Chapter 1

13 1 0
                                    

Erika's PoV

"To all the students here in Feauleavaurd Multinatinal School, a pleasant morning!" magiliw na sabi ng isang babae na umakyat sa stage matapos ang prayer at national anthem.

"Good Morning!" bati ng mga estudyante.

"What a nice day to start the class, right? After months of vacation, here we are again, standing on the ground of this institution to start new things and create new wisdom! Are all ready to start the school year?!"

"Yesss!!!" sigawan ng mga estudyante.

"Hey," napalingon ako a likod ko ng kalabitin ako ni Luis.

Nandito kaming dalawa sa dulo ng pila ng section namin.

"Mm?"

"You okay?"

Ngumiti ako. "Oo naman,"

"Good." ngumiti siya kaya naman ay tumingin na muli ako sa harapan.

"Okay, but before that, please give a round of applause for the FMS' Dean, Mister Galiver Phaler!" sabi nung babae.

Nagpalakpakan kaming mga estudyante ng umakyat sa stage ang may edad ngunit napaka-eleganteng tignan na lalaki na kinikilalang si Dean Phaler. Humarap siya sa mikropono at nakangiting sumenyas na tumahimik kaya ay tumigil na kami sa pagpalakpak.

"Good morning, students," nakangiting sabi niya.

"Good morning, Dean.." bati namin.

Tumikhim ito bago ngumiti. "I'm glad to see the young achievers in front of me... intelligent individuals... am I familliar to all of you?" nakangiting tanong niya habang tinitignan ang mga estudyante sa hall.

"Yess, Dean.." sagot nila.

Ngumiti na lang ako dahil ngayon ko pa lang siya nakikita.

"Good. So, I won't make you wait, I know that you are all excited to get along and make some new friends but aside from that, I know that you are all well-disciplined and well-behaved enough to cope up with all the upcoming lessons, am I correct?"

"Yes, Dean.."

"Remember, we are here to create new knowledge. Let us make our environment the fount of wisdom, alright? We try to experience, we experience to learn, we learn to know, we know to remember, we remember to pursue and we pursue to succeed, agree?"

"We agree, Dean.." sagot nung mga estudyante.

"Kaloka si Dean, sabi hindi daw pahahabain, balak pa 'atang magseremonyas.. my guurrssh.."

Nangunot ang noo ko ng may marinig akong magsalita sa pila namin pero hindi gaanong malakas. Napailing na lang ako at saka muling umayos ng wala akong masilip.

"You alright?" napatingin ako kay Luis ng magtanong ito.

Ngumiti ako, "Oo naman.."

Ngumiti na lang siya at saka isinenyas na muli akong umayos kaya naman ay gano'n ang ginawa ko. Mahina akong natawa.

'Wala naman akong sinabing may sakit ako, ba't parang maya't maya naman ang pagkamusta nito? Haha..'

"Alright then.. please return to your classrooms. Once again, welcome to Feauleavaurd Multinational School!" sabi pa niya at nagpalakpakan naman ang mga estudyante.

Nang bumaba ng stage si Dean at nag-umpisa ng maglakad palabas ng hall habang nakapila pa rin. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay nakapila pa rin.

RedamancyWhere stories live. Discover now