunot ako at ilang beses ulit na kumurap-kurap. Nang lumaon ay nagliwanag ang kanyang mga pulang mata kasabay ng ngising makapanindig balahibo. Alam kong hindi mukha ng asawa ko ang nakikita ko kundi parang isang demonyo.

Nanatiling nakatitig ito sa akin na para bang naghihintay din sa reaksyon ko. Pero sa halip na matakot ay tinitigan ko ang mga matang iyon at ipinagtabuyan ko siya sa isip ko.

Bandang huli ay nawala ang nakahihindik na mukhang iyon kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

********

Hindi ko alam kung panaginip ito o ano. May mga pagkakataong nakakakita ako, pero kung dati natatakot ako, mas madalas binabalewala ko na lang.

Laman ng Panaginip ni DeandoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon