Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko ng marinig ang busina ng sasakyan na susundo sa 'kin. Dali dali kong isinukbit sa balikat ko ang aking bag bago mabilis na sinipat ang sarili ko sa salamin at saka tuluyang lumabas ng apartment. Mabilisan ko itong ikinandado bago patakbong lumapit sa shuttle.
Kulay marun ang buong shuttle at sa gilid nito ay may nakatatak ang logo ng school. Maingat kong binuksan ang pinto ng shuttle at saka umupo sa pwesto malapit sa pintuan.
"Good Morning!" bati nung driver kaya ay nakangiti akong tumango sa kaniya.
"Good Morning din po!" bati ko pabalik.
Ngumiti na lang ito at saka nag-umpisa nang magmaneho. Niyakap ko ang bag ko at saka sumandal. Tinignan ko ang suot kong relos, 6:31am na. Binuksan ko ang bag ko at saka kinuha ang handbook bago basahin ang mga naroon. Umatend naman ako ng orientation noong nakaraang linggo pero binabasa ko pa rin. Kinakabisado ko rin kasi ang mga ire-recite namin tuwing flag ceremony. Napabuntong hininga ako at saka tinignan ang suot ko.
Ang puting blouse namin ay long-sleeves, 'yung mayroong butones sa dulo sa pulsuhan. Wala ring colar, v-neck ang itsura pero hindi masagwa, lalo na kapag suot mo ang ID mo. No'ng orientation pa kami binigyan ng ID Card, no'ng araw na rin na 'yon kami kinuhaan ng litrato. Ang bilis nga ng proseso eh. Ang blouse ay hangang sa bewang ko lang dahil naka-tuck in ito sa skirt na kulay marun. Dalawang dangkal ang taas nito sa tuhod base sa pagkakabilang ko kanina. Ang medyas naman ay umabot sa tuhod kaya ay medyo nakumportable ako.
Sa dati ko kasing paaralan ay hindi ganito kaiksi ang uniporme, lagpas tuhod ang palda ro'n hindi gaya rito na para akong nakabestida. Hayaan na lang, masasanay rin ako riyan at isa pa, hindi ko rin maitatanggi na maganda ang uniporme nila. Halatang pang-mayaman talaga, lalo na ang eskwelahan, napakagarbo talaga kaya kailangan kong mag-adjust para hindi ako mag-mukhang outdated.
Binasa ko lang ng binasa ang handbook hanggang sa mapuno ng estudyante ang loob ng shuttle. Lahat sila ay mukhang mayayaman talaga dahil karamihan sa kanila ay mapuputi. Hindi naman ako maitim, maputi rin naman ako pero sadyang mas mapuputi ang iba sa 'kin. Tahimik lang akong nagbabasa habang ang iba sa kanila ay tahimik na nag-uusap. Malamang ay magkakakilala na sila dahil ang iba ay nagtatawanan at nagkakamustahan na. Tumungo na lang ako para hindi ako lalong magmukhang out of place.
Hanggang sa makarating kami sa paaralan. Bigla akong na-excite. Mabilis kong isinara ang handbook at saka 'yon maayos na inilagay sa bag. Nang huminto ang sasakyan ay mabilis na bumaba ang driver upang pagbuksan kaming mga estudyante.
"Salamat po." ngiti ko sa driver ng makababa ako at nakangiti niya lang akong tinanguan.
Do'n ko lang napansin ang uniporme niya. Marun ang kulay ng polo shirt niya at itim naman ang pantalon. Sa may bulsa sa bandang dibdib niya ay may tatak rin ng logo ng school. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa mapunta ako sa harap ng paaralan. Huminto muna ako saglit para basahin ang nakaukit sa semento ng pader.
'Feauleavaurd Multinatinal School'
No'ng unang punta ko rito ay ang basa ko diyan ay Filivard, pero nung banggitin nung nag-orient sa 'min nung nakaraang linggo ay do'n ko lang nalaman na Folevurd ang pronunciation no'n.
Napailing na lang ako at saka nag-umpisang maglakad papasok. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sa 'kin ang isa pang malaki at nagtataasang gates ng mismong campus. Kumbaga, ang buong paaralan ay nasa loob ng malalaki at matataas na mga pader, 'yung pinasukan ko kanina.
Marami na ang mga estudyanteng nakapila papasok kaya naman ay nakipila na rin ako. Habang nakapila ay hindi ko pa rin maiwasan ang tumingin sa paligid. Kung hindi ko alam na paaralan ito ay iisipin kong nasa gubat ako dahil napapaligiran 'to ng malalaking puno at mga halaman. Semento man ang aming inaapakan ngunit marami ang halaman sa paligid kung kaya't mahangin. Plain white ang kulay ng mga pader pero may design din 'yung ibang bahagi na kulay marun at itim. Hindi pangit dahil napakamaaliwalas tignan.
YOU ARE READING
Redamancy
Romance"Loving does not always circle around happiness, sacrificing is not happy but it is a way of loving. " "Love takes time and time needs patience, also, moving on takes time before it gets done." "When you're in love, pain doesn't matter but when you'...