Chapter 2

6 2 0
                                    

Erika's PoV

"Um.. Luis? Pwede favor?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng Canteen.

Taka siyang tumingin sa 'kin. "Of course, what is it?"

Nahihiya akong ngumiti. "A-Ano... marunong ka naman sigurong magtagalog, 'n-no?"

Saglit pa niya akong tinitigan bago tumawa. Napangiwi ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Hahahaha! Nothing, it's just that.. I don't speak tagalog whenever I'm with someone else.." ngumiti siya at napapahiya naman akong tumango. "I'm trying to keep on my formal state."

"Ahh... H-Hehe.." napapahiyag nag-iwas na lang ako ng tingin at saka tinignan ang sandwich na nilibre niya sa 'kin.

"But since you're not someone else to me, then fine.. magtatagalog na lang ako.."

Napatingin ako sa kaniya at nakangiti siya sa 'kin.

"H-Ha?"

"Gusto kitang maging kaibigan, okay lang ba?" mahina siyang tumawa kaya natawa rin ako.

"Oo naman! Bakit naman hinde?" ngumiti siya ng malawak.

"Nice!"

"Apir!" iniangat ko ang kamay ko para makipag-apir.

Natatawa niya pa 'yong tinitigan bago nakipag-apir.

"I'll be honest with you, masaya kang kasama. You're not like the other girls around, you're much simpler but is fun to be with.." nakangiting sabi niya habang nakatingin sa nilalakaran.

'Akala ko ba magtatagalog na siya? Psshhh...'

Ngumiti ako. "Talaga?"

Tumango siya. "Oo. At isa pa, iilan lang dito sa school na 'to ang mga babaeng mahilig magbasa. Hindi mo ba napansin, bilang lang ang mga tao kanina sa library?" sabi niya bago sumulyap sa 'kin.

Nag-isip ako, "Um, hindi ako sigurado eh.. kaunti lang kasi 'yung nakita ko kanina."

"Mm.. That's why I approached you earlier."

Taka ko siyang tinignan. "Ha?"

"Bago ka kasi sa paningin ko, it's just now that I saw you so I thought, why not try an introduction."

"Ah.. Hehe, ikaw nga lang ang taong pumansin sa 'kin dito eh."

"Really?"

"Oo,"

"I'm glad to hear that.." ngumisi siya kaya kunot noo ko siyang tinignan.

"Ha?"

Natawa siya, "Ang ibig kong sabihin ay, I'm glad that I was the first one to make friends with you." ngumiti siya at napangiti rin ako.

"Bakit naman?"

"Eh kasi... ikaw pa lang ang nagiging kaibigan kong babae dito eversince. I'm not into having a girl friend, I prefer having the opposite of it because there are things that girls won't ever understand about boys." ngumisi siya.

"Katulad naman ng ano?"

Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. "You're a girl, I don't think you will understand."

Napaamang ako. "Maiintindihan ko naman siguro, 'no!" ngumuso ako kaya tumawa siya.

Napailing siya ng bahagya at saka inilagay sa bulsa ng pantalon ang dalawa niyang kamay bago bumuntong hininga.

RedamancyWhere stories live. Discover now